**CAMERON POV**
The days passed really fast. Nandito na naman ako sa St. Michael's University para sa unang araw ng pasukan. My friends did not come back yet from their vacations. Ako na naman 'tong mag-isa sa school.
"Hi"
I was busy reading a novel in my phone when I heard that very friendly voice. Nagtaas ako ng tingin at nakita ko ang magandang babaeng nakangiti sa akin. What an innocent face. Para akong nakatingin sa isang totoong Barbie.
"Hello!" ganti kong bati at sinuklian ang kanyang ngiti. Inilahad niya ang kanyang kamay at nagpakilala.
"Anyway, ako nga pala si Alexa. Can we be friends?" natatawa niyang tanong.
Sa tingin ko, wala namang problema. "Sure, I am Cameron."
Bigla itong nagtatalon-talon at tuwang-tuwang niyakap ako. "Sure ka? Yes! May kaibigan na ako."
Sinaluhan ko na lang siya sa kanyang kasiyahan. Maya-maya lamang ay nakapalagayan ko na siya ng loob. The next moment I know is nagtsitismisan na kami.
Three days passed, hindi pa kami nagkikita nila Becca. Hindi pa pumapasok ang mga ito. Ang bagong kaibigan ko na lang ang lagi kong kasa-kasama. Masarap din naman siyang kasama. Sa totoo nga niyan, marami na kaming nalaman sa isa't isa. Marami din kaming hilig na magkakapareho kaya madali lang kaming nagkasundo. Marami siyang kinuwento sa akin at wiling-wili naman ako sa kanyang pagiging always game at on the go. Nalaman ko din sa kanya na transferee siya dito sa St. Michael's. 'Yung boyfriend niya daw kasi ang nagpilit sa kanya na pumunta dito.
Anyway, tapos na ang klase namin ni Alexa. Nagpaalam siya na ime-meet daw niya muna 'yung boyfriend niya saka niya ipapakilala sa akin.Good timing naman kasi tumawag sa akin si Becca na puntahan ko daw sila sa park ng school. Kaya ayun we parted our ways.
I went straight to the park and saw Becca, Jeric and Leo in our favorite spot. Ang kubo na nasa gilid. Patakbo akong sinalubong ni Becca at yumapos.
"I really really missed you!"
"I missed you too. Bakit ngayon pa lang kasi kayo pumasok."
"Kararating ko lang kahapon."
"Sino ba kasing nagsabing sumama ka sa parents mo sa Japan. Sana may kasama ako nung bakasyon."
"Pasalamat ka pumunta ako at may dala akong pasalubong sa iyo, daanan mo na lang mamaya sa bahay. Lapit na nga tayo dun kina Jeric."
"How are you?" bati ko kina Jeric at Leo.
"I'm fine. Ewan ko lang dito kay Leo." nakangising sagot ni Jeric na tinumbasan naman ni Leo ng batok. Tumakbo na lang si Jeric papunta kay Becca na tawang-tawa.
Hinarap ko si Leo at napansing hindi maipinta ang kanyang mukha sa sandaling iyon."How's Trish?" his girlfriend. At muli namang nag emerge ang malutong na tawa ni Jeric. Mas lalo namang nagdilim ang anyo ni Leo at parang naiiyak. "Oh, Im sorry. I didn't mean to....... Teka may away kayo ni Trish no?"
"Oo. Kahapon pa nagdadrama ang isang 'yan." si Jeric na lang ang sumagot na tawang-tawa pa rin."Nahuli kasing nagchichix ng iba."
Natawa na lang din ako. Kasalanan pala niya eh. "Kasalanan mo naman pala. Saan nga pala si Bryll?"
"Pinuntahan yung girlfriend niya." bawing sagot ni Leo.
Confirmed, may girlfriend na nga siya. Sinubukan kong kapain ang aking feelings but nothing came. What I feel is not jealousy nor envy but happiness and joy for Bryll. Sana nga nawala na ang feelings ko sa kanya.
"Guys, meet my girlfriend Alexa."
Hah, I turned around and I was shocked when I saw Alexa. Siya pala ang girlfriend ni Bryll. When I looked at them, memories came flashing in my mind. Those were the moments when I dreamed and imagined to be with Bryll, to be hugged or to be kissed by him. The times, i kept myself to be relaxed when Bryll was around. Then, it came to me that those moments were just memories. That my feelings for Bryll was just a memory. Really?
BINABASA MO ANG
Paris: ESCAPIST
Teen FictionParis is an ESCAPIST- tends to avoid problems by running away. Definitely flight over fight.