CHAPTER 16

213 28 3
                                    

CHAPTER 16

Jelyn's PoV

Nakakapagod na! Finals na kasi ngayon kaya madami kaming ginagawa.

Nakakastress! Dagdag pa yung dalawang mokong na yun, ang kukulit! Busy na rin naman si Jerome pero lagi nya kong tinetext minsan tumatawag. Si Darren naman laging nasa bahay kahit busy ako nandun pa rin sya kausap nya yung mga kuya ko.

* wait eto nga pala yung nangyari nung na out of place ako*

-FLASHBACK-

"Wait tumigil muna kayo! Hindi ko kayo gets anong sinasabi nyong may the best man win?? Anong meron?" Tanong ko sa kanilang dalawa.

"Jelyn,nagpaalam na din kasi ako sa parents mo at sa mga kuya mo na kung pwede ba kong manligaw sayo sabi nila bahala ka daw, malaki ka na daw. Gets mo na?" Sagot ni Darren sakin.

"Ha?anong manliligaw ka din sakin? Nababaliw ka na ba? Nanliligaw din sakin si Jerome." Sabi ko naman.

"Jelyn,hayaan mo na sya. May the best man win na lang talaga, kahit naman hindi mo sya payagan na manligaw sayo gagawin nya pa rin." Sabi naman ni Jerome na nakikipag eye to eye kay Darren.

"Bahala kayo! Magsama kayong dalawa, naiistress ako sa inyo! Pwede bang layuan nyo muna ko ah?!" Galit na sabi ko sa kanila tapos pumasok na ko sa kwarto.

-END OF FLASHBACK-

Yun yung nangyari nun. At kahit ayaw ko na manligaw sakin si darren ginagawa pa rin nya. Minsan nga kasama ko si Jerome nung tanghali pagdating ng gabi nandun naman si Darren. Minsan din pagkatapos kong kausapin si Darren sa phone maya-maya pa magriring uli yun tapos si Jerome naman. Nakakaloka! Hindi ko pinangarap 'to, dagdag stress pa sila sakin.

Niloloko na nga ako nila mina, two timer daw ako tinuhog ko pa daw yung magpinsan. Si Jules naman botong boto pa rin kay Jerome,lagi pa rin syang kasama kapag pumupunta dito si Jerome. Hanggang ngayon nga hindi pa rin nila kilala si Darren, sa bahay kasi talaga yun dumidiretso para puntahan ako.

Nakakabaliw na! Ayoko nang ganito!! -__-

Jules' PoV

Hay naku! Napakaganda nitong Jelyn na 'to pati ako dinadamay, pati ako naiistress ligawan daw ba sya ng magpinsan. Tapos ako tumutulong kay Jerome, lagi kaming magkasama ni mokong pag pupunta kina Jelyn. Sanay na sanay na nga ako sa presence ni Jerome eh, kung hindi kami magkasama magkatext naman kami naguusap ng kung anu-ano tungkol kay Jelyn tapos minsan mapupunta sakin yung topic tapos sa kanya naman.

Yung halik na muntik nang mangyari samin nun kinalimutan na talaga namin. Napag usapan na namin yun nung gabing hindi maganda yung pakiramdam ko tapos maaga akong umuwi tinext nya kasi ako nun.

-FLASHBACK-

"Jules,pasensya ka na sa nangyari kahapon ah. Hindi ko sinasadya." Sabi ni Jerome.

"O-okay lang. Kasalanan ko din naman yun tsaka wala namang nangyari diba? Napigilan naman natin."

"Sorry talaga Jules ah. Wag ka sanang mailang sakin, hindi ko alam gagawin ko kapag wala ka eh. Sanay na kong nandyan ka palagi para tulungan ako."

"Woohh! Gumaganyan ka kasi kailangan mo ko dahil kay Jelyn."

"Hindi ah kaibigan na din kasi kita. Tsaka ang bait bait mo pa tapos ang ganda mo pa. Kung nauna nga lang kitang nakilala kaysa kay Jelyn baka ikaw niligawan ko eh. Ooppss..

Sorry ulit! Wag kang maiilang sakin Jules ah pero crush lang naman yun eh."

"Baliw ka talaga! Tama na nga 'to baka mas mailang pa ko sayo. Hindi mo na nasundo si Jelyn. Yari ka dun!" Yun na lang ang nasabi ko, kung ano ano kasi sinasabi ang puso ko tuloy hindi mapakali.

IS THIS FOR REAL?? (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon