Abala sa pag-aanalisa si Paris sa financial statements ng kumpanya nang mabulabog siya sa pagdating ni Chantal.. Ngiting-ngiti itong umupo sa kanyang mesa patalikod sa kanya.. Alam niyang gagawin na naman itong hindi kaaya-aya..
"Have you seen Kuya Bryll and Ate Cameron? Nasa labas sila at sweet na sweet silang dalawa.." anitong may bahid ng panunukso ang tinig..
Hindi niya lamang ito pinansin..
"Bagay sila talaga.." Tumayo ito para maupo sa upuang nasa harap ng kanyang mesa.. "Pero magkapatid naman sila.. Sayang.. Anyway, sino ba ang mag-aakalang-"
"What did you say?"
"Alin doon? 'Yung bagay sina Ate Cameron at Kuya Bryll?"
"No.. The other one.."
"Na magkapatid sila?"
Hindi na napigilan ni Paris ang paghalakhak.. His sister is a lousy joker.. Pero natawa pa rin siya..
"You must be crazy.. Lumayas ka na dito at baka tuluyan na akong maniwala sa iyo.. Ano ba kasing ginagawa mo dito?"
"May ibinabibigay sa iyo si Papa.."
"Leave it there.."
"Wait hindi ka ba talaga naniniwala sa sinabi ko kanina.."
Umiling siya.. "Don't force me to believe you.."
"Fine!" iritadong wika nito.. "Bahala ka sa buhay mo.."
"Nasaan na yung pinabibigay ni Papa.."
"Oh, nakalimutan ko sa office niya.. Ikaw na lang ang kukuha.."
"You're really crazy.."
Inis na inis itong kinuha ang isang roll ng tissue sa bag nito at ibinato sa kanya bago mawala sa kanyang paningin
*****
Hawak-hawak ni Paris ang isang brown envelope na ibinigay sa kanya ng inupahang private investigator..
Pumasok siya sa kanyang opisina bagaman Linggo dahil ngayong araw ang napag-usapan nila ng imbestigador na araw ng kanilang pagkikita..
Kanina nakaalis ang imbestigador pero hindi pa rin siya natitinag sa kanyang kinauupuan.. Sobra siyang nabigla sa katotohanang nalaman na tinataglay ng dokumentong hawak niya..
Tama nga ang kapatid niya.. Magkapatid sina Bryll at Cameron.. Gusto niyang sumabog sa nalaman.. Kasabay ng pag-usbong ng maraming alalahanin sa kanya..
How come they had a child when they're siblings..?
BINABASA MO ANG
Paris: ESCAPIST
Teen FictionParis is an ESCAPIST- tends to avoid problems by running away. Definitely flight over fight.