KYLE'S POV
"Thank you ng marami Pards! Hahahahaha. Akala ko di mo na ako bibilhan eh! Pakiss nga!" - Anna
"Abuso ka na ha? May pizza ka na nga, may kiss ka pa!" - Kyle
"Che! Sige, pakilagay nalang din jan sa table Pards. Kakain ka din?" - Anna
Nilapag ko na ang pizza na pinabili saken ni Anna. Gago naman oh. Kahit ano na lang pinapabili ni Anna lately, ano ba to? Naglilihi? Buti na nga lang at along the way tong Pizza & Pastries na pinapabili niya.
"Hoy! Utang mo yan. Swerte ka na niyan palagi ka na lang libre!" - Kyle
"Juskowww! Pati ba naman to Kyle,babayaran ko?" - Anna
"Inulit mo lang sinabi ko eh. Ano akala mo saken? Factory ng pizza?" - Kyle
"Hindi. Factory ng pera!" - Anna
Sus. Di ata gumagana ang sense of humor ng babaeng to. Hahaha. Still the same old Anna. Nako, kung alam niyo lang kung ilang damit ko ang ginamit para sa uhog niyan nung iyak siya ng iyak. Kung paano namin pinilit kumain kasi baka umandar na naman yang ulcer niya. Haay.
Umupo na ako sa mesa ni Anna. Busy si Pards ah. Hahaha Naks! News Editor na siya. Buti na nga lang at okay na siya ngayon. Hmmm, alam kong mahirap sa kanya yung nangyari sa kanya dahil kay Derek. May kasalanan man si Derek o wala, ang akin na lang ay maprotektahan si Anna.
Ako? I stayed beside her. Nung mga gabing halos araw-araw kaming mag-inuman, sa kanila ako natutulog. Gusto ko siyang yakapin at patahanin noon pero di ko magawa. Ang hirap palang makita na umiiyak siya. First time yun eh, first time. She was so wasted. Mahal ko pa rin siya pero ano magagawa ko? I tried to control this feeling. Pero mas lalo lang akong nahihirapan .. Bumalik man o hindi si Derek, I'll always be here for Anna :(
"Tabi nga! Nakita nang may ginagawa ako eh." - Anna
Ang sungit niya ano? Parang di galing sa heartbreak.That's my girl, alam kong kaya niya. Wait? My Girl? Hahaha How I wish .. Ayan na naman yang Nanay atittude niya plus tiger look.
"Wow ha? Sige, mauna na ako." - Kyle
Tumayo na ako at kinuha ang pizza sa mesa. Naglakad na ako sa may pintuan.
"Hoy! Saan mo yan dadalhin?" - Anna
"Akin to eh!" - Kyle
"Hoy, binigay mo yan saken kanina kaya akin yan!" - Anna
"Ako bumili nito!" - Kyle
"Gago ka pala eh! Akin na nga yan!" - Anna
Kinuha na ni Anna ang pizza at kumain. Grabeng babae to, pag pizza ang pinag-uusapan, wala talaga. Lahat talo pati senador o kasali sa debate club!
"Kaya kayo napagkakamalang mag-jowa eh." - Tysle
"Juskow! Tong si Anna? Pakamatay nalang talaga ako!" - Kyle
Obvious ba? Ugh. Kasi naman tong si Tysle eh, kahit ano nalang sinasabi! Tiningnan ko si Anna kung anong reaction niya. Nakatingin lang siya saken at ..
"Tingin mo Pards? Bagay ba talaga tayo?" - Anna
Wow. Ano daw? Seryoso siya ah. Nu ba naman tong babaeng to. Parang di babae kung makatanong. Baklang babae ata to eh. Kung di lang to babae, kinutusan ko na to eh.
"Ulol! Di ako papatol sayo ano. Ayoko ng iyakin!" - Kyle
"Hahahaha. I know right. Nako, Tysle. Baka maghampasan lang kami ng upuan neto kung maging kami." - Anna
BINABASA MO ANG
Happily Ever After is so Once Upon a Time
Teen FictionCompleted Series of Happily Ever After is so Once Upon A Time Book 1 Copyright @ 2012 by letsrunawaytogether | No softcopies | No compilation | No available downloads | No to plagiarism, baby| Bawal po ang silent reader ah. Batuhin niyo na ng comme...