Chapter 10
Ah Yue's POV
Dahil sa sobrang tuwa ko at pinabalik ako ni Yuan sa pad niya ay ipinagluto ko siya ng masarap na dinner!
Hinihintay ko siya sa sala nang mapansin kong gabi na at wala pa rin siya.Kumunot tuloy ang noo ko.Anong oras ba dapat umuuwi yun?
Napatayo naman ako agad nang may kumatok sa pintuan.Nakangiti akong lumapit para pagbuksan siya pero ibang tao ang bumungad sakin.
"Hello Yuan --ah..eh..sino ka?"
Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya.Nakikita niya ako?I stared at her unbelievably at saka ko lang narealize na siya yung babae sa kabilang pad!Yung hinimatay dahil sa pinagkamalan niyang lumulutang ang mga utensils niya.
Natulala ako sa kaniya.
"Miss?Nandiyan ba--" Hindi ko na siya pinatapos magsalita at isinarado ko na agad yung pinto.Napasandal nalang ako dito pagkasara ko.
Bakit nakikita ako nung babaeng yun ngayon eh last time nga hinimatay pa siya dahil sa pag-aakalang lumulutang yung baso at pinggan sa kusina niya.Tsaka visible naman ako nun eh.
Masisiraan ako ng ulo nito eh.Nasaan naba kasi si Yuan?!
Maya maya pa may narinig ako sa labas kaya idinikit ko ang tenga ko sa may pintuan.
"Babae?" Boses yun ni Yuan at mukhang kausap niya yung babae.Nanatiling nakadikit sa may pintuan ang mukha ko.
"Oo nga.Sino ba yun?Bakit nasa pad mo?" So sinabi na niyang nakita niya ako dito.Huminga ako ng malalim.Patay na,siguradong malalaman na ni Yuan ang ginawa ko sa kapitbahay niya.
Kasi naman Ah Yue!Ang tanga tanga mo!Naniniwala na ako kay Yuan na ang stupid ko!Aish!Paano na yan kapag nalaman niya?Baka palayasin nanaman niya ako,kababalik ko nga lang eh.
Natigil yata sa pagpintig ang puso ko dahil sa bigla kong narinig.
"Ah oo,new girlfriend ko." Rinig kong sabi ni Yuan.
Napanganga naman ako.New girlfriend?Ako ba ang tinutukoy niya?Ako ba?Tumingin ako sa paligid ko kung may ibang babae pa ba dito pero ako lang naman.
Parang lalong sumakit ang ulo ko dahil sa narinig ko.Bakit niya naman sinabing girlfriend niya ako?Ano bang iniisip nitong si Yuan?
"Tara pasok ka."
Dali dali akong umalis sa may pintuan.Pumunta ako dun sa may couch at naupo.Nakita ko yung isang magazine at agad ko itong kinuha para magpanggap na nagbabasa ako.Woo!Hindi ko alam ang irereact ko kaya mas safe nang magkunwaring busy ako.
Maya maya pa ay narinig ko ng bumukas yung pinto.Ibinaba ko naman ng kaunti yung magazine para makita ko sila.
"Ayun siya oh." Turo sa akin nung babae at agad namang lumapit sa akin si Yuan.Akala ko naman hihilain niya ako at pagagalitan dahil sinaraduhan ko ng pinto yung kaibigan niya pero iba ang nangyari.
"Hi babe." I felt him kiss me on my cheek.Hinalikan niya ako.Hinalikan niya ako?!
Naramdaman ko ang mabilis na pag-init ng pisngi ko dahil sa ginawa niya.Ang unang pumasok sa isip ko ay ang tumili at hampasin siya dahil sa ginawa niya pero mukhang nahulaan niyang yun ang gagawin ko dahil hinawakan niya ang magkabila kong pisngi at hinalikan ako ..sa labi.
Nagtagal yun ng mga limang segundo bago niya ako binitiwan at nginitian.Pero hindi ko na nagawang makapag-react dahhil natulala na ako sa mukha niya.
Did he just ..kissed me?On the lips?For real?
Alam kong ginawa niya yun para mapigilan ang pagsigaw ko.Alam kong alam niya na ang mga tendencies ko.At hindi siya nabigo,hindi lang niya napigilan ang pagsigaw ko,pati na rin ang paghinga ko.
Now I can't find my voice to react.Para akong naestatwa sa kinatatayuan ko.My first kiss.Ang first kiss ko,wala na.
"Seems like your girlfriend was surprised."
"Not like that,may naalala lang siguro.You want to eat?Tara muna sa kitchen." Pumunta nga silang dalawa sa kitchen at iniwan akong tulala.
Napahawak nalang ako sa labi ko.Why did he kissed me?Pwede naman kasing takpan niya nalang ang bibig ko kung alam niyang pwede akong sumigaw.
Hindi ko pa lubos na napapakalma ang sarili ko nang lumabas na sila sa kusina.Mabilis akong umupo sa couch bago ko ulit itinakip sa mukha ko yung magazine.Kumalma ka Ah Yue.
"Mukhang masarap yung adobo ah."
Wala akong narinig na sagot mula kay Yuan pero naramdaman ko nalang na umupo pala siya sa tabi ko at umakbay sa akin.I stiffened.Ano bang ginagawa ng lalaking 'to?Kailangan niya ba talagang gawin yan?Nababaliw na ako sa kaniya ah.
"Uhm,excuse me?" Tumingin ako dun sa babae na ngayon ay nakaupo dun sa couch na katapat namin.
"Yung magazine mo baliktad." Sabi nito kaya naman napatingin ako agad dun sa magazine na hawak ko.Baliktad nga,nakakahiya!
Sa sobrang hiya ko ay nagkunwari nalang akong may binabasang nakabaliktad dun sa magazine saka ko ito pasimpleng binaliktad.Aish!Ano bang ginagawa mo Ah Yue?Nakakahiya kana ah!
"By the way,I'm Kara." I stared at her when she offered her hand to me. Tinanggap ko naman yun at nakipag-shake hands.
I smiled at her. "Hello,I'm Ah Yue."
Ngumiti rin naman siya sakin.So hindi niya lang ako nakikita,nahahawakan niya rin ako.
"Ikaw ba yung nagluto nung adobo?"
"Ah oo." Tumango ako.
"Mukhang masarap,pahingi naman ako oh?"
Ngumiti naman ako at tumango ulit. Medyo nawala na ang awkwardness ko kasi mukha naman siyang mabait at isa pa,parang familiar na siya sa akin.
"Kumuha ka ng plate mo sa pad mo,naubos na lahat ng plate ko dito." Biglang sabat ni Yuan.Pagkatapos ay naramdaman kong hinawakan niya ang kamay ko.Tinignan ko siya pero hindi naman siya tumingin sakin.
"Why?Nabiktima ka na rin ba?"
"Ng?"
"Last time kasi yung mga baso at pinggan ko lumulutang palabas ng kitchen.And you know,it's really creepy." She even shook her shoulders.
Napakagat naman ako sa labi ko nang maramdaman ko ang tingin ni Yuan sa akin.Oh no,ito na nga ba yung sinasabi ko.Patay na talaga ako nito.
"Lumulutang na baso at pinggan?" He acted cool about it kahit na alam kong alam niya nang ako ang may gawa nun.Sigurado mamaya ako sisigawan nito ng bongga.
"Yes."
"Imposible yun.Baka may multong humahawak."
Pasimple akong napa-pokerface.Ano pa nga ba?
**
Vote.Comment.Follow :'>
BINABASA MO ANG
Tale of the Vampire Princess[Trilogy] HIATUS
FantastikIt's when Ah Yue Kleeio thought that she's a ghost appearing to be useless in the story met Yuan Lazaro who turned to be her only hope in finding her lifeless human body. But in an unexplainable way,Ah Yue seems to be your not ordinary ghost in the...