**AhYue'sPOV
"Pst."
"Pst."
Nagtalukbong ako ng kumot at naglagay ng unan sa may ulo ko.
Ang kulit kasi ni Yuan.Kanina pa ako ginigising.Maka-PST eh may pangalan naman ako.
"Uy.Bangon na kasi."
Ngayon naman UY.At kelan pa ako nagkaroon ng mga ganiyang nickname sa kaniya.
Nakakainis.Bahala ka talaga diyan.
Naramdaman kong umupo siya sa may gilid ng kama.
"Pst.Uy."
=__________=
"May pangalan ako." sagot ko na hindi pa rin tinatanggal yung kumot na nakabalot sa akin.
Naramdaman kong hinihila niya yun kaya hinila ko din.
"Ah Yue bangon na."
"Ayoko."
"Bilis na kasi."
In the end nahila niya rin naman yung kumot.Syempre ano pa nga bang ineexpect ko?
Pero hindi niya ako mapipilit.
Dumapa ako sa kama at isinubsob ang mukha ko sa unan.
Ayoko talaga.Kanina pa niya ko ginigising kasi Monday ngayon at may pasok siya.
Sinasama niya ako sa school nila pero ayaw ko.Kaya nga ayaw kong bumangon.
Wala naman kasi akong gagawin dun.
"Baby,baby ko ..bangon na."
Kinikiliti niya yung talampakan ko.Eh kahit saan pa man din may kiliti ako.
"Yuan ano ba .."
Hindi pa rin ako nagpatinag kahit na sobrang nakikiliti na ako.Ah bwisit!Basta wag lang sa tagiliran o sa tiyan.Malakas ang kiliti ko dun.
"Baby bangon na kasi .."
"Baby ka diyan."
"Baby kita."
Okay.Nagpapakilig siya pero hindi pwede Ah Yue.Tiis muna.
"Hindi ako baby."
"Baby damulag."
Tignan niyo na!Baby damulag daw!Ay bahala ka talaga diyan.
Tinulak tulak ko yung kamay niya palayo kahit hindi ako nakatingin.Tapos umisod ako sa kabilang dulo ng kama.
Kapag ako nabwisit palulutangin ko siya at dadalhin ko na mismo sa school niya =________=
Seryoso ako.Wala ako sa mood ngayon.
"Mahal ko bangon na please?"
Naramdaman kong humiga na rin siya sa tabi ko.
Psh.Hindi ako kinikilig.Hindi talaga.
"Mahal ko gising na .."
"Hindi kita mahal."
Syempre biro lang yun.Ngayon ko pa ba yan sasabihin kung kelan okay na kami?Ang dami kong pinagdaanan bago kami makarating sa ganito ha.
"Hindi mo .. ano?Hindi ko narinig."
"Sabi ko ..Aah!Hahahaha!Yuan!Ano ba!"
Napapitlag ako kasi bigla niya akong kiniliti.Ano ba!Kasasabi ko lang na matindi ang kiliti ko sa tagiliran!!
BINABASA MO ANG
Tale of the Vampire Princess[Trilogy] HIATUS
FantasyIt's when Ah Yue Kleeio thought that she's a ghost appearing to be useless in the story met Yuan Lazaro who turned to be her only hope in finding her lifeless human body. But in an unexplainable way,Ah Yue seems to be your not ordinary ghost in the...