Chapter 6

1.2K 28 1
                                    

Chapter 6

"Tumigil ka nga!"

I made face, "Akala ko ba tutulungan mo ako? Pinagluto na kita ng dinner kanina ah!"

Nakakainis kasi si Yuan, sabi niya tutulungan niya na ako pero nung nagtatanong na ako paano kami magsisimula hindi naman niya ako pinapansin.

Pagkatapos nung mga nangyari kanina basta nalang siyang naupo dito sa sala at nanood ng TV.

"Yuan ang daya mo naman eh!" Hinihigit ko ang manggas ng t-shirt na suot niya nang sinamaan niya ako bigla ng tingin.

"Pinagluto mo nga ako pero binasag mo naman lahat ng pinggan at baso ko! Pati yung vase pala nabasag mo! Alam mo ba kung gaano kamahal yun?Mahal pa sa buhay mo!"

I rolled my eyes at him. Minsan din pala tanga itong si Yuan. Akala ko ako lang ang tanga dito eh, "FYI, wala na akong buhay." Pagpapaalala ko sa kaniya. Baka kasi nawala na sa isip niya na patay na ako.

Inis na napakamot naman siya sa ulo niya. Natawa tuloy ako sa itsura niya ngayon, mukhang pikon na pikon talaga ang isang 'to sakin.

"Aish!"

"Tulungan mo na kasi ako please?" Sinubukan ko ulit mag-puppy eyes kahit na kanina ko pa yun ginagawa at parang wala namang epekto sa kaniya. Ano ba talagang problema ng taong 'to? Ang hirap niyang kumbinsihin.

Bumalik lang siya sa panonood ng TV at hindi nanaman ako pinansin. Napasimangot tuloy ako.

"Uy," Sinundot ang kaliwang pisngi niya dahil nasa tabi niya lang naman ako sa sofa pero hindi pa rin niya ako pinansin.

"Uy, Yuan naman, tumupad ka naman sa usapan natin oh?"

Nagulat ako nang bigla siyang humarap sakin, "Ano bang mapapala ko sayo kapag tinulungan kita?!" Talagang naiinis na ito dahil magkasalubong na ang mga kilay niya.

Napalunok tuloy ako. Kahit nakakatakot siya, I need to keep on convincing him. Alam ko papayag siya, nararamdaman ko.

"Kahit ano gagawin ko basta tulungan mo lang ako!"

Napatitig siya sakin dahil sa sinabi ko pero seryoso ako, gagawin ko talaga lahat ng gusto niya basta tulungan niya lang ako. Siya nalang kasi talaga ang pag-asa ko.

"Are you serious?"

"Oo Yuan, seryoso talaga ako. Kahit gawin mo pa akong katulong mo basta parang awa mo na tulungan mo lang ako."

"Wag ka ngang magmakaawa sakin," Napaismid nalang talaga ako sa kaniya nang mag-roll eyes siya. Bwisit 'to! Magmamakaawa ba naman ako kung hindi siya nagpapapilit? Ugh, sasakalin ko na 'to promise!

"Ang hirap mo naman kasing pilitin eh," maktol ko. Nang mag-angat ako ng tingin ay nakita kong nakatitig lang siya sa akin na parang nag-iisip.

"Sige na, tutulungan na kita."

Nanlaki naman ang mga mata ko sa narinig ko, "Talaga?!"

"In one condition," I want to roll my eyes dahil talagang may kundisyon siya. Mga tao talaga ngayon no? Akala ko pa naman kahit papano hindi niya seseryosohin yun pero ayos lang naman sa akin. Basta wag niya lang akong utusang gumawa ng masama. Nako, ako mismo maghahatid sa kaniya sa mga pulis!

"Ano ba yun?"

He stared at me at parang kinilabutan naman ako sa tingin niyang yun.

"Be my slave,"

Tale of the Vampire Princess[Trilogy] HIATUSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon