Chapter 9
Ah Yue's POV
Dahil sa curiosity ay sinundan ko ng sinundan yung lalaking nakita ko kahapon. I even followed him hanggang sa bahay niya. I watched him finish his day at ngayon nga ay umaga na at mukhang papasok na siya sa school.
I won't deny that I am physically attracted to him. Ang gwapo niya kasi talaga at silent type pa. Mukha siyang misteryoso dahil sa aura niya kaya lalo akong na-curious.
Pinagtitinginan siya ng mga babae habang naglalakad sa hallway pero diretso lang siyang naglakad at hindi na pinansin ang mga babaeng bumabati sa kaniya.
Pumasok siya sa isang building at sumakay sa elevator. The lift stopped on the fourth floor at lumabas na rin siya agad. Kung pinagtitinginan siya kanina sa hallway, mas pinagtitinginan naman siya ngayon sa corridor. Lalo na nang pumasok na siya sa isang classroom.
Sinundan ko siya nang pumunta siya sa pinakalikod at umupo sa isang bakanteng upuan malapit sa bintana. He didn't even bother looking at his classmates at nagbukas nalang siya ng isang libro at nagbasa.
Grabe, ang cool naman niya, dagdag pogi points yata yun ah. Pinagmasdan ko ang mga kaklase niya at karamihan sa kanila ay mga babaeng nakatitig sa kaniya. Napangisi ako, hindi ko naman sila masisisi, ang gwapo nga kasi niya. Not just gwapo but also looks hot! Ay grabe.
Kaniya-kaniyang papansin ang mga girls nang bigla namang may dumating na nakaagaw ng pansin nila. Nang mag-angat ako ng tingin ay napanganga ako nang makita ko kung sino 'yon.
Kung kanina, pinagtitinginan itong isang lalaki, ngayon naman obvious na obvious na yung mga babaeng kinikilig. Gosh, e sino ba namang hindi magwawala? Yuan stepped inside the room like a greek god!
I must say na talagang malakas ang sex appeal niya at di hamak na mas lamang siya kaysa dun sa isa. Pumasok lang siya ng room parang nagka-riot sa loob!
I can't believe na makikita ko pa pala ang lalaking 'to. Akalain mo nga naman.
I suddenly realized na baka makita niya ako kaya agad kong ginawang invisible ang sarili ko. Mahirap na, baka sabihin niya sinusundan ko siya. At isa pa, nakakahiya na talagang magpakita sa kaniya pagkatapos ng katangahan ko.
Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa umupo siya malapit din sa bintana, specifically, sa harapan nung lalaki kanina at sa tabi ko. Nakahinga ako ng maluwag dahil invisible ako. Atleast hindi ko na kailangan makaramdam ng hiya na nandito din ako.
Yun ang akala ko, kasi bigla nalang siya napatigil at napalingon sa gawi ko. Nanlaki ang mata ko. Wait, imposibleng makita niya ako, imposible yon!
"Ah Yue Kleeio," he whispered on air.
Napanganga ako. Paano niya nalamang nandito ako?
"I know you're here," I heard him whisper again. Sumandal siya sa armchair niya at bigla nalang ngumiti.
Kinilabutan ako sa ngiti niyang yun. Ano ba 'tong si Yuan, mukha siyang murderer kapag ngumingiti siya ng ganiyan! Gwapong murderer, ugh!
Dahil ayoko talagang makita niya ako ay tumayo na ako agad para umalis. Kailangan ko ng umalis dito. Naghanap ako ng pinaka-malapit na exit at nakita ko agad ang bintana. I floated on air at dumaan nalang ako sa gawing harapan niya but I was surprised when I felt him grab my wrist.
"Got you,"
Napaupo ako sa lap niya at hindi ko na napigilang mapatili nang maramdaman ko ang hininga niya sa batok ko.
Nagulat nalang ako nang mabasag ang salamin sa bintana, not just one but the whole row of window panel broke. Maging ako ay nagulat and it was late for me to know na nagsisigawan na ang mga estudyante sa loob.
"Dammit," I heard Yuan muttered under his breath bago niya ako hinila palabas ng room nila. Nagpatangay nalang ako sa kaniya dahil in state of shock pa rin ako sa nagawa ko.
Hinila ako ni Yuan papasok sa isang room, varsity room yung nakasulat sa pintuan. Mabuti nalang at walang tao sa loob. Ni-lock niya agad yung pinto at binitiwan na ang kamay ko.
"Y-Yuan .."
"Anong ginagawa mo dito?" Napaatras ako dahil nagtaas nanaman siya ng boses. Hindi ako nakasagot.
"Sinusundan mo ba ko Ah Yue?"
"Hindi ah!" Tanggi ko naman agad. Sabi ko na nga ba ganiyan ang iisipin niya e.
"Eh anong ginagawa mo dito?"
"School 'to diba? Ano ba sa palagay mo ang ginagawa dito? Diba nag-aaral?" Ganting sigaw ko dahil napikon na ako. Huli na ng marealize ko ang sinabi ko.
"Tanga ka talaga!" Napahawak ako sa noo ko nang pitikin niya ito. Sinamaan ko siya ng tingin.
"Patay kana diba? Wag ka ng mangarap pwede ba."
Ouch ha? Kung maipamukha nanaman niya sa aking patay na ako. Napaka-walang puso talaga ng bwisit na'to! Tama lang siguro na binwisit ko siya nitong mga nakaraang araw. Nakakainis!
Umupo siya doon sa mahabang upuan sa gitna atsaka matamang tumingin sakin, "Saan ka naman nagpunta kahapon? Bakit hindi kana bumalik?"
"Sabi mo bumalik nalang ako kapag may naaalala na ako," umupo din ako sa tabi niya nang bigla niya nanaman akong sigawan.
"Bobo ka talaga!"
Napangiwi ako dahil sa sigaw niya, "Ano bang problema mo diyan?! Kung makasigaw ka nanaman wagas!" Singhal ko. Nakakapikon na kaya siya!
"Ang bobo mo kasi, stupid." Napahawak ako sa noo ko at napa-aray nang pitikin niya nanaman ako. This time I started to glare at him.
"Masakit yun ah! At anong bobo?! Stupid?! Ano ba?!"
"Nag-iisip ka ba ha? Palagay mo naman babalik ang alaala mo? Ano ka, may amnesia? Multong may amnesia?! Aish, stupid talaga!"
Aba't talagang! Sa sobrang inis ko tuloy ay tumayo na ako. I gave him a death glare atsaka ko siya tinalikuran para sana umalis nalang dahil pikon na pikon na ako sa kaniya. Pero natigil ako nang bigla siyang magsalita.
"Dun ka sa unit ko umuwi mamay." At instead na ako ang magwawalk-out ay mas nauna pa siyang umalis kaysa sakin. Hindi ko nalang pinansin dahil napangiti na talaga ako sa sinabi niya.
Pinababalik niya ako sa unit niya! Ang saya naman neto!
**
Vote.Comment.Follow :'>
BINABASA MO ANG
Tale of the Vampire Princess[Trilogy] HIATUS
FantasiIt's when Ah Yue Kleeio thought that she's a ghost appearing to be useless in the story met Yuan Lazaro who turned to be her only hope in finding her lifeless human body. But in an unexplainable way,Ah Yue seems to be your not ordinary ghost in the...