Chapter 28

968 25 0
                                    

 Chapter 28

**AhYue'sPOV

"Hachoo!"

Aah!Nakakabwisit naman oh!Kanina pa ako humahachoo!

"Anong klase ka bang multo ha?May multo palang nilalagnat."

Nagpout ako.Kasalanan niya to eh.

"Psh.Kung anu ano kasing fall for me pa ang nalalaman mo eh."

Pinisil niya yung pisngi ko at niyakap ako ng mahigpit habang pareho kaming nakahiga dito sa kwarto niya.

"I love you."

Yumakap na din ako sa kaniya at siniksik ang mukha ko sa dibdib niya.

Ang sarap lang sa pakiramdam ng mainit niyang katawan.

"Bakit di ka sumagot?"

"Ha?"

"Nag-iloveyou ako."

Napangiti tuloy ako.

"I love you too."

Naramdaman kong humigpit ang yakap niya sakin.

"Ang lamig mo oh."

"Patay na kasi ako." sagot ko naman.

"Pero ang init ng hininga mo.Tumatama sa balat ko."

Hindi nalang ako sumagot tapos maya maya naramdaman kong nilalaro niya yung buhok ko.

"Yuan nakikiliti ako."

Nararamdaman ko din kasi yung hininga niya sa batok ko.Nakikiliti tuloy ako.

Humiwalay naman siya ng kaunti sakin.

He held my face and kissed me on my forehead.

"Magpahinga kana ok?Magluluto ako."

Ngumiti ako at tumango tapos kinumutan na niya ako.

Pero bago siya tuluyang lumabas,he leaned down and gave me a smack on my lips.

Napahawak tuloy ako sa labi ko at yun nalang ang naisip ko hanggang sa makatulog ako.

**

Paggising ko napatingin agad ako sa orasan.5o'clock na.Nasaan na si Yuan?

Nagstretch ako ng kaunti bago bumangon.Magaan na ang pakiramdam ko.Nakapagpahinga na kasi ako.

Sinubukan kong lumutang tulad ng lagi kong ginagaw pero walang nangyari.

Hindi ako makalutang.Anong problema?

Inikot ko ang paningin ko sa buong kwarto hanggang sa mahagip ng mata ko ang isang bagay sa ibabaw ng study table ni Yuan.

Isang rose,isang black rose.

Pero bakit may ganiyan dito?Hindi naman yan yung rosas dati eh.

Napatigil ako sa pagiisip nang may marinig akong ingay mula sa baba.

"YUAN ANO BANG MERON ANG BABAENG YUN?!"

I cant be wrong,boses yun ni Sarah.

Pero anong ginagawa niya dito?

Agad akong bumaba sa kama at nagmadaling lumabas ng kwarto.

And there I saw them ..Sarah and Yuan.

Tale of the Vampire Princess[Trilogy] HIATUSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon