Wazzup Bro's. :)

1.6K 30 14
                                    

Saan na ba kasi yung mga gagong yun? Kanina pa ko naghihintay dito. Di man lang nahiya saken. Ugh. Chos. Sakin? Mahiya yung mga lalaking yun. Sus!

Maaga ako ngayon sa tambayan. Akala ko kasi mag-eearly din yung mga yun eh. Baka gumaganti kasi palagi akong late pag-magkikita kita kami. Di ko nga alam ba’t sa inaraw-araw na pagkikita namin eh, may tinatawag pa rin kaming friendship day. Lul ba. Hahaha 

Kanina pa ko dito sa coffee shop. Kahit anino ng mga gago, wala pa. Hayyy. San na kaya yung mga yun? Kahit anong tawag ko, ayaw sagutin. Ugh. Nakakabagot na maghintay. Hayyyy. 

“Hoy!” - Kyle

“Nako naman! Gago ka! Leche” - Anna

Hahaha. Ay sorry. -.- Nahampas ko tuloy si Kyle! Hampas ng todo hampas?! Hahaha 

Eh. Ito palagi yung mahilig mangulit saken eh. Ugh. Define kulit, asar, kulit, asar, hampas sa braso, kurot sa cheeks, kurot sa tagiliran. Lahat na! Eh, masokista ata to eh!

“Kanina ka pa, Anna?” – Justine

Ang popogi ng dalawang to. Wooh! Kaya nga ako na ang mayaman sa lalaki. :D Nagtitinginan na yung ibang babae dito sa coffe shop. Well, come on. Deal with it girls. Sorry kayo, mga bading to. Hahaha Nagtitikiman kasi sila! Hahahaha 

“Ay hindi! Hindi! Leche kayo! Kahapon pa ako dito! Mga gago kayo! Ba’t ang tagal niyo?” - Anna

“Eh. Wala lang. Tumambay! Hinay-hinay ka sa pananalita mo Anna. Ikaw kung ma-late, 1 hour!” – Justine 

Inakbayan naman ako ni Kyle bigla. Tae, parang hoholdapin lang ako ni Kyle. Nguya ng nguya kasi ng bubblegum. Kung di ka lang gwapo, Pards. Napagkamalan ka ng holdaper!

“Eh kahit na, babae naman ako!” - Anna 

“Babae daw, Pards oh! Hahaha Ang sabihin mo, lesbo!” – Kyle 

“Ikaw Kyle! Ang pangit talaga ng ugali mo. Kanino ka ba nagmana?!” - Anna  

“Tanong mo kay Mama. Hahaha” – Kyle 

“Wala pa ba si Kernel?” – Justine 

“Eh, akala ko kasama niyo?” – Anna

“Hindi eh. Nung tinawagan ko sa bahay, kanina pa daw umalis” – Justine 

“Eh nasan na yun? Tawagan mo Ann” – Kyle 

“O sige. Wait lang.” - Anna 

Kinuha ko na ang cellphone ko at tinawagan si Cornelio. Yung taong talagang yun, di mo alam kung matalino ba talaga to o napag-iwanan lang ng panahon?! Ugh. Shiz. Where are you, Pare?! 

“Hello Sir! San ka po Sir? Sir?” - Anna 

Takte. Nu nangyari? -.- Ba’t naputol? 

“Gaga! Andito na ko!” – Cornelio 

Ay. Gaga nga. Dito na pala si Cornelio. Hahahaha. Natawa naman ako sa tinawag ko sa kanya. Siya pala si Cornelio. General yung papa niya kaya Sir/Kernel yung tawag namin. Hahaha

“Oh, tara na!” – Kyle 

“San tayo Kyle?” – Anna

“Sa bahay na lang tayo?” – Kyle

“Ayoko dun. Wala namang bago sa condo mo eh. Puro magazine ng FHM lang naman nandun eh.” – Anna

“Wow. Kung makapanlait, parang may bago sa kanila.” –  Kyle 

“Hahahaha! Joke lang Kyle. Oh, Justine, Sir? San tayo?” – Anna 

“Kayo bahala. Kayo naman palagi organizer eh.” -  Justine 

Happily Ever After is so Once Upon a TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon