"Where's my son?" bungad ni Cameron kay Paris na nadatnan niya sa sala ng Veneracion mansion.. Halatang ini-expect nito ang pagdating niya..
"Troy is mine and he will be staying here from now on.." walang emosyong sagot nito..
"Wala kang karapatang gawin iyan!"
"Of course! I have.. Anak ko si Troy.. Inilihim mo iyon ng ilang taon.. Nagbuntis ka at hindi mo ipinaalam.. You are so selfish.. Namuhay ako ng walang kamuwang-muwang na may anak na pala ako.. And you're here, telling me that I have no right to him.."
Tumahimik na lang siya sa sinabi nito.. Selfish? Sino ba ang umalis na hindi nagpapaalam? Oo nga't kasalanan niya ang pagkaroon nila ng anak.. Naglihim siya dito.. But he never did a step to approach her. Para ipaglaban ang pagmamahalan nila noon. Ito ang kusang umalis at hindi nagparamdam!
Gusto niyang isumbat ang lahat dito pero bigla siyang nawalan ng lakas..
"Mommy.."
Napalingon siya sa pinagmulan ng tinig.. And she saw Troy in the entryway with Paris' parents.. Patakbo niya itong sinalubong at naluluhang ikinulong sa kanyang mga bisig ang mahal na anak..
"Now, that you're here.. We need to discuss this matter.." pormal na sabi ni Jefferson Veneracion.
Nagulat na lamang siya nang mapag-usapan nila ang kanilang kasal ni Paris. Para daw hindi lumaking bastardo ang bata.. Wala na rin siyang nagawa kundi pumuyag para hindi mawala sa kanya ang anak..
Nang sumunod na mga araw ay namanhikan na ang pamilya ni Paris sa kanyang mama.. Tuluyan na ding nabunyag ang sekreto ng pamilya Salvosa, ang pagiging magkapatid nila ni Bryll..
After one week, dahil sa bisa ng pera ng mga Veneracion ay naikasal na sila sa isang huwes.. Tanging ang kanilang pamilya at malalapit na kaibigan lang ang mga imbitado..
Sa mansiyon na rin sila pumirmi.. May sarili silang kuwartong mag-asawa pero hindi sila nagtatabi sa pagtulog.. Nang nalaman ni Troy ay ito ang gumagawa ng paraan para magtabi sila sa kama.. Sasamahan sila nito sa kanilang kuwarto at gusto nitong matulog na nasa pagitan nila.. Pero kung natulog na sila ay bigla itong lilipat sa silid nito.. Magugulat na lang sila ni Paris kinabukasan na sila ang magkayakap sa kama..
They never talk without shouting at each other.. Kahit sa harapan pa nina Mariana at Jefferson.. Sagad naman sila sa pag-arte kapag nakikita sila ni Troy.. But they never fooled the boy.. Alam nitong hindi sila nagkakamabutihan..
Umalis na rin si Cameron sa kumpanya ni Paris at tumutulong na sa kanyang mama sa pagpatakbo ng mga negosyo nito.. Kaya sa gabi na lang sila nagkikita pero hindi naman nagpapansinan..
About their friends, humingi na ang mga ito ng patawad sa kanila ni Bryll at naibalik na rin ang maganda nilang samahan.. Even Bryll and Alexa are together again.. Nang humingi ng pasensiya si Alexa ay nagpakipot pa ang binata pero hindi rin naman nito matiis ang babae..
Her father? Nagkita na silang muli.. Humingi ito ng tawad sa kanya.. Nakapag-isip isip na ito at tuluyan na ring nagbago.. It was in this time of her life that she felt her father's love towards her.. Close na sila at tinutulungan niya pa ito sa pagsuyo sa kanyang mama na alam niyang nagpapakipot lang naman.. Nakilala na din nito si Troy at proud na proud sa kagalingan ng bata..
BINABASA MO ANG
Paris: ESCAPIST
Teen FictionParis is an ESCAPIST- tends to avoid problems by running away. Definitely flight over fight.