Chapter 2

1.5K 53 1
                                    

Chapter 2

"Ano yan?!" Sigaw nito.

Gusto ko na talagang mag-tumbling dahil sa itsura niya ngayon. Grabe, ang sarap naman pagtripan ng isang ito. Napaka-priceless ng mukha niya habang hindi makapaniwalang tinitignan yung picture frame na lumulutang sa harap niya, right infront of his face.

"Ah shit! Ano ba?! Ilayo mo sakin yan!" He yelled,his nostrils even flaring. Hindi ko na nga napigilan ang sarili ko and I bursted out laughing.

Ano ba naman yan, lumutang lang kasi yung frame hindi na niya ma-identify. Nakakaloka ang taong ito. Marami nga siguro siyang nainom dahil namumula na ang pisngi niya hanggang leeg.

"Stop it!"

"As you wish," Ibinaba ko naman ng dahan-dahan yung picture frame mula sa center table dahil nakakahiya naman sa kaniya kung mababasag ko. Baka siya pa ang maghatid sakin sa impyerno.

Napaupo siya sa mahabang sofa sapu-sapo ang ulo niya. Lumapit ako, "Ano?Naniniwala ka naba? Tutulungan mo na ba 'ko?"

He raised his head and glared at me. Napaatras ako. Aba, nakakatakot naman makatingin ang isang 'to. Ang gwapo niya sana kaya lang nakakatakot siya, his looks can kill.

"Wag mong sabihing hindi ka pa rin naniniwala?"

Hindi siya sumagot at sa halip ay muling yumuko at napamasahe sa ulo niya. Masakit ang ulo niya? Eh bakit ba siya uminom?

"Aish, lasing ka lang Yuan." Bumubulong ito, kinukumbinsi ang sariling lasing lang siya.

So, Yuan ang pangalan niya? Ang ganda naman! Bagay sa gwapo niyang mukha, minus nalang sana yung ugali. Si Lord talaga ang galing magbigay ng conflict, bakit kadalasan sa mga gwapo masungit naman at masama ang ugali? Wala talagang perfect sa mundo.

Umupo ako sa tapat niya.

"Lasing na lasing ka naman yata," sabi ko. 

"Oo lasing lang ako," sagot nito habang nakayuko.

Napangiti ako, "Lasing ka pero totoo ako."

Nag-angat siya ng tingin at nagkatapat ang mga mukha namin dahil nakalutang lang naman ako habang naka-indian seat sa harapan niya. Kitang-kita ko ang magaganda niyang mga mata na kulay itim. Bumaba ang mga mata ko sa ilong niyang sobrang tangos kaya bigla naman akong na-conscious sa ilong ko.

Ano ba yun? Bakit ang tangos ng ilong niya? Gusto kong pisilin,n akakainggit naman!

"Imagination lang kita,"

Napa-pokerface ako, "Ang sama mo, alam mo yun?Ang ganda ko tapos sasabihin mo imagination lang ako? Aba, may feelings pa rin naman ako."

Hindi ito sumagot. Sa halip ay isinandal nito ang katawan niya sa couch atsaka pumikit. Hinintay ko siyang magsalita ulit pero mukha nakatulog na siya.

Kainis! Kapal naman ng mukha nitong tulugan ako!

Pero may napansin ako sa kaniya, ang puti niya. Tapos ang haba ng pilikmata niya. Inilapit ko ang mukha ko sa mukha niya at pinagmasdan ko siya ng maigi. Ang kinis ng mukha niya at ang pula ng labi niya. Black na black ang buhok at napansin ko ring may hikaw siya sa kaliwang tenga.

Grabe, ang gwapo niya nga talaga. Napangiti ako nang may maisip akong kalokohan.

Inilapit ko pa ang mukha ko sa kaniya atsaka ko hinipan ang tenga niya. Kumunot ang noo niya atsaka dahan-dahang dumilat.

"Boo!" Sigaw ko malapit sa may tenga niya na nagpabalikwas sa kaniya.

"Fuck!"

Mabilis akong lumayo sa kaniya at tumawa ng tumawa. Oh my gosh, ang cute niya talaga magulat! Ang kulit ng facial expressions niya!

Tale of the Vampire Princess[Trilogy] HIATUSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon