"Guys. Andito na yung mga pumasa as photojournlists! Pinakita ko to kay Sir Totch sa Photography Class niya, and sila yung pumili dito." - Sir Jay
Nasa office ako ngayon. 5PM na at naghihintay nalang ako sa class ko this 5:30, sabay na kami ni Tysle na pumasok sa next class. Waaaah. Eto na nga ba kinakatakutan ko! Nung Monday narinig ko si Sir Jay na maganda daw yung mga kuha ni Derek. Waaaaah. Si Tysle naman nung malaman yung tungkol sa pagsali ni Derek, kinilig. Nagulat pa siya na bumalik si Derek. -__- Heh!
Dinikit na ni Sir Jay yung list sa may announcement board ng office. Actually, dalawa lang sila. Waaah. Gusto kong icheck kung nakapasok si Derek kaso baka tuksuhin na naman ako ni Tysle. Leche lang! Gusto ko lang naman malaman para ma-ready ko na ang sarili ko!
"They'll be here in a minute. Pagkadating nila, meeting tayo kaagad. The week after next week is Foundation Week. So kailangan, mag-assign na ng mga writers sa bawat activity. Anna, sorry but we need you as a writer this time." - Sir Jay
"Ah, wala.. Walang problema Sir." - Anna
Leche! Dadating daw sila ngayon! Waaaaah Agad-agad? Di ba pwedeng bukas nalang?! Leche, ang haggard ko naman ngayon! Gee. Geez! Paano kung nakapasa si Derek?! Fingers-crossed. Actingan time tayo dito eh. Please lang, I'm not into theater!
Ugh! Di ko na nga iisipin yun! Leche. Nakaka-badvibes lang!
Kinuha ko na ang bag ko at inayos yun. Sorry, burara lang talaga ako eh, ikaw kaya, patayan na nga course niyo, nasa SPO ka pa. Edi ikaw na mukhang nganga, ngarag, timang and ..
"Good Afternoon ho, Sir. Sorry, late na po ba kami?"
"Oh, come in. Just in time boys." - Sir Jay
Waaaaah! Sigurado ako di si Derek yun. Ang bakla ng voice eh. Hahahaha. Sana, di nakapasa si Derek! Waaaah. Please Lord!
"So, you're?" - Sir Jay
"I'm Carlos Sir. Carlos Mandreza." - Carlos
"And?" - Sir Jay
Siguro tinutukoy niya yung isang nakapasa. Humarap na ako.
"I'm..Derek Cardova Sir." - Derek
BOOM! Bumagsak na ang ulo ko sa mesa. Waaaaah. Buti na lang di ako napansin nina Sir. Waaaah. Sht! This is it. Wala na akong lusot. Hah. Hinga, Anna. Hinga. Inhale, exhale lang ang katapat jan. Gaaaah!
"So, we have some hot guys here, SPO Members. Hahahaha. Right, Tysle? Natupad na din ang pangarap mo. Hahaha" - Sir Jay
Jusme! Si Sir talaga, onga pala. Kauri yan ni, ano. Joke! Bagay talaga tong pagsamahin si Tysle at si Sir. Palagi silang magkasundo niyan pagdating sa mga boys! Waaaah. Itinaas ko na ang ulo ko at nagkunwaring may hinahanap.
"Nako, Sir. Di ko naman pangarap yan eh. Si Anna, pangarap niya yan!" - Tysle
"Anong pangarap?!" - Anna
Nagsimula na naman tong babaeng to. Note to self: Ihampas ng wanhundred times si Tysle! Leche, ang daldal! Grabe lang!
Waaaaaah! Tiningnan ko si Derek pero kunwari, nadaanan lang siya ng tingin ko! Waaaaa, he's smiling! Naniwala siguro sa sinabi ni Tysle. Ha-ha-ha! Asa ka Derek!
"Hahahaha. Okay, okay! Come here, let's start the meeting. Boys, house rules, work, and all, alam ni Tysle yun. Just talk to her after this. This time, we'll talk about the upcoming foundation week. So we need to hurry up, okay?" - Sir Jay
Lumapit na ako sa table. Tumayo nalang ako dahil puno na yung mga chairs ns nakapaligid sa table Siyempre naman, lumayo ako kay Derek. Nakinig na ako ng mabuti kay Sir. Focus lang Anna. Kaya mong balewalain si Derek.
BINABASA MO ANG
Happily Ever After is so Once Upon a Time
Teen FictionCompleted Series of Happily Ever After is so Once Upon A Time Book 1 Copyright @ 2012 by letsrunawaytogether | No softcopies | No compilation | No available downloads | No to plagiarism, baby| Bawal po ang silent reader ah. Batuhin niyo na ng comme...