Chapter 11
Ah Yue's POV
"Care to explain?" Tinaasan pa ako nito ng kilay.At ano naman kayang ieexplain ko?
"Itong plate at baso,sa kabilang pad mo kinuha?"He points at the utensils he's using.Napakagat naman ako sa labi ko bago sumagot.
"Oo."
"So kay Kara nga galing?"
"Oo."
"At ikaw yung kumuha?Yung tinutukoy niya?"
Napa-poker face na ako ulit sa tanong niya.Yung totoo?Wala ba siyang common sense?Edi malaman 'Oo' at 'oo' ang isasagot ko dahil magkakaconnect lang ang tanong niya.
"Ikaw talaga yung tinutukoy niya?"
"Yuan yung totoo?Magkano ba unli mo?Wala bang expiration yan?" Kabwisit kasi.Ulit ulit nalang talaga.
"Aba't sinasagot mo na'ko?!"
Kumunot naman ang noo ko. "Bakit nanliligaw kaba?Basta basta ka na nga lang nanghahalik eh." I rolled my eyes. Akala niya siguro makakalimutan ko yung mga pinaggagawa niya kanina?
"Aw!" Napahawak ako sa ulo ko nang bigla niya akong batukan.Aba't!
"Stupid!That's not what I mean!"
"Eh bakit kailangan mo pa akong batukan?!"
Kainis talaga ang lalaking 'to!Multo nalang ako binabatukan niya pa rin. Eh kung siya kaya ang batukan ko para humiwalay na rin ang kaluluwa niya sa katawan niya?!
"Aish!Ah Yue nasaan ba ang utak mo?Sa paa?!"
I made face. "Osige,try mong tignan sa paa ko kung makita mo."
"Ah Yue!"
Napaigtad naman ako sa sigaw niya. "Ano?!"
"Sumagot ka ng maayos!"
"Maayos naman yung mga sagot ko.Yung mga tanong mo naman kasi ang nakakaloko!" Ganti ko.Totoo naman kasi! Ano bang ipinaglalaban ng lalaking 'to?
Ayan umuusok na yung ilong niya! Totoo naman kasi eh. Nakakaloko naman kasi yung mga tanong niya. Imagine naman? Tinatanong pa ba kung nasaan ang utak? At sa paa? Hayys,masisiraan ako dito kay Yuan.
"Aish!Bahala ka nga sa buhay mo!" Napakamot pa ito sa ulo niya.
Mas napagtripan ko pa tuloy siyang asarin. "Diba nga wala na akong buhay?So--waaa!!" Mabuti nalang at mabilis ang reflexes ko kaya kaagad akong nakalutang paitaas.
"Papatayin mo ba 'ko ha?!" Sigaw ko sa kaniya. Grabe,nabigla talaga ako. Tama bang batuhin niya ako ng tinidor? Nababaliw na ba siya?!
"Akala ko ba wala ka ng buhay?"
Napanganga nalang ako sa sagot niya. Ugh! "I hate you Yuan!"
**
Pagkatapos ng kalokohan niya kanina ay basta niya nalang akong iniwan at pumunta siya sa kwarto niya. Dahil na-bore naman ako ay sinundan ko siya. Nag-aaral yata siya kasi nandun siya sa study table niya.
Kaya naman nagrelax nalang ako sa kama niya at naglaro sa phone niya. Hindi ko pa mapigilang mapangiti dahil hindi ko lubos maisip na isa akong multong gumagamit ng cellphone ngayon.

BINABASA MO ANG
Tale of the Vampire Princess[Trilogy] HIATUS
FantasyIt's when Ah Yue Kleeio thought that she's a ghost appearing to be useless in the story met Yuan Lazaro who turned to be her only hope in finding her lifeless human body. But in an unexplainable way,Ah Yue seems to be your not ordinary ghost in the...