Chapter Eighteen

680 52 0
                                    

Halos hindi makatulog si Paris sa kaiisip na may anak na sina Cameron at Bryll. Paano nangyari iyon? They're not even married. Alam niya iyon pagkat Lorenzo pa ang gamit ni Cameron na apelyido.

Napabuntong-hininga siya at muling nagsalin ng alak sa kanyang kopita. Maya-maya'y naglakbay sa kanyang diwa ang nangyari kahapon. Yesterday. Yeah yesterday...

Inilabas niya ang kanyang wallet at pinagmasdan ang mukha ni Cameron sa old school ID na napulot niya noon sa parking lot ng St. Michael's University. Pinag-ingatan niya ito sa mga nakalipas na mga taon. A remnant of yesterday he treasures. A remnant he doesn't want to throw away.

Muli siyang napabuntong-hininga. Iniisip niya kung gaano kaunfair ang buhay. How could Cameron moved on when he was here being hunted by the past....And what ever he does, he can't forget yesterday.

May namoung luha sa kanyang mga mata. He was greatly affected. Tuluyan ng naglaglagan ang kanyang mga luha nang maalala ang pag-uusap nila ni Troy kanina. He couldn't explain but he felt something different when he saw that adorable boy.

Troy....troy...because it is where my papa came from and I looked like him....it is where my papa came from....troy...troy...

 

Bumalik siya sa kanyang kama at nakatulugan ang pag-iisip.

*****

Kanina pa sinusulyapan ni Paris si Cameron. Sinadya niyang ibukas ang pinto ng kanyang opisina para nakikita niya ito. Marami siyang gustong itanong at sabihin dito. Hindi niya lang ito malapit-lapitan.

Maya-maya'y excited itong nagligpit at dali-daling lumabas. Sinundan niya ito sa labas at nadatnan niya ito kasama si Bryll sa waiting area.

"What are you doing here Salvosa?"

Gulat ang mga itong napalingon sa kanya. "Bakit Veneracion? Masama bang sunduin ang making fiancée?" anito at inakbayan pa si Cameron.

"You are just disturbing my employee. Marami pa siyang tinatapos na trabaho."

"Sir, lunch break na po." si Cameron.

Saka niya napansing nagsilabasan na rin ang iba pang mga employees. "Then what are you still doing in my building? Go and do it somewhere else."

Tumalikod siya. Narinig pa niyang nagtawanan ang mga ito. Bumalik siya sa kanyang opisina at pinagsisipa ang pintuan. Tumigil lang siya ng masaktan ang kanyang mga paa.

"Shit! Shit! Shit!" tuloy tuloy niyang mura. Balak pa sana niyang imbitahin si Cameron para sabay silang mag lunch... Nawalan na tuloy siya ng gana.

*****

Nakangiting bumalik si Cameron sa kanilang opisina. Uupo sana siya nang marinig ang galit na boses ng kanyang boss.

"Where have you been?"

Hindi siya nakasagot. Three minutes lang naman siyang nalate.

Paris: ESCAPISTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon