Chapter Nine

729 56 0
                                    

**CAMERON POV**

                Walang umiimik sa amin after what happened. Pareho kaming nakatingin sa labas ng kotse. Ibinaling ko ang aking tingin sa kanya at nakita ko kung gaano kaseryoso ang kanyang reaksiyon. Nakatingin pa rin siya sa labas at hindi ko alam kung ano ang kanyang iniisip.

                “I need to go.” Paalam ko sa kanya kahit hindi siya nakatingin sa akin.

                He just gave me an expressionless look. Tumalikod na ako at akmang bubuksan ang pintuan nang bigla siyang magsalita.

                “Aren’t you going to invite me in?” Sa kanyang sinabi ay bigla ko siyang nilingon. Nakapatong ang kanyang mga kamay sa steering wheel habang nakatingin siya sa akin.

                Tinanguan ko lang siya. “Sure. You can come with me inside.”

                Tuwang-tuwa ito na parang bata. Agad na binuksan ang sasakyan at naunahan pa niya ako sa pagbaba. Nakarating na siya agad sa aking kinaroroonan at halos kaladkarin ako papunta sa bahay namin.

                “Shouldn’t you be nervous?” tanong ko sa kanya. “You are going to meet my mother.”

                Tumawa lang siya. “Should I be? Wala naman akong ginagawang masama”

                Gusto kong sabihing marami pero nanahimik na lang ako. Nakadami na kaya siya sa paghalik sa akin. Para sa mama ko, napakalaking kasalanan ang mga iyon.

                Pagpasok namin sa bahay ay sumalubong sa amin ang aking mama. Nanggaling ito sa kusina at nakasout ng apron. Lumapit ako sa kanya at humalik sa kanyang mga pisngi. Magsasalita pa sana ito nang mapansing may kasama ako. Agad nitong tinanggal ang sout na apron at ngumiting hinarap ang aking bisita.

                “Ma, si Paris, classmate ko. Paris, si Mama.” Pagpapakilala ko sa kanilang dalawa.

                “Ahy. Classmate lang.” tila teenager na hirit ng aking mama. “Kumusta ka hijo?”

                Ngumiti lang si Paris. “Mabuti lang naman po ako Ma’am. Kayo po?”

                “Ok lang din ako hijo.” Masiglang sagot ng mama. “Tamang-tama ang pagdating niyo. Katatapos ko lang magluto. Pero bago tayo dudulog sa dining table, gusto ko lang sanang tawagin mo akong tita.”

                “Sige po, Tita.”

                “Or better yet, call me ‘Mama’.” Natatawang anunsiyo ng aking ina. Pinandilatan ko lang ito.

                Tumawa lang si Paris. “Ok lang po sa akin ‘yun. Kayo ang nagsabi eh. Saka ngayon lang po kasi ako nakameet ng babaeng mas maganda pa sa anak niyo.”

                Sa sinabi ni Paris ay binigyan ako ni mama ng tinging nang-aasar. “Sabi ko sa iyo Cameron eh, mas maganda ako sa iyo.”

                Whatever!

                “Totoo po ‘yun MAMA.” Segunda ni Paris. “At halatang mas mabait pa kayo sa kanya.”

                Tumawa lang ang taksil kong ina. “Oh, Aren’t you too young to practice the principle of flattery?” sabi nito kay Paris. Saka bumaling sa akin. “Sure ka bang hindi mo ‘to boyfriend, Cameron?”

                I just rolled my eyeball. “MA? Kahit kalian hindi ko boyfriend ‘yan?”

                “Not for now.” Kontra ni Paris. “Actually, Ma, nililigiwan ko ang anak niyo. Feeling ko nga konti na lang ay bibigay na siya.”

Paris: ESCAPISTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon