CHAPTER 30

155 23 4
                                    

CHAPTER 30

Kinabukasan, maghapon lang nakakulong sa kwarto si jelyn. Tinetext siya at tinatawagan ni jerome at jules pero hindi niya ito sinasagot. Si darren tumatawag din. Kagabi nagpaliwanag si darren sa mga magulang at mga kuya ni jelyn. Sa huling pagkakataon tinanggap nila ang paghingi ng tawad ni darren pero hindi na daw siya tutulungan ng mga ito para makabawi kay jelyn. Nabanggit niya na si jules ang babaeng nahalikan niya kaya nagulat ang mama at papa ni jelyn dahil hindi yun nabanggit ni jelyn sa kanila. Pero napagtanto nila na ayaw ni jelyn na masira ang tiwala nila kay jules kaya hindi na lamang ito ginawang big deal. Nasabi na din ni darren na aalis siya 1 week after their graduation at hindi pa alam ni jelyn yun. Yun din ang dahilan kung bakit binigyan nila ng last chance si darren.

"Hindi ako hihingi ng sorry sa pagsuntok ko sayo dahil alam kong mas masakit pa diyan ang nararamdaman ng bunso namin at mas masasaktan pa kapag nalaman niyang aalis ka. Bahala ka sa buhay mo kung anong gagawin mo pero kapag si jelyn na ang umayaw sayo wag na wag mo na siyang kukulitin. Hindi lang yan ang aabutin mo kapag inulit mo pa 'to." Seryosong sabi ng kuya 1 ni jelyn. Napakaprotective talaga niya pagdating sa bunso nilang kapatid. Hindi na rin nakialam pa ang mga magulang ni jelyn at ang dalawang kapatid nito dahil ngayon lang nila nakitang ganun kagalit si jonjon.

Yan ang mga salitang itinatak ni darren sa isip niya. Kaya umiisip siya mag-isa ng plano kung anong gagawin niya para mapatawad siya ni jelyn.

Ilang beses siyang bumabalik balik sa bahay nila jelyn pero hindi pa rin siya nito hinaharap.

Ilang araw na ang nakalipas, nagkita sa university si jules at jelyn hindi sila nagsasabay dahil nauuna si jelyn. Naikuwento na rin naman ng mama ni jelyn ang lahat kaya alam na niya ang totoong nangyari,malinaw na sa kanya ang lahat pero hindi pa rin niya maiwasang masaktan. Dahil natakot siya nung gabing nakita niyang naghahalikan si jules at darren, natakot siyang baka mawala sa kanya ang nobyo. Naisip niya rin paano kung hindi agad sila dumating ni jerome ano na kayang nangyari.

"Jelyn please talk to me!" Sabi ni jules. Alam na rin ni jem,rich,rea at mina ang nangyari wala naman silang kinakampihan dahil ang tanging gusto nila ay magkakayos ang dalawang matalik na magkaibigan.

"Jules,kakausapin kita pag ready na ko. Marami pa kong gagawin I have to go!" Sabi ni jelyn.

Si jerome at jules ilang araw na ding hindi pa nagkikita,naging busy din kasi si jerome. Alam niyang walang kasalanan si jules dahil hindi niya na rin kinayang pumiglas dahil sa hilo.

Naglakad na palabas si jelyn. Sinundan siya ni rea at sinamahan ito.

"Jelyn, samahan mo muna ko sa bahay pwede?" Pakiusap ni rea.

"Sige, gusto ko din munang magpahinga." Sagot naman ni jules.

"Sama kami!" Singit naman ni rich at jem.

Paglabas nila ng university, nakita nila si jerome na nakatayo sa tapat ng school nila.

"Jerome, sinusundo mo si jules? Palabas na yun. Thank you nga pala sayo ah! Ayos na kayo ni jules?" Pagtatanong ni jelyn.

"Actually hindi pa eh. Hindi pa kami nagkakausap. Ikaw nga pala ang pinuntahan ko dito hatid na kita!" Sabi ni jerome.

"Ako ihahatid mo? Jerome if you're doing this dahil naaawa ka sakin stop this. Asikasuhin mo si jules,she really needs you. Okay? Thank you ulit! Ayan na siya bye!" Umalis na nga si jelyn at rea hindi na din nakapagsalita si rea dahil busy siya sa kakatext. At yung dalawa naman nagkukuwentuhan.

Pagdating nila sa bahay nila rea, naupo agad si jelyn. Nangungupahan lang sila rea kasama ang dalawa niyang kapatid,tama lang ang bahay para sa kanilang tatlo.

IS THIS FOR REAL?? (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon