Chapter 25

916 34 0
                                    

Chapter 25

**Yuan'sPOV

Pagbukas ko ng pintuan,nagulat nalang ako sa nakita ko.

Si Sarah na parang sinasakal habang nakalutang sa ere.

Ang magulong sala at si Ah Yue.

Si Ah Yue na pulang pula ang mga mata.

Ibang iba ang aura niya ngayon.May kakaibang itim na usok na nakabalot sa kaniya.

Damang dama mo rin ang kakaibang hangin na umiikot ngayon sa pad.

Pero mas nakakatakot ang mga ngiti niya.She's smiling from ear to ear na parang tuwang tuwa siya sa nakikita niya.

Doon ko lang naalala si Sarah nang magsalita siya.

"Die."

Napatakbo ako palapit sa kaniya at kusang kumilos ang mga kamay ko at itinulak siya.

Sakto ang pagbagsak ni Sarah and thank God I caught her.

"Y-Yuan?"

Nagulat nalang ako nang makita kong tumutulo ang dugo mula sa ulo ni Ah Yue.

Sht!Tumama yung ulo niya sa lamesa nang itulak ko siya!

Nakatingin lang siya sa akin na hindi makapaniwala dahil nagawa ko iyon sa kaniya.

"A-Ah Yue hindi ko sinasadya .."

Lalapitan ko na sana siya nang pigilan ako ni Sarah sa pamamagitan ng pagkapit sa braso ko.

"Yuan she's a demon .." she said.

My eyes got stucked on her.Putlang putla na siya at habol niya pa rin ang hininga niya.

Her eyes are just half open.Oh God.Ah Yue almost got her there.

Kung hindi agad ako dumating she might be dead now.

"Y-Yuan .."

"Ah Yue pano mo nagawa to?You almost killed her."

Gusto ko ng magalit.Pero nang makita ko kung paano umagos ang dugo mula sa ulo niya,my anger turned to guilt.

Paano ako magagalit sa kaniya sa ganitong sitwasyon na nasaktan ko rin siya?

"Yuan I cant breathe .."

Napatingin ako kay Sarah.

Anong gagawin ko?Sinong uunahin ko?

Muli akong tumingin kay Ah Yue ..at kay Sarah.

She's just an ordinary woman.Kapag inuna ko si Ah Yue baka mamatay siya.

Tumingin ako kay Ah Yue.Kapag si Sarah ang inuna ko anong mararamdaman niya?

Masasaktan siya.

Pero multo siya.Alam ko maiintindihan niya naman ako.

Tao lang si Sarah.

Huminga ako ng malalim at nagpasya.

Inihiga ko si Sarah and I did CPR.

Until that thing ..I have to touch her lips with mine.

I dont want to do it infront of Ah Yue but I have no choice.This is a matter of life and death.

Sarah inhaled deeply when she received air from me.

Nang masiguro kong ligtas na siya,tumingin ako sa direksyon ni Ah Yue.

At sa panahong wala na akong nakitang Ah Yue ..nagsisi ako.

Tale of the Vampire Princess[Trilogy] HIATUSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon