Ah Yue's POV
Hindi ko alam kung gaano katagal silang nagtitigan bago ko nakitang gumalaw si Yuan. Mabilis siyang naglakad palapit sa amin.
"Ah Yue what happened?" He look worried and mad at the same time kaya hindi ko alam kung sasagot ba ako o hahayaan kong si Caleb ang mag-explain sa nangyari.
Nakapwesto na siya para kunin ako kay Caleb but I was surprised by his move. Iniwas niya ako kay Yuan kaya napatingin ako sa kaniya.
"Ako ang dahilan kung bakit siya nagka-sprain so I think I am responsible for her."
Naningkit ang mga mata ni Yuan sa narinig. I think I even saw his pupil dilated. "What did you do?" His voice sounded mad,no,it felt fuming in anger.
I was shocked to see that again. That familiar glint of dark blue on his eyes.
At that point ay kusa na akong ibinigay sa kaniya ni Caleb. Na parang nagkaintindihan na sila sa mga tinging iyon. Yuan carried me,still not removing his eyes rom the other guy. Kaya ako na ang gumawa ng paraan.
"Ah Caleb ,hank you.Yuan can handle this,pasensya na rin." Sa wakas ay tumingin din sila sa akin. Kanina pa ako kinakabahan sa mga matatalim nilang tinginan.
Hindi ko maimagine na mukhang mag-aaway pa silang dalawa dahil lang sa na-sprain ako.
"Okay Ah Yue.See you when I see you." He reached out to rub my cheek before he started walking away.
Ilang minuto ang lumipas at wala na si Caleb sa paningin namin while Yuan remained still,serious and scary. Dun ko lang din napansing pinagpapawisan siya.
"Y-Yuan are--"
"Shut up."
Hindi na ako nagsalita pa hanggang sa makabalik kami sa pad.Dahan dahan niya akong iniupo sa couch bago siya umalis. It wasn't long enough and he came back bringin a towel and a basin filled with warm water.Ipinatong niya iyon sa center table bago siya lumuhod sa harapan ko.
Maingat niyang kinuha ang na-sprain kong paa at pinunasan iyon ng towel. Napakagat naman ako sa labi ko nang maigalaw niya iyon ng kaunti. Pinanood ko lang siya habang ibina-bandage ang paa ko. Nang matapos ay walang sabi-sabi rin siyang umakyat sa kwarto at iniwan ako mag-isa.
I felt something twitch on my chest. Nagalit ba siya?
Sinubukan kong tumayo pero nang masaktan ako ay napaupo ako ulit. Hindi ko sinasadyang masagi yung planggana kaya nahulog ito at natapon ang tubig sa sahig. Napapikit pa ako dahil sa ingay na nagawa nito.
Akala ko sapat na yun para balikan ako ni Yuan dito pero nagsimula na akong maiyak nang walang Yuan na bumalik.
Bakit ba siya nagagalit? Ano nanamang ginawa ko? Kasalanan ko bang na-sprain ako? Ano nanaman bang problema niya?
I groaned when I felt my ankle in pain. Bakit sobrang sakit? Hindi naman ganun kataas ang binagsakan ko ah.
Napalingon ako nang marinig kong pababa si Yuan ng hagdan. Akala ko bubuhatin niya na ako at dadalhin sa kwarto pero nagulat ako nang makita ko siyang nakabihis.
"Yuan?Saan ka pupunta?" Hindi ko napigilang itanong.
Saglit lang niya akong tinapunan ng tingin bago dumiretso sa pintuan.
"A-aalis ka?"
Tumigil naman ito at lumingon sa akin. "Ayokong mag-away tayo ngayon. I'll go get a drink outside."
"Pero Yuan wala akong kasama. Iiwan mo ako dito?" I can't help but be scared. Gabi na. Natatakot lang naman akong maulit yung nangyari nung isang gabi.
"Tawagin mo si Caleb."
Napanganga naman ako sa sinabi niya. "Ano bang sinasabi mo?Anong kinalaman nung tao dito?"
"Diba kayo ang magkasama kanina?" Hindi ko napigilang masaktan sa paraan ng pagtingin niya sa akin ngayon. Bakit pakiramdam ko may iba siyang gustong iparating sa sinabi niya?
"Look Yuan,kanina pa kita hinihintay.Nag-aalala ako kaya naisipan ko ng lumabas.I took the stair at nabangga niya ako.Nahulog ako sa hagdan that's why he carried me up here.Bakit ka ba nagagalit?"
He didn't answer. He just stared at me bago ito huminga ng malalim. "I need a drink.Babalik din ako agad."
Hindi na ako nakasagot nang tuluyan na itong makalabas. Hindi ko na napigilan ang sarili kong maiyak.
Ilang oras ang lumipas at wala pa ring Yuan na bumabalik. Tumingin ako sa orasan at alas-onse na ng gabi. Nayakap ko nalang ang sarili ko dahil sa lamig dito sa sala.
Pero naalarma ako nang may marinig akong kakaiba. I heard a growl. Napatingin ako sa paligid ko.
"Yuan?Ikaw na ba yan?"
Pero walang sumagot. I felt fear embrace me when I heard it again. This time ay parang mas malapit na ito sakin.
"Yuan nasan kana?"
Akmang tatayo ako nang makita kong may mga ugat na nakapulupot sa paa kong may sprain. May isang bulaklak ito na kulay abo. Tumayo ang balahibo ko nang marinig ko ang ungol sa labas ng bintana.
"Yuan .."
Natatakot na ako. Anong nangyayari?
"Aaaah!" Napasigaw ako nang maramdaman kong parang may nakahawak sa paa ko. Para itong dinudurog at ang sakit! Hindi ko mapigilan ang sarili kong mapahagulgol dahil parang pinuputol ang paa ko.
I cried even more when I saw the blood from it. Dumudugo ang paa ko pero wala akong makitang sugat. Anong nangyayari?!
My attention shifted when the door slammed open.
"Kara?" Hinihingal pa ito nang makalapit siya sakin.
"Ah Yue!" She rushed to my side at hindi ko maintindihan kung bakit nandito siya. Anong ginagawa niya dito?
Nawalan na ako ng oras mag-isip nang maramdaman ko ulit ang sakit sa paa ko. Kara looked horrified when she saw what's on my feet. Literal na bumagsak ang mga tuhod niya nang makita kung ano ang nasa paa ko.
"Corsage,gray corsage." Her eyes crinkled in the corners with concern.
"Kailangan mong mahubad yan."
"Kara what's happening?Tell me what's happening?"
Sa halip na sumagot ay ikinumpas nito ang kamay sa harapan ko. In just a snap ay naramdaman kong nawalan na ako ng malay.
**
Vote.Comment.Follow :'>
BINABASA MO ANG
Tale of the Vampire Princess[Trilogy] HIATUS
FantasyIt's when Ah Yue Kleeio thought that she's a ghost appearing to be useless in the story met Yuan Lazaro who turned to be her only hope in finding her lifeless human body. But in an unexplainable way,Ah Yue seems to be your not ordinary ghost in the...