Chapter 34
**AhYue'sPOV
Wala kaming ibang ginawa ni Kara nung umalis si Yuan.
Nanood nalang kami ng TV hanggang sa wala ng palabas.Gabing gabi na pero hindi pa rin bumabalik si Yuan.
Sabi niya babalik siya agad.
"Ah Yue,wala ka bang napapansin sa sarili mo?"
Bigla akong napatingin kay Kara at napakunot ng noo.
"Anong mapapansin ko Kara?" tanong ko.
"Na hindi ka ordinaryo.Hindi mo ba nararamdaman?"
Natahimik ako nang sabihin niya iyon.Gusto ko nalang sanang isipin na nagpapatawa lang siya dahil masyado akong nagaalala kay Yuan.
Pero kinabahan ako nang magkasalubong ang mga mata namin.
Nakikita kong seryoso siya.
"Anong ibig mong sabihin?"
Hindi kaya ..alam na niya?Alam na niyang multo ako?
Imposible.Paano niya malalaman eh hindi ko naman sinasabi?Sigurado akong hindi rin sasabihin ni Yuan sa kaniya yun.
Waah!Kinakabahan ako!
"Hindi ka tao Ah Yue.Hanggang ngayon ba wala pa ring senyales?"
Seryoso siya.Seryoso si Kara.Kung ganun alam na niya?
"Ano bang sinasabi mo Kara?Hindi kita maintindihan."
Iniwas ko ang aking tingin.
Hindi ko pwedeng basta nalang aminin.Kailangan ko munang itanggi.
Wala ngayon si Yuan kaya mahihirapan akong magpaliwanag kung sakali.
Pinagpapawisan na ako.Paano niya nalaman yun?
Humarap siya sakin at hinawakan ako sa magkabilang braso.
"Yung kapangyarihan mo,hindi mo pa rin ba alam?Yung black corsage noon,hindi mo man lang ba naisip yun?Wala pa rin ba?Wala pa ring--"
"KARA STOP IT."
She forced me to yell at her.Nahihilo na ako sa ginagawa niyang pagalog sa akin.
Mukha naman siyang nagulat sa nagawa niya kaya agad siyang napabitaw at napayuko.
"P-patawad po prinsesa."
"Prinsesa?"
Tumingin siya sakin at sinalubong ang nagtatanong kong mga mata.
"Princess Ah Yue." she corrected.
Yumukod siya sa harap ko na siyang ikinabigla ko.
"Kara ano bang nangyayari sayo?Nananaginip kaba?Gumising ka nga!O baka nagugutom ka?"
Lumapit ako sa kaniya at ako naman ang nagalog sa mga balikat niya.
Baka sakalinh nananaginip lang siya.Kailangan niyang magising because Im freaking out!
O kung gutom siya sana sinabi niya nalang.May pagkain naman sa kitchen eeh.
Wag niya naman akong igood time oh.
"T-teka princess.Nahihilo po ako."
Natauhan naman ako at napabitaw sa kaniya.
"S-sorry Kara.Ikaw kasi eh .."
This time mas lumapit siya sakin at tumitig sa mga mata ko.
"Maniwala ka sa sasabihin ko .."
Ayan nanaman!T________T
"H-ha?Teka ..Kara ano ..wag ka namang ganiyan.Nagfifreak out ako eh."
Hindi na talaga ako mapakali.Ito ba yung masamang mangyayari ayon sa instinct ko?Hindi naman masama to eh.
It's creepy.Nakakakaba si Kara,masyado kasi siyang seryoso eh.
Nasan naba kasi si Yuan?
"Basta makinig ka.Palagay ko panahon para malaman mo ang totoo.Natitiyak kong anumang oras ay maari nang maganap ang fourth seasonal call."
"A-ano---"
"Isa kang bampira Ah Yue.You are the princess of vampires."
Nanlaki ang mga mata ko at tila tumigil ang pagikot ng mundo dahil sa sinabi niya.
Kung hindi ko lang nakikita ang sinseridad sa mga mata niya ay iisipin kong magbibiro siya.
Ako ay isang ..bampira?
Hindi lang basta bampira but the princess of vampires.Paano?Paano nangyari iyon?
Marami pa akong gustong itanong kay Kara at ibubuka ko palang ang bibig ko upang maisaboses ang mga ito ay biglang isang bayolenteng hangin ang sumira sa pintuan.
Bumagsak ito at iniluwa nito ang isang nakakatakot na nilalang.
Isang lalaking may katawang hayop,may katawang lobo.
Idagdag mo pa ang nakakatakot nitong mga mata.

BINABASA MO ANG
Tale of the Vampire Princess[Trilogy] HIATUS
FantasyIt's when Ah Yue Kleeio thought that she's a ghost appearing to be useless in the story met Yuan Lazaro who turned to be her only hope in finding her lifeless human body. But in an unexplainable way,Ah Yue seems to be your not ordinary ghost in the...