Chapter 1
Soundtrack: Misguided Ghost by Paramore
Ah Yue's POV
"Ah Yue Kleeio," pangalan ko. Iyon lang ang natatandaan ko matapos kong idilat ang mga mata ko. Hindi ko alam kung paano ako namatay. Hindi ko alam kung nasaan ang pamilya ko, kung saan ako nakatira. Hindi ko alam ang pagkatao ko. Hindi ko alam kung bakit narito ako sa mundong ito.
Bumaba ako mula sa pagkakaupo sa isang sanga ng puno. Lumubog na ang araw, hudyat ng pagsapit ng gabi. Isang araw nanaman ang lumipas at wala pa rin akong patutunguhan. Nananatili akong walang alam at walang paroroonan.
Isang araw ay gumising akong walang maalala o maramdaman. Sinubukan kong humingi ng tulong subalit doon ko natuklasang kakaiba ako. Sa mundo ng mga tao ay isa akong multo, hindi nakikita o naririnig ng mga simpleng tao. Pakalat-kalat ako at naghahanap ng kasagutan sa mga tanong ko.
Isang grupo ng mga kababaihan ang nakita kong babangga sa akin subalit tumagos lamang ako sa kanilang katawan. Lahat ng masasalubong ko ay tumatagos sa aking katawan. Hindi nila ako nakikita o nararamdaman.
Wala akong pwedeng kausapin. Wala akong kaibigan katulad nila, wala akong tirahan. Wala akong silbi sa mundong ito kaya hindi ko alam kung bakit ako narito.
Nagpatuloy ako sa paglalakad at pagmamasid sa paligid. Ito ang palagi kong ginagawa sa pagpatak ng dilim, ang aliwin ang sarili ko sa makikinang na ilaw ng siyudad, ang pagmasdan ang mga tao sa kanilang ginagawa. Ang mainggit sa kanila.
Punong puno ng buhay ang lahat at ako lang ang nag-iisang hindi alam ang dapat gawin.
Bakit ba ako nandito? Hindi ba dapat nasa ibang dimensyon na ako? Ano pa bang ginagawa ko sa mundong ibabaw? Hindi ba ang mga kaluluwa ng mga pumanaw ay hindi na dapat namamalagi sa mundo ng mga tao?
Marami pang tanong sa isipan ko subalit natigil ako nang bumangga ako sa isang matigas na bagay. Bumagsak ang katawan ko sa lupa at naramdaman kong gumuhit ang sakit sa aking balakang.
Tumingala ako para tignan ang bagay na nabangga ko at napanganga nalang ako sa isang napakagwapong nilalang sa harapan ko.
"Bulag kaba? Tumingin ka nga sa dinaraanan mo," Isang anghel na may sungay. Oo, kitang-kita ko ang sungay niya, kumakaway pa sa akin.
Tumayo ako at inayos ang suot kong puting bestida. Pinanood niya ako at hindi man lang tinangkang tulungan.
"Sorry ha? Alam ko kasi ikaw ang nakabangga sa akin," Sarkastikong sagot ko rito. Nasaktan ako sa pagbagsak kong iyon pero kung umasta siya ay parang ako pa ang may mali.
"It won't happen if you we're just looking on your way," Sagot nito atsaka ako pinasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa. Napatitig nalang din ako sa kaniya.
"Kasalanan ko pa ngayon? E kung nagsosorry ka nalang?"
Ibang klase ang isang ito, kasalanan niya na nga siya pa ang galit. Ganiyan ba talaga ang mga tao?
"Tabi nga!" Kapagkuwan ay binangga ako nito sa balikat at walang pakundangan nalang akong nilagpasan.
Walang modo. Pasalamat ka at kaluluwa nalang ako at hindi na kita kayangg--nabato ako sa kinatatayuan ko nang maproseso sa utak ko ang nangyari. Nabangga niya ako. Nabangga niya ako!
Nilingon ko ang lalaki at nakita ko itong mabilis na naglalakad patungo sa kung saan man. Hindi na ako nag-aksaya ng panahon at agad ko itong hinabol.
"Teka! Teka!" Hinawakan ko ito sa braso at hinila paharap sa akin.
"What?!" Nanlaki ang mga mata ko. Nakikita niya talaga ako? At naririnig? At nahahawakan ko siya! Wala sa sarili akong napangiti dahil hindi ako makapaniwala sa nangyayari.

BINABASA MO ANG
Tale of the Vampire Princess[Trilogy] HIATUS
FantasyIt's when Ah Yue Kleeio thought that she's a ghost appearing to be useless in the story met Yuan Lazaro who turned to be her only hope in finding her lifeless human body. But in an unexplainable way,Ah Yue seems to be your not ordinary ghost in the...