Chapter 15

1.3K 33 2
                                    

Ah Yue's POV

Hinintay kong lumubog ang araw bago ako lumabas ng pad ni Yuan.Hindi na kasi mainit kapag ganito.

Dumiretso ako agad sa classroom nila at ginawa kong invisible ang sarili ko. Ayoko kasing makita ako ni Yuan dahil siguradong sesermunan niya nanaman ako lalo pa't pinagbilin niyang wag muna akong aalis.

Nakakainip naman kasi sa pad niya at hindi ko kayang tumambay ng matagal dun.

Pagpasok ko sa room nila ay isang maingay at magulong klase ang nadatnan ko.Wala pala ang professor nila kaya occupied silang lahat magdaldalan.

Nakita ko agad si Yuan na nakikipagtawanan sa ilang babaeng malapit sa table niya. I rolled my eyes. Tignan mo ang mga babaeng 'to,harap-harapan silang makipagharutan,hindi man lang mahiya na nakikita sila ni Yuan. At gustung-gusto naman niya.

Hindi ko nalang sila pinansin at hinanap ko agad si Kent.Tumingin ako sa usual seat niya at nakita ko siyang tahimik lang na nagbabasa.Buti pa siya tahimik lang.

Sa kaniya lang ako nakatingin the whole time hanggang sa hindi ko na namalayan ang oras at dismissal time na pala.Tinignan ko si Yuan na nag-aayos na ng gamit niya sa bag.

Kapag umuwi na siya at hindi niya ako nakita,sigurado talagang sermon ang aabutin ko sa kaniya.Kaya kailangan kong mauna sa kaniya sa pad.

Palabas na ng room si Yuan nang biglang lapitan siya ni Kent. "Di muna ako aattend ng practice pre."

Tumango lang naman si Yuan at lumabas na.Napatingin naman ako kay Kent. Gosh,ito ang first time na narinig ko siyang magsalita! Ang manly ng boses niya at varsity player din pala siya?!

So may practice pala sila ngayon at hindi siya aattend.Ibig sabihin ay free time ko 'to para sundan siya dahil hindi pa naman agad uuwi si Yuan.

Nag-ayos na din ng gamit si Kent.Siya na nga lang ang naiwan sa room nila eh.Nung matapos na siya ay dire-diretso na siyang umalis ng school.Naisipan ko naman munang sumunod sa kaniya.Mahaba pa ang oras ko kaya naman sasama muna ako sa kaniya.

Nagpatuloy siya sa paglalakad at nakasunod lang naman ako sa kaniya. Medyo madilim na rin at malamig ang ihip ng hangin. Napayakap tuloy ako sa mga braso ko. Saan kaya pupunta itong si Kent?

Nagpatuloy ako sa pagsunod sa kaniya hanggang sa mapansin kong papunta sa kakahuyan ang daang tinatahak niya.Teka,anong gagawin niya dun?

Pamilyar sa akin ang lugar na yun dahil doon ako nagising noon sa ilalim ng isang puno. Yun ang araw na nalaman kong hindi ako tao.Pero hindi na rin ako nakabalik doon simula nang makilala ko si Yuan.

Nag-alangan na akong sumunod sa kaniya nang makita kong pumasok nga siya sa kakahuyan. Gabi na at siguradong madilim doon kaya naman natatakot na ako. Ano ba kasing gagawin ni Kent diyan? Hindi ba siya natatakot?

Tuluyan nang nawala si Kent sa paningin ko. Medyo kinabahan naman ako dahil mag-isa lang siya at baka kung ano ang mangyari sa kaniya doon kaya kahit natatakot ako ay ginawa ko ng visible ang sarili ko.

Tumapak ako sa lupa at naramdaman ko kaagad ang malamig na simoy ng hangin at maging ang lamig na nagmumula sa lupa dahil nakayapak lang ako. Nagsimula na akong maglakad papasok habang yakap ang sarili ko.

May kaunting liwanag pa sa bungad ng kakahuyan dahil sa hindi pa masyadong mapuno pero nang makarating na ako sa kalagitnaan ay wala na akong makita.

"Kent nasaan kana ba?"

Sinubukan kong aninagin ang paligid pero bigla akong nabato sa kinatatayuan ko nang may mga kaluskos akong narinig mula sa paligid.

Tale of the Vampire Princess[Trilogy] HIATUSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon