Chapter Seventeen

674 49 0
                                    

2 weeks later...

Busyng-busy si Cameron sa pag-eencode nang dumating si Alexa sa opisina ni Paris. Alam niyang sa kompanya ding ito nagtatrabaho ang dati niyang kaibigan pero ngayon lang niya ito nakita.

Tumigil siya saglit sa ginagawa at nginitian niya ito pero hindi man lang ibinaling ang pansin sa kanyang direksiyon. Tinawag niya ito nang lumagpas sa kanya. Marahas itong lumingon na ikinabigla niya. "I never thought that Paris' new secretary is a bit rude. Ganyan ka ba sa lahat ng bisita dito. My God, you just called me in my first name. I do not even know you."

Bigla siyang napayuko sa pagkapahiya. "Sorry ma'am."

*****

Nabigla si Alexa nang malamang si Cameron pala ang bagong seckretarya ni Paris. She missed her dear friend very much pero iba ang ginawa niya bilang pagtanggap sa mga ngiti nito.

Nasaktan din siya sa kanyang pang-isnab at pagkagalit kay Cameron. Matagal na niya itong napatawad at matagal na din niyang natanggap na ito ang mahal ni Bryll. Hindi niya mapigilan ang mapaluha sa sobrang awa sa Cameron sa ipinakita niya dito. Hindi run niya maipaliwanag kung gaano niya namissed ang dati niyang kaibigan.

Marahas niyang pinahid ang mga luha. Tumalikod at hindi na itinuloy ang balak na pagpasok sa opisina ni Paris. Nakita niyang balik sa pagiging busy si Cameron. Tahimik lang siyang bumalik sa pinanggalingang elevator.

Pagdating sa ground floor ay tahimik siyang lumabas ng elevator. Napangiti siya nang masilayan ang isang napakacute na bata na parang hindi mapakali sa visitor's couch. Linapitan niya ito.

"Hello there, little boy." nakangiti niyang bati dito.

Saglit na natigilan ang bata bago ito nagpakawala ng matamis na ngiti. Gusto niya itong kurutin nang lumitaw ang mga malalim na biloy nito sa magkabilang pisngi.

"Hello po."

She joined him in the couch. "You are such a very cute boy. What's your name?"

Masigla itong sumagot. "Thank you. I am Troy. But my Daddy said I'm not cute. According to him, I'm handsome."

Muling napangiti si Alexa. "Yes you are. By the way, call me Alexa and I will be your friend from now on."

Mas lalong lumalim ang pagkangiti ng bata. "Can you keep a secret?"

"Of course."

Inilapit nito ang bibig sa kanyang tainga at bumulong. "You are very pretty. But it is our secret. B-baka malaman ni mommy."

Tuluyan na siyang napatawa. Itinaas ang kanang kamay. "OK. It's our secret. I assure you that." Ginulo niya ang buhok nito. "But, what are you doing here?"

Napasimangot ito. "I'm waiting for my Daddy. He said saglit lang daw siya. But I waited for so long." reklamo nito sa kanya. Muli itong napangiti. "Then you came here."

Paris: ESCAPISTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon