Pumasok na ako sa loob ng kwarto. Sumunod naman si Justine. It was an awkward feeling pero bakit naman kailangang patagalin ang away kung pwede namang mapag-usapan. Ngayon lang naman nangyari to eh, yung nag-away sila dahil lamang sa isang babae.
Pagpasok ko sa loob ay nakita ko kaagad si Kyle. Naawa naman ako kay Kyle. Eh sa di naman niya talaga ginawa yun. Problema sa taong to, sobrang bait. Di maganda yun, sabi pa nga ni Justine, minsan nakakamatay. Lels.
"Kyle, okay ka lang?" - Anna
Lumapit na kami ni Justine sa kanya. Epal lang eh. Ang labong kausap nitong dalawa. Pramis.
"Oo, okay lang ako." - Kyle
"Pards, sorry." - Justine
Inabot ni Justine ang kamay niya at tinanggap naman yun ni Kyle. It was an akward situation. Gusto kong matawa kasi nga, kanina parang hindi talaga magkakabati pero ngayon, kulang nalang maghalikan ang dalawa.
"Hahahaha. Ano ba naman, Pare! Ang labo mo!" - Kyle
"Sorry talaga Pards." - Justine
Chos! Parang drama lang eh no. Hahahaha Sarap kaya nilang pag-umpugin nilang dalawa. Alam niyo yung feeling na sarap ihampas sa pader? Pagkatapos magwrestling parang wahatever na kaagad?! Ugh. Humiga na ako sa kama at matutulog na sana ng ..
"SH*T! Yung laptop ko, iniwan ko pala sa baba!" - Anna
"Bopols naman kasi. Ba't mo iniwan?" - Kyle
"Kahit kailan talaga Anna! Pati ba naman dito, dinala mo yang katangahan mo?!" - Justine
"Eh, kung di lang din kayo mga ungas na away ng away jan eh, sana di ko iniwan!" - Anna
Tumayo na ako at lumabas kaagad ng kwarto. Okay lang naman kasi iniwan ko naman dun sa babae sa front desk. Ang inaalala ko baka nag-online si Derek! Ugh.
Pagkadating ko sa front desk ay kinausap ko na kaagad yung babae.
"Miss?" - Anna
"Ah. Eto na po pala yung laptop niyo. Eh, kanina po, may tumatawag via skype. Mga ilang minuto din yung tumawag siya."
Ay shemaiz! Sigurado si Derek yun. Kinuha ko na ang laptop ko at tiningan kung sino yung tumawag and VOILA! Si Derek nga! Masaklap pa, OFFLINE na siya! Offline. Offline! Alam niyo yun? Two weeks ko siyang hinintay tapos wala?! Kasi .. kasi .. K. Nuff said. Ang labo naman!
Leche naman oh. Kung kailan naman siya nag-online, saka pa ko wala. Ba't ganon Lord?! Ehhh!
Umupo na ako sa dating kinauupuan ko. Pinatong ko yung elbows ko sa mesa at nilagay ang baba ko sa kamay ko habang nakatingin sa laptop ko.
Ang daya naman Lord. Sana di nalang nag-away si Kyle at Justine para nakapag-usap kami ni Derek. Miss ko na nga ang boyfriend ko eh. Miss na miss na miss ko na at gusto ko na siyang makita! Kulang nalang sundan ko siya dun.
"Miss? Okay ka lang?"
Itinaas ko ang ulo ko at nakita ko yung babaeng kausap ko kanina. Haay.
"Ah. Oo, okay lang ako." - Anna
Ngumiti lang siya tapos umupo sa harap ko. Kinuha niya ang mga papel sa tabi niya at tiningnan isa-isa.
"Ako nga pala si Katrine." - Katrine
Ngumiti lang ako sa kanya.
"I'm Anna." - Anna
"Boyfriend mo yung tumatawag kanina ano?" - Katrine
BINABASA MO ANG
Happily Ever After is so Once Upon a Time
Teen FictionCompleted Series of Happily Ever After is so Once Upon A Time Book 1 Copyright @ 2012 by letsrunawaytogether | No softcopies | No compilation | No available downloads | No to plagiarism, baby| Bawal po ang silent reader ah. Batuhin niyo na ng comme...