MADILIM. Hindi niya alam kung nasaang lupalop siya. Pinilit niyang maglakad nang biglang lumiwanag ang paligid. Doon niya nalaman na nasa school garden pala siya. Nakasout ng gown. At nag-iisa. Umupo siya sa bench at pinakiramdaman ang paligid. Ang tahimik. Walang katao-tao.
Matiyaga siyang naghintay hanggang sumulpot ang isang lalaki mula sa bukana ng hardin. Biglang kumabog ang dibdib niya nang unti-unti itong lumalapit sa kanyang kinaroroonan. Kilalang-kilala niya ang lalaking ito. Naaninag niya ang ngiting sumilay sa mga labi nito habang humahakbang palapit sa kanya.
"Hi." ang sarap talagang pakinggan ang boses nito.
Nanatili siyang nakaupo. Bigla niyang naramdaman ang paghawak nito sa mga balikat niya habang nakatutok pa rin ang mga mata nito sa kanyang mukha.
She was frozen and felt those rats running inside her stomach. Lalo siyang kinabahan nang unti-unti nitong inilalapit ang mukha sa mukha niya.
Halos hindi siya makahinga sa nerbiyos.
He's going to kiss me!
Napapikit siya nang mariin.
Boung pananabik niyang hinintay ang paglapat ng mga labi nito sa mga labi niya.
Hinintay niya ang una niyang halik.
Malapit na siya nitong halikan.
Malapit na.
BOGSH!
"Aray!" malakas na bulalas ni Cameron nang tumama ang puwet sa matigas na bagay.
Napadilat siya, naalimpungatan. Nananaginip lang pala. Dismayado siyang tumayo at bumalik as kanyang higaan nang marinig niya ang boses ng mama niya sa labas.
"Cameron, anak. Gising na diyan. Breakfast is already served."
"Yes Ma. Mag-aayos lang ako."
Nagmamadali siyang bumangon. Inayos niya ang higaan at dumiretso sa banyo.
Pagkalabas niya ng banyo, dinampot niya kaagad ang cellphone upang magulat lamang sa laman nun.
NINETY SIX UNREAD MESSAGES!
SEVENTEEN MISSED CALLS!
Hindi na siya nagdalawang-isip pa at agad na binura ang lahat ng mga messages na natanggap. Buwisit talaga ang Becca na 'yun at niratrat naman ang inbox ko.
Hindi pa natapos ang deleting process nang tumawag ulit ang demonyita.
"Hello."
"CAMERON LORENZO!" Agad niyang inilayo ang phone sa tainga nang marinig niya ang nakakairitang boses ng kaibigan. "Hoy! Hayop ka! Nakailang tawag at text na ako sa iyo pero ngayon ka lang sumagot."
"Hoy! Hayop ka din! Sinong nagsabing pasabugin mo ang inbox ko. Buti pa kung may 'good morning' sa text mo’y wala naman."
"HOY!" My gosh! Plano talaga ng impaktang 'to na sirain ang mga precious eardrums niya."I do believe that you have a very enermous wall clock in your room. And I am very much pleased if you would give yourself atleast two seconds to look at the time for me. PLEASE." Sarcasm noted.
She directly focused her eyes at the clock. Ngek! 7:50 na pala. Ang usapan nila nina Becca ay 7:30 dapat sila magkita-kita sa school. Enrollment kasi nila for the second semester.
BINABASA MO ANG
Paris: ESCAPIST
Teen FictionParis is an ESCAPIST- tends to avoid problems by running away. Definitely flight over fight.