Chapter 18

1K 35 0
                                    

Ah Yue's POV

"Aray naman!Bakit ka nambabato?!" Nakakainis talaga ang lalaking 'to. Kanina hinampas niya ako ng unan. Tapos ngayon naman ay ibiinato na niya sakin yon. May sapak yata sa ulo ang lalaking 'to.

"Gusto ko ng kape."

"Kape nanaman?!"

"Don't shout!Magkatabi lang tayo!" Sinamaan niya ako ng tingin.

Paano naman kasi,kahapon pa siya kape ng kape. Hindi ko na maintindihan ang takbo ng pag-iisip niya.

Sumandal ako sa headboard ng kama niya at humalukipkip. Bahala siya diyan. Magtimpla siya ng kape kung gusto niya.

"Ah Yue!"

"Kape nga!"

I scowled at him. Ugh! Nakakainis ka talagang Yuan ka! Tumayo na ako at lumabas ng kwarto niya. Ipinagtimpla ko siya ng kape pero pagbalik ko sa kwarto niya ay nadatnan ko siyang natutulog.

I looked at him and sighed. Inilapag ko yung coffee sa sidetable bago ako lumapit sa kaniya para ayusin ang pagkakahiga niya.

Napailing nalang ako. Akala niya siguro hindi ko alam. Simula ng mga nangyari nung isang gabi, alam kong hindi na siya umaalis sa tabi ko kapag tulog ako. Binabantayan niya lang ako magdamag.

Bukod doon ay may mga kung anu-ano naman siyang ginagawa sa laptop niya kapag umaga na. Kaya nga palagi na siyang nagrerequest ng kape.

Umupo ako sa tabi niya at pinagmasdan ang mukha niya. He looks so tired. Hindi ko napigilang i-trace ng hintuturo ko ang eyebags niya pababa sa matangos niyang ilong.

I smiled when I saw him crinkle his nose pero nabigla ako nang biglang dumantay ang braso niya sa akin at nahila niya rin ako pahiga.

"Y-Yuan." Nabigla ako nang makita ko kung gaano kami kalapit sa isa't isa. Pakiramdam ko ay biglang bumilis ang tibok ng puso ko.

Bumaba ang kamay niya sa bewang ko at nanlaki ang mga mata ko nang hilain niya pa ako palapit. Soon enough, I was already on his arms at yakap niya na ako. Para akong nanigas nang magsalita siya.

"Ah Yue .."

What?Is he really calling my name?Tulog na siya diba?Sinikap kong makita ang mukha niya and I saw him fast asleep.

"Yuan wag mo nga akong pagtripan." I warned him. Baka kasi mamaya pinagtitripan niya na pala ako.

Pero hindi na siya nagsalit ulit. Ilang beses akong napalunok nang isiksik niya ang mukha niya sa leeg ko. Nakikiliti ako sa pagtama ng hininga niya sa balat.

"Yuan .." I tried waking him up pero wala namang nangyari. Sa huli ay sumuko nalang din ako.

Isiniksik ko ang ulo ko sa dibdib niya at niyakap siya. Ano bang ginagawa ko? Bakit ko siya niyayakap? I don't know. Hindi ko na alam pati ang nararamdaman ko.

No,I'm happy.That's what I'm feeling right now,I'm happy.Masaya ako kasi hindi na siya galit sakin.Masaya ako kasi okay na kami. Kasi hindi na ako aalis dito.

Pero yung pakiramdam ko nang bigla siyang magsalita,yung naramdaman ko nang bigla niyang sabihin iyon,hindi ko alam kung saya ba iyon o nagulat lang talaga ako.

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko nang sabihin niya ang mga salitang iyon.

"I love you."

Tale of the Vampire Princess[Trilogy] HIATUSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon