Pagabi na nang makauwi sina Evelyn at Troy. Pagdating nila sa bahay ay nadatnan nila sina Bryll at Cameron sa sala na nag-uusap..
"Mommy! Daddy Bryll!" excited na bungad ni Troy. Nagmamadali itong lumapit at yumakap sa ina at sa kinikilalang ama..
"I'll be going." paalam naman ni Evelyn.. Nasa kabila lang naman ang kanilang bahay. Muling lumipat ang mga ito sa dati nilang bahay bago pa pumunta sina Bryll at Cameron sa Australia.
Definitely, neighbors sila ulit. In fact, Bryll is living with Cameron and Troy. Kasama nila ang mama ni Cameron na si Frances. At sa kabilang bahay naman ang mag-asawang sina Immanuel at Chelsea kasama si Evelyn.
"Thanks for seeing my son.." pasasalamat ni Cameron.. Tumango lang si Evelyn at umalis.
"Where did your Tita Evelyn take you?" may pagsuyong tanong ni Bryll kay Troy..
Nagliwanag ang mukha ng bata.. "Tita Chantal brought us in their house." Kumikislap ang mga mata nito habang nagsasalita. "And we ate ice cream!"
"Then?"
Biglang napalitan ang ekspresiyon ni Troy.. Ang saya ay biglang napalitan ng kuryusidad. "By the way, Mom, why do I look like Tito Paris?"
Nabigla sina Cameron at Bryll sa tinuran ng bata. Nagtinginan lang sila.
Pinaupo ni Cameron sa kanyang tabi ang anak. "What do you mean, sweetheart?"
"I saw his picture when he was still young, he looks like Troy.."
Walang nakapagsalita kina Bryll at Cameron.. Biglang umahon ang kakaibang kaba sa dibdib ng dalaga. Niyakap niya ang anak at umusal ng panalingin. Please don't let me lose my son.
"I asked Tita Chantal if I will grow like Tito Paris and she said I will grow like him but more good-looking.. Is it true?"
"Ah, Troy? Did you already meet Paris before?" Out of the blue na tanong ni Bryll.
Muling kumislap ang mata nito. "Opo. Tita Chantal brought me in is office one time and I met him."
Lalong kinabahan si Cameron. "Palagi bang magkasama kayo ng Tita Chantal mo?"
"Yes po. She always call Tita Eve to bring me to her."
"Really?" ani Cameron at ngumiti para sa anak.
Binigyan lang sila ni Bryll ng mapang-unawang tingin. He knows exactly what bothers Cameron.
*****
"I wonder how was your friend engaged to your secretary?" Jefferson inquired Paris. Nasa hapag-kainan ang magpamilyang Veneracion sa oras na iyon. "Bakit hindi man lang tayo inimbita nina Immanuel at Chelsea?"
BINABASA MO ANG
Paris: ESCAPIST
Teen FictionParis is an ESCAPIST- tends to avoid problems by running away. Definitely flight over fight.