Chapter 7
Ah Yue's POV
Tumakbo palapit sa akin si Yuan, "Anong nangyari?! Bakit ka nahulog?!" He carried my head to his lap.
Hindi ako makasagot. I can't find my voice at umiikot talaga ang paningin ko. Ngayon lang nangyari sa akin 'to, I feel very weak na hindi ko talaga maigalaw kahit ang mga daliri ko. Ano bang nangyayari?
"Hoy multong makulit ano bang nangyayari sayo?!" His voice is frantic and nervous. Akalain mo nga namang makikita ko pala ang ganiyang ekspresyon sa mukha niya. Pero bakit ba multong makulit ang tawag niya sakin? I have a name.
"Ah Yue ang pangalan ko, hindi multong makulit." Kahit papano ay nakapagsalita ako. Akala ko naman paralyzed pati ang labi ko.
Hindi niya pinansin ang sinabi ko. Binuhat niya ako at inihiga sa couch.
"Napakatanga mo naman! Bakit ka naman nahulog?"
Gusto kong matawa sa itsura niya. Halata naman kasing nag-aalala siya pero dinadaan niya pa sa pagsigaw. Sabi ko na nga ba, may mabuting side pa rin siya.
"Y-yung vase.." Pinilit kong bumangon para maituro sa kaniya yung vase pero pinigilan niya ako. He shifted his gaze on the shattered pieces of his vase on the floor.
"What about the vase?" Nakakunot ang noo niyang ibinalik ang tingin sa akin.
I sighed. Paano ko ba ipapaliwanag yung nararamdaman ko sa vase niya? Baka naman hindi nanaman siya maniwala.
"Hindi ko mapalutang, ayaw gumalaw."
"Ano?! Magsalita ka nga ng maayos!"
Ano ba naman yan! Hindi ba niya nakikitang nanghihina ako? Iritable agad? Ang ikli talaga ng pasensya ng lalaking 'to. Akala ko pa naman concern tapos sisigawan nanaman ako. Kailan ba siya magbabago?!
Dahil hindi ko naman alam kung paano ko ipapaiintindi sa kaniya yung mga nangyari, naisipan kong gawin yung isang bagay na itinuturing ko talagang magic.
"Tumingin ka sa palad ko," I stretched my arm towards him at ibinuka ko ang palad ko sa harapan niya.
"Ano? Anong kina--"
"Basta tumingin ka nalang!" Nakakainis! Ang hirap niya talagang kausap! Nawawalan na ako ng energy sa kaniya ah!
He scowled at me pero hinawakan niya ang kamay ko at seryoso na ring tumingin sa palad ko.
I closed my eyes and started to replay everything that happened awhile ago. Habang inaalala ko ang mga yun ay nakikita niya rin ang mga pangyayari sa palad ko. It's like giving him access on what I am currently thinking.
Ramdam ko ang pananahimik niya habang pinapanood ako sa sarili kong palad. Hindi ko rin alam kung paano ko nagagawa ito pero I did it once and it was very unexpected.
Nung panahong sobrang nabobore na ako ay may naisip ako. Inaalala ko nun yung mga magagandang lugar na nasubukan ko nang puntahan nang makita kong parang TV na nagpeplay din ang iniisip ko sa palad ko.
Sumakit ang ulo ko pagkatapos nun pero pinilit ko ulit gawin yun hanggang sa makabisado ko kung paano ito dapat gawin.
Nagulat ako nang biglang pitikin ni Yuan ang noo ko kaya napadilat naman ako, "Bakit mo naman ako pinitik?!" Singhal ko sa kaniya.
Bigla nalang siyang namimitik sa noo. Feeling niya hindi masakit? Ang bigat kaya ng kamay niya! Hampasin ko 'to ng martilyo eh!
"Ang tamad mo kasi masyado! Pwede mo namang pulutin nalang. Ayan napala mo! Siguro napagod na 'yang utak mo sa kakautos sa mga bagay."

BINABASA MO ANG
Tale of the Vampire Princess[Trilogy] HIATUS
FantasyIt's when Ah Yue Kleeio thought that she's a ghost appearing to be useless in the story met Yuan Lazaro who turned to be her only hope in finding her lifeless human body. But in an unexplainable way,Ah Yue seems to be your not ordinary ghost in the...