Chapter Five

837 52 0
                                    

**CAMERON POV**

Sa bahaging kanan lumapit si Paris.  Nakasunod lang ako sa kanya. Binuksan niya ang pinto sa dulo at iginiya ako papasok. Sumalubong sa akin ang very manly atmosphere. Ang interior design, mga gamit, mga kurtina ay panay panlalaki. Even the scent is very manly.

Ibinaba niya ang mga books na binili namin sa isang table at pinaupo ako sa kanyang sofa.

Saka ko napansin ang kanyang study area na malapit sa bintana. Ito'y center table na may dalawang silya that is surrounded by two shelves. The shelves are full of books, school supplies, reading materials, at kung anu-ano pang mga papel. Mayroon ding computer stand na nakasandal sa wall na naglalaman ng isang latest model na desktop, mga stereo speakers, at mga compact disc collections. Sa center table ay may nakapatong pang Apple laptop.

On other side of the room na malapit sa malaking kama ay may isang cabinet na punong puno ng mga toy collections at mga picture frames. Sa mga walls naman ay walang anumang nakadikit na posters, paintings, o anumang frame man. The room is entirely simple yet very elegant and intimidating.

Grabe. Daig pa nito ang room ko sa luwang at laman. May sarili pa siyang banyo, walk in closet, at balcony.

Tumayo ako at lumapit sa furniture na kinalalagyan ng mga picture frames.

Lumingon ako kay Paris at napansin kong he is switching on his desktop. "May I?" tanong ko sa kanya. Kung puwedeng hawakan o tingnan ang kanyang mga picture frames.

Tumango siya. Lumapit ako nang husto sa mga frames at napansin kong puro threesome photos na kasama niya sina Bryll at Alexa. Meron din namang pictures na dalawa lang sila ni Bryll o kaya'y ni Alexa. Meron ding dalawang pictures na may kasama siyang magandang babae na halatang kapatid niya dahil hindi naman nagkalayo ang kanilang mga hitsura.

But the highlight is the two much bigger photos. Una, ay ang graduation niya siguro ng highschool kasama ang dalawang attractive persons na halatang parents niya. At saka ang isang photo na kasama niya sina Bryll, Leo, at Jeric. Nakapambasketball ang mga ito.

Inilabas ko ang aking Blackberry at kinunan ng picture ang photo(huh? paano 'yun). Pero biglang  tumunog ang shutter sound na siyang nagpalingon kay Paris. At first, he gave me a questioning look but later he smiled when he discovered what I've done.

May gas! Nakakahiya!

"Sorry!" I mouthed and gave him a peace sign.

Ngumiti lang siya. "You like that picture? I still have the original soft copy of that." he teased and amusement was written all over his face.

"Never mind." I told him and sat down in the sofa.  

"Start na tayo." sabi sa akin ni Paris nang maiset niya lahat ang mga kakailanganin namin sa aming research. "Gamitin mo na lang ang laptop ko at akin na lang 'yung desktop. Nakaset na 'yan."

"Thanks!" I sincerely told him. Umupo na siya sa harap ng desktop at umupo na rin ako sa harap ng kanyang laptop. 

"We'll start on courtship before we go to marriage." Aniya nang lumingon sa akin.

I covered my mouth. Nakakailang naman kasi kung paano niya sinabi 'yun. 'Di ko alam kong yung report na ang tinutukoy niya. Ang seryoso kasi ng mukha.

"Ok." I started to manipulate his laptop. I smiled when I saw his screen background. Ito 'yung photo na pinicturan ko kanina. I checked its connection at aba, ang lakas ng wi-fi network. Kakainggit. Broad band pa nga lang 'yung gamit ko sa bahay.

I opened google chrome and all the default tabs appeared. I clicked the tab that contains facebook and gasped.

Muling lumingon si Paris.

Paris: ESCAPISTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon