Chapter 16

895 34 1
                                    

Ah Yue's POV

"Break na kami."

Napayuko nalang ako at napakagat sa labi ko para pigilan ang nagbabadya kong luha.Hindi dahil sinabi niyang break na kami,alam ko namang wala naman talagang kami.Nasasaktan lang ako kasi pakiramdam ko parang sinabi niya ring tapos na yung pagkakaibigan namin.

"Ha?Anong klaseng joke naman yan Yuan!" Narinig kong pilit pang tumawa si Kara.

"I'm not kidding.We broke up already and she's here to get her things."

Sobrang napakagat na talaga ako sa labi ko at hindi ko na pinansin kung magdugo ma ito.

"A-Ah Yue .." Kara is now looking at me apologetically.Tumango lang ako at muling yumuko.

"But I'll go to that party later.I'll just be looking for another girl." I felt him looking at me.

Gusto ko na talagang umiyak.Nalalasahan ko na yung dugo sa labi ko dahil sa matinding pagkagat ko dito.

Hindi na nagsalita pa si Kara. Nagpaalam na agad siya at umalis. Naiwan kaming dalawa ni Yuan at hindi ako makatingin sa kaniya.

"You heard what I said.You can leave tomorrow.But before that,clean my pad tonight parang pagtanaw mo nalang din ng utang na loob sa pagpapatuloy ko sayo."

Tumango nalang ako dahil hindi na ako makapagsalita.I'm afraid my voice would just break down.

Pagkatapos niyang sabihin iyon ay bumalik na siya sa kwarto niya. By that time ay tumulo na ng tuluyan ang luha ko.Naiinis ako dahil sa mga ginagawa niya pero mas naiinis ako dahil alam kong kasalanan ko din naman ito.

Siguro nga tanga talaga ako.Pero ang hindi ko lang maintindihan ay nasasaktan ako. Sobrang nasasaktan ako.

*

Kasalukuyan akong nagwawalis sa sala nang bumaba si Yuan. Nakabihis na siya.Siguro pupunta na siya dun sa party. I want to come too kasi feeling ko masaya dun.Pero hindi naman ako pwede.

"I'll go home tomorrow at gusto ko pag-uwi ko,wala kana." Sinabi niya yun ng hindi man lang ako tinitignan.

Nasaktan ako pero wala naman akong karapatang magalit.Kasi una sa lahat ay nakikitira lang ako dito. May karapatan siyang paalisin ako kahit kailan niya gusto.

At wala rin akong karapatang magtanim ng sama ng loob kasi wala naman kaming koneksyon sa isa't isa.Basta nalang ako dumating sa buhay niya at binigyan siya ng problema.Wala akong mabuting naidulot sa kaniya.

Gusto ko na ring lumayo. Gusto ko nalang mapag-isa. Ayoko ng makagulo pa sa buhay niya at ng ibang tao. Mas mabuti sigurong solohin ko nalang ang problema ko. In the first place ay hindi ko naman dapat talaga siya dinamay.

Pinahid ko ang mga luha sa pisngi ko at nagpatuloy na ako sa paglilinis. Gabi na nang matapos ako. Sinigurado ko munang naayos ko na lahat bilang pasasalamat na rin sa lahat ng naitulong niya sa akin.

Nang matiyak kong okay na ang lahat ay tinitigan ko anng kabuuan ng pad niya. Nalungkot ako dahil aalis na ako. Hindi na ako pwedeng madatnan pa ni Yuan dito.

Napabuntong hininga nalang ako at napapikit.Hindi man lang ako makakapagpaalam ng maayos sa kaniya. Hindi pa naging maganda ang huli naming pag-uusap.

Tumayo na ako at muling inilibot ang tingin sa paligid. Mamimiss ko ang lugar na ito. Yung lugar na lagi kong ginugulo dahil sa pagsigaw ko.

Napangiti ako ng mapait bago ko tinalikuran ang lahat. Lumakad ako palapit sa pinto pero pagbukas ko ay limang lalaki ang bumungad sa akin.

Napaatras ako. "Sino kayo?"

Yuan's POV

"Yuan hindi mo talaga sinama si Ah Yue?"

Hindi ko na sinagot pa si Kara. Alam niya ang sagot sa tanong niya.

"Ah Yue?" Kiefer asked.Nasa iisang table lang kaming tatlo dahil sila lang naman ang kilala ko dito.

"Girlfriend ni Yuan."

"Ex girlfriend." Pagtatama ko. Kung alam lang nilang hindi ko naman talaga girlfriend si Ah Yue.

"Bakit ba kasi kayo nagbreak?" Kara will always ask about this kind of stuff. Pero kahit ako,hindi ko alam kung bakit ko nga ba nasabi yun kanina.

Alam kong hindi totoong girlfriend ko si Ah Yue but it really pained me to say we broke up. Kasi totoong nasasaktan ako. I'm jealous. Nagseselos ako kay Kent at nagagalit ako at the same time. She put her llife in danger because of that guy. I don't understand why did she do that.

"Babe pabayaan mo siya,lovelife niya yan."

Hindi ko na sila pinansin pa at ininom ko nalang ang beer ko. Hindi ako pumunta dito para maghanap ng babae gaya ng sinabi ko kanina. I went here to unwind.

Hirap na hirap akong magsalita ng mga ganug bagay kay Ah Yue. Alam kong sobrang nasasaktan siya sa mga sinabi ko.

At ayoko sanang saktan siya. Sino bang baliw ang gustong makitang nasasaktan ang taong gusto niya? I want to laugh at myself.

Yes.I like Ah Yue.Sobra. I dont know how did it happen. She's annoying,stupid and a crybaby. Siya mismo ang kabaligtaran ng taong nagustuhan ko ng sobra noon.

The exact opposite of Sarah. Yung babaeng sobrang minahal ko pero niloko lang ako.

But Ah Yue is a weird random girl. She's the type of girl na medyo annoying but at the same time ..easy to be liked.

I sighed. Pero hindi ko na kaya. She likes Kent and even though I know he cannot see her,hindi ko pa rin mapigilan ang sarili kong magselos.

Ako yung palaging nasa tabi niya but she cant see that.

Isa pa,gusto ko na ring pigilan 'to habang maaga pa. I don't want to fall inlove and get hurt again. Ayoko ng maulit ang nangyari sa amin ni Sarah.

I was about to open another beer when I heard something.

"Sino kayo?"

Napalingon ako sa paligid ko but I didn't saw her. I'm sure it was her. Kilala ko ang boses na iyon.

"Nice meeting you Princess." Boses ng lalaki naman ang narinig ko ngayon. Natahimik ako at nanatili sa pakikinig.

"Hindi ko kayo kilala.Sino--bitiwan mo 'ko!"

Nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko. Si Ah Yue. Anong nangyayari? Bakit ko sila naririnig?

"Ikaw?Ikaw ba talaga ang prinsesa?" Narinig ko silang nagtatawanan.

"Kasalanan mo ang lahat kaya ibabalik ka namin doon.Patay man o buhay."

"Anong---aaaah!" Bigla akong napatayo. Dammit!Sigurado ako sa mga naririnig ko.

"Yuan bakit?" Lumapit sa akin si Kara pero hindi ko na nasagot ang tanong niya dahil napatakbo na ako agad nang marinig ko ulit ang pagdaing ni Ah Yue.

"Tama na!"

Si Ah Yue.Si Ah Yue iyon.Naiwan siya mag-isa sa pad.Iniwan ko siya mag isa doon.

Naririnig ko ang mga nangyayari.Naririnig ko kung paano siya umiiyak at nasasaktan ngayon. I clenched my fist.

"Tama na .." She's crying.

Pinapaiyak nila si Ah Yue. Hayop sila.Hindi ko sila bubuhayin sa oras na mahawakan ko sila.


**

Vote.Comment.Follow :'>


Tale of the Vampire Princess[Trilogy] HIATUSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon