Nasa SMU’s park ang mga magkakaibigan maliban kay Cameron. Pinag-uusapan ng mga ito ang kanilang mga achievements sa kani-kanilang kurso. Lahat sila ay nagbibigay ng kanya-kanyang opinion tungkol sa kanilang mga kaklase, mga subjects, mga guro at kung mga anu-ano pa.
Si Paris ay mapapansing walang interes sa kung anumang pinag-uusapan ng mga ito. Nakatutok kasi ang isip nito sa girlfriend na ilang araw nang hindi pumapasok at hindi nagpapakita.
Nagpakawala ito ng malalim na buntong-hininga.
Nag-aalalang tiningnan ni Alexa si Paris. Alam niya kung ano ang iniisip ng lalaki. Pati kasi siya ay naapektuhan sa biglaang hindi pagpapakita ni Alexa.
“Alam mo. Baka may pinuntahan lang iyang si Cameron o kaya’y nasa ospital. Baka ayaw niya lamang niya tayong obligahin. Alam mo naman ang babaeng iyan, ayaw niya tayong pinag-aalala.” Bulong ni Alexa sa kanyang tahimik na katabi. Binigyan siya lamang ni Paris ng walang emosyong tingin.
“I promise you. Magpapakita din iyan this week.” Muli niyang bulong dito.
Saka lang niya napansin na parang hindi mapakali ang kanyang boyfriend na nasa kanyang tabi. Panaka-nakang tinitingnan nito ang screen ng cellphone na hawak-hawak nito. Sinulyapan niya ang screen ang cellphone at aksidente niyang nabasa ang pangalan ni Cameron bilang sender ng isang mensahe.
Agad din niyang inilayo ang tingin nang bumaling sa kanya si Bryll. Nagkunwari siyang walang nakita. Pero bigla siyang nakaramdam ng kakaiba nang mabasa niya ang isinagot ni Bryll sa kanyang kaibigan. “Where are you?”
Muli niyang ibinaling sa iba ang tingin at muling nagkunwaring walang nakita. Maya-maya’y muling umilaw ang screen ng cellphone ni Bryll. Awtomatikong bumalik doon ang kanyang atensiyon. Basang-basa niya ang lugar na sinabi doon ni Cameron sa kanyang boyfriend.
Maya-maya’y biglang tumayo si Bryll. “Guys! I’m sorry nagpapasundo sa akin ang aking kapatid. Mauna na siguro ako.”
Biglang nasaktan si Alexa nang magsinungaling ang kanyang boyfriend. Tiningnan niya lamang ito. Yumukod ang binata at binigyan siya ng mabilisang halik sa labi. “Bye, sweetheart. Sorry I need to go first.”
Tumango lang siya at hindi pa nagkomento pa. She processed in her mind what had just happened. Nawalan siya ng imik. Wala sa loob na nasambit niya ang lugar na sinabi ni Cameron kay Bryll sa text. That was ten minutes after Bryll was gone.
“Alexa, what did you say?” naguguluhang tanong sa kanya ni Trish.
“Cameron is there.” Matipid niyang sagot.
Biglang napatayo si Paris. “Where?”
Inulit niyang bigkasin ang lugar. Agad-agad na lumayo si Paris sa kanilang kinaroroonan at tinakbo ang kotse nito.
“What is happening?” tanong ni Becca.
“Bryll is going to meet Cameron today.” Matamlay niyang sagot.
“WHAT?” sabay-sabay na react ng apat.
Sinabi niya dito ang tungkol sa kanyang nabasa sa cellphone ni Bryll.
BINABASA MO ANG
Paris: ESCAPIST
Teen FictionParis is an ESCAPIST- tends to avoid problems by running away. Definitely flight over fight.