Chapter 8
Ah Yue's POV
Tatlong oras na yata akong nakahiga at nakalutang sa ere. Ang taas taas na ng inabot ko at kita ko na ang buong city.
Hindi ko alam gaano ito kalayo mula sa lupa pero gustong-gusto ko ng pumunta dito.
I sighed. Bakit pa ba ako nandito? Diba yung mga kaluluwa napupunta sa langit kung naging mabuti sila? Tapos sa impyerno naman kung masama sila noong nabubuhay pa? So ano ako? Neither good nor bad? Neutral? Meron bang ganun?
Bumangon ako at umupo. Nakakainis, gusto kong mag-tantrums dahil sa inis pero alam ko namang wala akong dapat sisihin dahil sarili kong problema 'to. Ang ikinaiinis ko talaga ay kung bakit wala akong maalala. Bakit ganun? Parang sinadya talaga mawala lahat ng alaala sa isip ko at itinira lang yung pangalan ko.
Kung normal na tao lang ako baka masabi kong mababaliw na ako pero totoo nga! Pakiramdam ko masisiraan na ako ng bait!
Nakakainis lang kasi talaga. Yung pakiramdam na walang nakakakita sayo, wala kang makausap, yun palang mababaliw kana eh. Idagdag mo pang multo ka?Hay!
Nakarinig ako ng sunod-sunod na malalakas na busina ng sasakyan kaya lumingon ako sa ilalim ko, specifically sa kalsada. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang isang mabilis na truck at yung batang patawid sa highway.
Nanlaki ang mga mata ko. Masasagasaan siya! Lumipad ako agad at mabilis na humarang sa sasakyan na parating. Pero dahil sa sobrang kaba ko, hindi ako nakapagconcentrate kaya tumagos lang sa akin yung truck.
Napapikit nalang ako nang marinig kong magtilian ang mga taong naroon. Pero pagdilat ko ay walang batang nasagasaan. Hinanap ko agad yung bata at nakita ko itong nakatayo sa sidewalk at hawak ng isang lalaki.
Kumunot ang noo ko dahil sa pangyayari. Masyadong mabilis, paano nakarating yung bata at yung lalaki diyan kung wala nang sampung metro ang layo ng truck sa kanila?
"Diyos ko ang anak ko!" Tumakbo agad ang nanay ng bata palapit sa kanila at niyakap niya agad ang anak. Parang in state of shock pa rin yung bata dahil wala itong reaksyon man lang.
Tumayo ang nanay niya at lumapit doon sa lalaki para magpasalamat. Tumango lang ang lalaki at ngumiti sa bata pagkatapos ay umalis na ito at naglakad palayo.
Sinundan ko siya ng tingin dahil iba ang pakiramdam ko. Imposibleng magawa ng isang normal na tao ang ginawa niya. O sadyang nagpanic lang ako? Dahil sa kuryosidad ay sinundan ko siya.
Huminto siya sa isang bus stop at sumakay. Sinundan ko ang bus na sinakyan niya, nakita ko siyang umupo sa tabi ng bintana. Nasa labas ako ng sasakyan at nakalutang sa tapat ng bintana niya.
Diretso lang ang tingin niya kaya naman lumapit ako para mas makita ko ang mukha niya. Mabuti nalang at mukhang hindi siya nakakakita ng multo.
Napansin ko kaagad ang kakaibang features ng mukha niya. Hindi naman sobrang kakaiba dahil halos pareho silang gwapo ni Yuan. Maputi siya at matangos ang ilong niya. Bukod doon ay may hikaw din siya sa tenga.
Ganiyan na ba ang latest fashion trend ngayon? Paglalagay ng isang hikaw sa tenga ng mga lalaki? At bakit yata ang gwapo ng mga lalaking may hikaw na ganiyan?
Huminto ang bus dahil sa stoplight kaya naman nagkaroon ako ng pagkakataon na mas makita ng maayos ang mukha niya. Ang layo ng tingin niya at mukhang may malalim na iniisip.
Pinagsawa ko ang sarili kong pagmasdan siya at lalo kong napatunayan na ang gwapo nga niya! Grabe!
Natigil ako nang may mapansin ako sa mga mata niya.
BINABASA MO ANG
Tale of the Vampire Princess[Trilogy] HIATUS
FantasíaIt's when Ah Yue Kleeio thought that she's a ghost appearing to be useless in the story met Yuan Lazaro who turned to be her only hope in finding her lifeless human body. But in an unexplainable way,Ah Yue seems to be your not ordinary ghost in the...