Chapter Nineteen

721 53 0
                                    

VPHDP(Veneracion Prime Holdings and Development Planning) Conference Room...Business meeting....

All Board of Directors, stockholders, CEO's, VP's and there secretaries, managers, attended the meeting. Ito ay pinangungunahan ng Chairman of the board ng boung kompanya na si Jefferson Veneracion. VPHDP consists of three different businesses, the Anchor City Malls that branched out all over the nation; Evidence Security Agency, one of the most trusted and most advanced security agency in the country and has partnerships abroad; at ang main field ng VPHDP, ang Veneracion Estates which was involved in real estate business at gumagawa ng mga buildings at mga subdivisions.

The meeting has been going on for over three hours now without any break. The CEO of Anchor City Malls is doing his report nang may pumasok na bata sa conference room. Lahat sila ay natigilan at napatingin sa bata. Nabigla rin ang bata at parang maiiyak sa sobrang takot.

"I'm sorry po." Inilibot nito ang mga mata at tumigil iyon kay Paris. Bigla itong tumakbo sa kanyang kinaroroonan at mangiyak-ngiyak na nagpakandong dito.

Mas lalong nabigla ang mga taong naroon. Mas lalo na ang ama ni Paris na naguguluhang nakatingin sa kanila.

Hindi alam ni Paris kung ano ang gagawin. He patted the boy's back and whispered soothing words to the him. Tiningnan ni Paris si Cameron na nasa kanyang tabi. Nawalan ng kulay ang mukha nito at parang mahihimatay. Not to mention that her son is sweetly cuddling in his arms.

Nang maibsan ang takot ng bata ay muling inilibot nito ang paningin sa mga taong nakatingin sa kanila. Dun nito napansin si Cameron na nasa tabi lang ni Paris. "Mommy?"

Doon nagsimula ang bulungan sa boung conference room. Bumaba si Troy kay Paris at lumipat sa ina nito.

"Is that yours?" bigla ay sabi ng manager ng HR na si Vivian kay Cameron.

Tahimik na tumango si Cameron.

"But according to your records when I admitted you, you are single." nang-aakusang sabi ni Vivian kay Cameron. Lahat ng mga tao ay nakatanga lang at hinihintay kung ano ang susunod na mangyayari.

Biglang may tumikhim at natutok dito ang atensiyon ng madlang people. Si Bryll na nasa conference na 'yun to represent his parents stood up at lumapit sa kinaroroonan nina Cameron.

"Daddy Bryll." tawag dito ni Troy.

"I'm sorry Mr. President, Miss Vivian, to all of you ladies and gentlemen, we are sorry for the interruption of the meeting brought to us by my son..."

"Your son?" tanong ng mga tao.

"Yes.. Cameron and I are engaged for three months now..."

Si Alexa na nasa meeting ding iyon ay biglang tumayo at lumabas ng conference room.

Marami namang natuwa sa sudden announcement ni Bryll including Vivian, and the president. Lumapit ang mga ito at kinamayan ang binata.

Paris: ESCAPISTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon