Grabe lang ang salubong ng March ano?! Harsh! Tsk tsk. Di ko talaga akalain na mangyayari sa amin yun ni Cornelio. Kawawa tuloy ang kaibigan ko. Kung sino man yung mga lalakeng yun, kahit di ko sila kilala, hahampasin ko talaga sila!
Kinabukasan, sinumbong ko talaga yung mga lalakeng yun kay Kyle at Justin. Pero di ko alam, ang sabi lang nila,
"Okay lang yan, Anna. Okay lang naman si Sir diba?" - Justine
"Yup! I'm okay!" - Cornelio
Nag-wink pa siya sa kin. Ugh. Taena niyo, ano to?! Sila lang magtritrip?! Eh, pano naman kami? Unfair yun. Wala naman kaming ginagawang masama tapos ganon na sila?! Oh, kamoooon!
"Wala tayong magagawa dun, kasali yun sa frat tapos mga fourth year na yun." - Kyle
Ay! Ganon lang yun Te? Ganon lang agad-agad? Tsk. Ang weird ng mga kaibigan ko. Kaibigan pa ba sila ni Cornelio? Boo! Boo! Boo!
Gusto kong batukan yung dalawang to nung sinabi nila yun eh. Pero ano magagawa ko, eh okay nga lang kay Cornelio eh, sa akin pa kaya na walang nangyari kaya pinabayaan ko nalang.
*
Woo! Great! Two weeks nalang then tapos na yung classes. Hello summer! Gusto ko nang hilain yung mga araw para mas mabilis ang summer! Ugh. Siyempre, makakaiwas na kami sa mga Professors namin, na kahit hindi naman namin major, kala mo major kung makabigay ng projects! Relate?!
7 pm. Nasa isang room kami ng Tourism Department ni Cornelio. Hinihintay namin si Kyle kasi final presentation na nila. Ewan ko ba, hanggang matapos ang story na to, palagi siguro kaming maghihintay. Hahahaha -.-
Pupunta kami ngayon sa finals ni Justine. Gumawa kasi siya ng isang building design at iprepresent niya sa mga proffesor ng department nila. We'll be there to support him! And take note, magkikita kami Nicole. Ugh, di ko alam paano ba ako mag-rereact. Pshhh. :/
"Oh, tara na guys." - Kyle
"Buti naman, dumating ka pa. Akala ko naman, sinunod ka na nung mga kasali ng frat!" - Anna
"Hus! Ikaw nga eh, nung una pag kami yung naghihintay, isang oras, ngayon, 5 minutes lang akong late, nagaga.." - Kyle
"Shhh! Oo, okay na. Okay? Wag ka nang magsalita naiimbyerna lang ako." - Anna
"Ang sungit natin ngayon ah?! Meron ka ngayon?! Hahahaha" - Cornelio
Tumingin lang ako kay Kyle. Voila! Tama siya! Ugh. Humawak na ako sa braso niya.
"Tama Pards diba? Hahahahaha" - Kyle
"Yep! Hahahaha. Kanina pa yan may tantrums. Sarap nga sabunutan eh." - Cornelio
"Shhhh. Tara na nga! Ang iingay niyong dalawa! Aminin niyo nga saken?! Bading ba kayo?!" - Anna
"Ikaw makakasagot niyan!" - Kyle
Leche. Nagbakla-baklaan pa ang tono ni Kyle. Bakla nga ano? Bet niyo? Hahahaha Joke lang. Nako, kung may bakla man sila, sasapatusin ko talaga tas pagtatawanan pa. Eww, di kaya bagay sa kanila! Hahaha
Naglakad na kami papunta sa Engineering Department. Doon din kasi ang presentation ni Justine eh.
Pagdating namin nasa labas ng conference room eh nakita namin kaagad si Justine.
"Pards!" - Justine
Naghandshake sila nina Kyle at Cornelio. Ay, ano ba yun? Ba't di ko alam yun?! Di na ata ako kasali sa grupo. Hahaha -.- Joke lang Te. Whatever people in the world. Anna Banana!
"Oh? Ba't ka nandito sa labas?" - Anna
"Practice lang ng konti. Kinakabahan talaga ako." - Justine
BINABASA MO ANG
Happily Ever After is so Once Upon a Time
Teen FictionCompleted Series of Happily Ever After is so Once Upon A Time Book 1 Copyright @ 2012 by letsrunawaytogether | No softcopies | No compilation | No available downloads | No to plagiarism, baby| Bawal po ang silent reader ah. Batuhin niyo na ng comme...
