Chapter Fourteen

597 54 0
                                    

Binuhos niya lahat ng mga sakit na napuno sa kanyang dibdib pagkalabas sa bahay ng mga Veneracion. Even her knees can’t take all the pain she is holding. Napaupo siya sa damuhan habang humahagulgol.

                She didn’t mind kung mayroon mang makakakita sa kanya. Sinimulan niyang isumpa ang kanyang sarili. How she hated herself!

                Tatayo na sana siya para lisanin ang lugar na iyon pero bigla siyang natumba at nagdilim ang kanyang paningin.

*****

                Kanina pa hinahanap ni Bryll si Cameron. Sobra siyang nag-aalala para sa dalaga. Katulad nito, sobra din siyang masaktan sa paghihiwalay nila ng kanyang kasintahan at ang pagkasira ng relasyon nilang magkakaibigan na ilang taon din niyang pinag-ingatan.

                But unlike Cameron, Bryll doesn’t blame anyone. He blamed the circumstances.

                Pagod na pagod na rin siyang magpaliwanag ng kanyang sarili. Lalo na’t ayaw siyang pakinggan ng mga taong kanyang nilalapitan. Naisip niyang kahit gaano pa kadeterminado ang isang tao, napapagod din ito kung paulit-ulit na itinataboy.

                He already consumed most of his time approaching Alexa and his friends pero pare-parehong iniiwasan siya ng mga ito. He even considered moving on after Alexa cut off her communications with him. She never allowed him to explain and talk for himself. She even left to New York without settling the gap between them.

                Masakit man ang ginawang iyon sa kanya ng kasintahan pero mas masakit pa ang pagtalikod sa kanya ng kanyang mga kaibigan. They are so unfair for not letting themselves to hear his explanations.

                Iwinaksi na lang ng binata ang lahat ng kanyang hinanakit. Naisip niyang sila lamang ni Cameron ang makakaintindi sa isa’t-isa. She needs him and he needs her. Pero maging si Cameron ay nawawala na din.

                His fears for Cameron rose when he couldn’t find her. Sabi ng mga katulong sa bahay ng mga ito ay wala daw ang dalaga. Ilang araw na din itong hindi pumapasok sa paaralan. Hindi pa niya ito makontak.

                Lahat na lang ng lugar na puwedeng puntahan ng dalaga ay napuntahan na niya pero wala pa rin ito. Hanggang sa maisip niyang pumunta sa subdivision ng mga Veneracion.

                Bigla siyang kinabahan nang makita si Cameron sa labas ng bahay nina Paris na nakahiga sa damuhan at walang malay.

                Inihinto niya ang kanyang kotse at nilapitan ang walang malay na dalaga. Pinangko niya ito at ihiniga sa backseat ng kanyang kotse. Nahabag siya sa dalaga nang makita ang hapis nitong mukha.

*****

                Iminulat niya ang kanyang mga mata upang mabigla lamang nang mapansing nasa loob siya ng isang tumatakbong kotse. Bigla siyang kinabahan. Unti-unti siyang bumangon at tiningnan ang driver ng sasakyan. Relief flooded her when she saw Bryll.

                “What happened?” tanong sa kanya ng binata.

                Muntik na siyang maiyak nang muling maalala kung ano ang nangyari. “Wala na siya.” Wala sa loob na naibulong niya.

                Tumahimik lang si Bryll. Alam nitong wala na din sa bansa si Paris. Ayaw na din nitong sabihin na wala na din sa Alexa para huwag madagdagan ang dinadamdam ni Cameron.

                “Tell me what happened.” Sa halip ay muling sambit nito.

                Nang hindi sumagot si Cameron ay muling umimik ang lalaki. “I’m taking you to the hospital.”

                Sa sinabi nito ay bigla siyang natauhan. “I’m sorry. Don’t bother bringing me to the hospital. Just take me home please.”

                Tumingin lang ito sa rearview mirror. Saka nagpalit ng ruta at binagtas ang kalsada papunta sa bahay nina Cameron.

                Halos gumagabi na nang marating nila ang kanilang subdivision.

                “Pasok ka muna sa loob.” Anyaya ni Cameron sa binata. Inalalayan siya ni Bryll hanggang makapasok sila sa loob ng bahay.

                “Just where do you think did you come from?” salubong sa kanila ng isang galit na boses pagkapasok nila sa loob ng bahay.

                Nabigla siya nang makita ang kanyang ama na nakatunghay sa kanila. Mas lalong kumunot ang noo nito nang mapansing may kasama siyang lalaki.

                Hindi niya ito pinansin. Hinila lang niya si Bryll. Lumapit sila sa kanyang ina na nakaupo sa sofa.

                “Excuse me young lady!” singhal ng kanyang ama. “I’m still talking to you. Ang pinakaayaw ko sa lahat ay ‘yung binabastos ako.”

                “Bakit Dad? Hindi rin ba pambabastos sa harap ng aking bisita ang ginagawa mo ngayon?” sumbat niya dito.

                Lalong itong nagalit at mas lalong tumaas ang boses. “Bakit? Siya ba ang pinagmamalaki mong kasintahan?”

                “I told you already. I have no boyfriend. Sinira mo na ang lahat. Just how you ruined my life.”

                Hindi pa siya nakarecover nang maramdaman niya ang pagsampal sa kanya ng kanyang ama. Marahas niya itong hinarap.

                Pati si Bryll na hindi malaman kung ano ang gagawin ay biglang nangialam. “I’m sorry Sir but I think it is not right for you to do that for your daughter.”

                “Just I think that it is not right for you to interfere in our conversation.”

                Magsasalita pa sana ang binata pero naputol kaagad ito nang muling pagsalita ng ama ni Cameron. “Nagmana ka talaga sa inyong ina. Walang dudang si Chelsea ang nagpalaki sa iyo.”

                “Mauro! Stop it please!” pakiusap ni Frances na biglang tumayo at umimik.

                Maging sina Bryll at Cameron ay natigilan sa naisatinig ng matanda.

                “How did you know my mom?”

                “Mauro please!” patuloy na pakiusap ni Frances.

                Bryll and Cameron stood there patiently waiting for answers. Bagaman kinakabahan ay hinihintay pa rin nila ang muling pagbuka ng bibig ni Mauro.

                Sa halip na si Bryll ang sinagot ay kay Cameron bumaling si Mauro. “Bakit Cameron, of all people ay ang kamukha ko pa ang nilandi mo?”

                “What do you mean?” naguguluhan niyang tanong. Sa hindi niya malamang dahilan ay bigla niyang pinaglipat-lipat ang kanyang tingin kay Bryll at sa kanyang ama. Unti-unti niyang napansin ang malaking resemblance ng dalawa. Magkamukha si Bryll at ang kanyang ama!

                “N-no!” sabay pa nilang bigkas ni Bryll.

                “Tell me Dad, it is not true.”

                “And why will I withhold the truth? Kapatid mo iyang binoyfriend mo Cameron!” nang-uuyam na sabi nito.

                “That’s not true!” malakas na sigaw ni Bryll.

                “Why? Hanggang ngayon pa ba ay hindi inamin sa iyo ni Chelsea na hindi si Immanuel ang tunay mong ama. You are my own Bryll. Dugo’t laman ko ang nananalaytay sa iyo!”

                “Stop it! Hindi yan totoo!” sigaw ni Bryll and stormed out the house suddenly. 

               Si Cameron na nasaktan din ay tinalikuran ang kanyang mga magulang at tinakbo ang kanyang silid na humahagulgol.

(Please vote and comment. Thank you!)

Paris: ESCAPISTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon