CHAPTER 28
Tumatakbo si jelyn hindi niya alam kung saan siya pupunta, nanlalabo na ang paningin niya dahil sa mga luhang gustong tumakas sa mga mata niya. Napaupo na lamang siya sa isang lugar kung saan wala masyadong tao. Pagkaupo niya,tuloy-tuloy nang nagsitakasan ang mga luhang kanina pa niya pinipigilan.
"JELYN!" Tawag ng isang lalaki sa kanya. Agad niya itong nilingon, nakita niya ang isang lalaki na unti-unting lumalapit sa kanya. Matagal na niyang kilala ang lalaking tumawag sa kanya.
Niyakap siya nito at sinabing..
"Jelyn,nandito lang ako!"
--
"Jelyn, jelyn.. Gising na tapos na yung volley ball talagang natulog ka diyan ah. Labas na tayo!" Gising sa kanya ni rea.
"Nakatulog pala talaga ko! Ang gara ng panaginip ko rea, akala ko ba si darren na? Bakit iba naman ngayon?" Sabi ni jelyn na kagigising lang at takang-taka sa napanaginipan niya.
''Hayy naku! Nanaginip ka na naman. Kailangan ba laging si darren ang nasa panaginip mo? Hindi ba pwedeng maiba? Tara na labas na tayo sila jules kanina pa nandoon." Pagyaya ni rea sa kaibigan. Hindi na lang nagsalita si jelyn at lumakad na lang din palabas ng room nila.
Isang buwan na lang malapit na silang grumaduate. Si jerome at jules mas minamahal pa din ang isa't-isa. Si rea naman nakipagbreak ulit dun kay joseph na boyfriend niya,si rich okay naman sila ni rain pero napano kasi sa D.O.T.A, si jem busy pa rin sa church at si mina parang ayaw pa daw grumaduate dahil sa isa niya pang bestfriend na 1st year pa lang sa university nila high school 2nd bestfriend niya daw kasi yun until now.
Si darren, hindi pa rin nasasabi na pinapapunta siya ng parents niya sa australia dahil sa may sakit ang papa niya. Natatakot siyang sabihin kay jelyn, at ayaw niya din kasing umalis kaya hindi niya masabi. Wala namang lihim na hindi nabubunyag,hindi rin naman niya balak umalis nang hindi nagpapalam kay jelyn kaya nagpasya siyang sabihin na. Naiayos na rin niya yung ibang papeles na kakailanganin niya.
Dahil sa february 14 na, foundation day din ng university nila jelyn. Nagkalat ang mga hearts,flowers and teddy bears sa loob ng school nila. Bumili si jelyn ng couple necklace dahil sa wala na siyang maisip,may bracelet na din kasi sila ni darren. Pinag-ipunan niya pa talaga yun para lang makabili ng regalo kay darren dahil wala pa siyang naibibigay dito. Nakaupo sila sa isa sa mga bench sa may hallway ng isang school nila habang nanonood ng basketball. Natapos na ang isang game,next departments naman ang susunod na maglalaban. Lahat ng players nagdadaanan sa harap nila dahil nga nasa hallway sila. Naghihintay na lang din silang dalawa ni jules ng sundo at aalis na sila ng school. Maya-maya pa dumating na si jerome na may dala-dalang flowers and teddy bears. Nakapasok siya kasi nakaopen naman yung gate ng school dahil foundation day naman.
"AYIIEHH! ANG SWET!"sabay sabay na kantsaw ni jelyn,rea,mina,rich and jem kay jules.
"Psshh..wag nga kayong maingay nakakahiya kayo!" Saway naman ni jules.
"Don't worry jelyn si darren parating na din!" Panloloko naman ni jerome kay jelyn.
Sa gitna ng lokohan nila biglabg may dumating na lalaki,sinusundo si rich galing sa english society. May dating booth kasi sila ayun,pinasundo si rich ng kanyang boyfriend na si rain.
"AYIIEEH! ANG SWET!" Ulit na kantsaw ng magkakaibigan kay rich.
"Mga toyo talaga kayo! Sige na punta na ko!" Umalis na nga si rich.
"Dadating din yung sayo jelyn! Naghanda yun lalo na't malapit na siyang umalis! " Panloloko ulit ni jerome kay jelyn.
"Ha? Malapit ng umalis? Anong sinasabi mo?" Nagtatakang tanong ni jelyn.
BINABASA MO ANG
IS THIS FOR REAL?? (COMPLETED)
RomanceONGOING STORY! Pagpasensyahan niyo na po sana ang mga typo.errors! First story ko lang po kasi ito.. Kaya kung panget pagpasensyahan niyo na lang din!haha Comment po for suggestions and criticisms. I need it for me to improve pa! Thank you! Ito po a...