Sakit sa Bangs :(

461 3 2
                                    

"Anna, saan ka?" - Kyle 

"SPO. You left the car keys saken." - Anna 

"Kaya nga. Magkita nalang tayo sa parking lot ng school. Sige, bye." - Kyle

Tumayo na ako at lumabas ng SPO Office. Bahala kayong mag-usap jan. Leche. Akala ko pa naman, okay na kami ni Alex tapos biglang shock na malalaman ko na babalik si Derek ng California. Leche talaga! Bahala kayo jan sa loob. Napansin ko namang di sinagot ni Derek yung tanong ni Alex eh. 

"Anna, saan ka? Tapos na ba yung isang article ni Maui?" - Tysle

"Di pa. Sandali lang. May pupuntahan lang ako." - Anna 

Naglakad na ako papuntang parking lot ng school. Ang sakit talaga sa bangs. Parang di ko maintindihan eh. Ba't ganon? Akala ko ba, okay kami? I mean, yeah we are okay. Napag-usapan na namin yung mga ganitong problema. We know each other so well tapos malalaman ko nalang sa iba na aalis siya?! Potek. That sucks!

"Via!" 

Si Derek. Ugh. Binilisan ko na ang paglalakad ko. Jusko, Derek don't make a scene in here. Hindi tayo si Sharon at Gabby na maghahabulan para lang patawarin kita! Binilisan ko na lang ang lakad ko at kunwari wala akong naririnig. 

"Via. Please naman oh. Mag-usap tayo." - Derek

Blah. Bla. Blah. Kausapin mo sarili mo! Baliw ka! Doon ka sa Alex mo magpaschedule ng flight!

"Via! Let's talk. Saan ka ba pupunta? Hintayin mo naman ako oh!" - Derek

Dumiretso na ako sa Innova ni Kyle. Binuksan ko iyon. May mga students nang nakatingin sa amin ni Derek. Leche! 

"Anna, ano ba? Don't make it hard for me, please?!" - Derek 

"Baliw ka ba?! Ayokong makipag-usap sayo, okay?! Wala ako sa mood! Period! Hindi comma o semicolon! Period!" - Anna 

"Via, you're not funny anymore." - Derek

Pumasok na ako sa loob ng Innova ni Kyle. Tangina. Ano akala niya saken?! Nagjojoke? Leche siya. Hinawakan niya ang pinto ng kotse.

"Via, ano ka ba?! Don't close the door!" - Derek 

"Paki mo?! Lumayo ka nga! Labas! I don't want to breath the aire you breath! Labas!" - Anna

Sinarado ko na ang pinto at nakita ko siyang nasa harap ng Innova ni Kyle at nakatingin lang saken. Ugh. Bahala ka maghintay jan. Pinakaayaw pa naman ni Derek yung pinaghihintay siya. Well, actually parehas kami so patibayan tayo! Ugh. 

Shet! Wala pa ba si Kyle?! Gusto kong umalis dito! Nagkausap na kami ni Derek na kung may problema kami, pag-uusapan namin. Pero leche lang! Leche lang talaga! This time, ayokong pag-usapan to! Babalik siya ng California? Tapos ano? Bye-bye Anna na naman?! Shit. I hate goodbyes! 

7:15 na. Sigurado wala ng tao sa SPO. Uwian na eh. Kyle, please! Dumating ka na! Ugh. Kinuha ko na ang cellphone ko at tinawagan si Kyle.

"Saan ka na ba?! Ang tagal mo ha?! Iuuwi ko tong Innova mo, leche ka!" - Anna

Nakita ko si Kyle sa harap ng Innova na kausap si Derek. Bigla namang naputol yung tawag. Ugh. Di nagtagal ay nagsenyas na i-unlock ang pintuan ng kotse. Sinunod ko na iyo at naupo na siya sa tabi ko. 

"Pards!" - Kyle 

Oh, oh?! Huhug pa tong bwiset na to! Alam ko aasarin ako nito eh! Leche lang.

"Ano ba?! Please? Badtrip ako ngayon!" - Anna 

"Baket? Ikaw lang ba?! Ang ganda mo nga eh, haba ng buhok mo Pards. Abot hanggang EDSA! Kausapin mo na kaya yan!" - Kyle 

"Pasabugin ko kaya tong Innova mo?! You want?!" - Anna 

Happily Ever After is so Once Upon a TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon