Bye Derek, Hello Tears!

567 10 3
                                        

Bumaba na ng kotse si Derek. Leche! Bumaba pa talaga! Di na kita papaalisin niyan eh! Sige ka! >_______< 

"Anong oo?" - Derek 

"Sabi ko, oo." - Anna 

"Sinasagot mo na ako?" - Derek 

Hindi ako nakapagsalita. Nahihiya ako. Di ko alam kung tama ba 'tong gagawin ko basta ang alam ko mahal ko siya. Ayokong mapalayo sa kanya at ayoko na din pahirapan siya. 

Kailangan ba patagalin ang panliligaw? Di ko alam, basta ang alam ko lang sa ngayon, gusto kong malaman niya na mahal ko siya. :(

Ba't kailangang patagalin kung doon din naman ang punta diba? :( 

Lumapit na sa akin si Derek.

"Hoy, ano nga? Sinasagot mo na ako?" - Derek 

Nakakatuwa siya. Di ko pa nga sinasabing oo, sinasagot ko na siya, kumikislap na yung mga mata niya. 

Yumuko ako. Hinawi niya naman ang buhok ko. Tang*na lang Derek! Ugh >___< Wag kang ganyan. Ihampas ko kaya tong towel sayo!

"Oo, sinasagot na kita." - Anna 

"Hahahahahaha! Woooo! Thank you, Via! Thank you!" - Derek 

Nagsasayaw siya sa harap ko. Nagtatalon at pumalakpak. 

Ang cute niyang tingnan. Gusto ko siyang yakapin dahil alam kong masaya siya. Pero naghihirap naman ang kalooban ko, aalis siya tapos ngayon ko pa siya sinagot. It's weird >____< 

Hinawakan niya naman ang mga kamay ko at nilagay sa mukha niya. 

"You made me so happy, Via. Babalikan kita. Yan ang pangako ko." - Derek 

"O, sige na. Baka di na kita mapakawalan. Umalis ka na kundi babatuhin ko yang kotse mo!" - Anna 

Mahina pa rin ang boses ko. Siyempre, masakit saken na aalis siya pero kailangan kong magpakatatag. :(

Niyakap niya ulit ako at hinawakan ang kamay ko. Hinila niya ako palapit sa kotse niya. 

"Manong Timo, si Anna Via Enriquez po. Girlfriend ko po." - Derek

Gusto kong tumawa sa pinagagagawa niya pero mas nangingibabaw ang lungkot ko dahil aalis na siya. :(

Nginitian ako ng driver at ganun din naman ako sakanya. 

"Magandang umaga po, Miss Anna. Ah, eh Sir. Baka malate na po tayo." - Manong Timo 

"Oh, sige na Derek. Kanina pa tong babay natin, hindi natutuloy. Basta, babalik ka at promise ko sayo, hihintayin kita." - Anna

"Oo naman. Para sayo, babalik ako. I love you, Via!" - Derek 

Ayoko ng pahirapan si Derek. Nauna na akong maglakad papasok ng bahay. Narinig ko naman ang pagstart ng sasakyan niya.

Hinayaan kong tumulo ang luha ko. Masakit pero kakayanin ko. Gusto kong habulin siya pero pipigilin ko. :(

Pumasok na ako sa loob ng bahay. -______- 

"Oh, ano sabi ng Derek mo?" - Cornelio 

"Ba't ganyan yang mukha mo?! Pinaiyak ka ng Derek na yun?!" - Kyle 

Hindi na ako nagsalita. Mahirap mag-explain sa dalawang to. Umupo nalang ako sa gitna nilang dalawa. Sorry, gusto ko lang ng kausap mga Pards. :(

"Pards, kami na." - Anna 

"Ni Derek?" - Cornelio 

"Ay, hindi hindi. Kami na nung driver ni Derek!" - Anna 

Kainis kausap tong si Cornelio eh. Nambabara kapag seryoso na ko. -_____- 

Happily Ever After is so Once Upon a TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon