Mag-aalas 6 na ng gabi. Eto ako ngayon, naglalakad-lakad sa sa gilid ng pool. Hahahaha Emo ba ang dating? Lels. Eh, di na kasi ako sumunod kina Kyle at Cornelio kanina, kasi nag-inuman lang pala ang dalawa. Sila na ang uhaw sa alak! Kaya ayun, tulog ang mga gago.
Ang ganda ng lugar. Nakakarelax at ang ganda ng pool. Sa may right side ay may beach naman. Ang ganda-ganda. Ako na ang walang summer, noong kabataan ako. Hahaha Palagi lang kasi akong nasa bahay noon eh, misan may summer class, ine-enroll ako ni Papa sa mga English Subjects. Hahaha
Pumasok na ako sa loob ng hotel. Naupo ako sa may entrance area at kinuha ang laptop ko. Hinihintay ko kasing mag-online si Derek eh. Ganito ba talaga dapat? Hindi naman sa sinisisi ko si Derek pero tuloy, di ako makapag-enjoy dahil hinihintay ko boung araw mag-online si Derek.
Pero hindi. Okay lang. Mahal ko si Derek kaya gagawin ko to. Binuksan ko na ang laptop ko at tiningnan kung online si Derek. Zeee. As expected, hindi. Hmmm, maghihintay lang ako ng isang oras, kung di pa rin siya mag-online, maghihintay pa ako ng isang oras. Hahaha
Habang naghihintay ako ay nakatingin ako sa mga turistang pumapasok sa hotel. Buti pa tong mga turistang 'to, mag-eenjoy enjoy lang. Hahaha.
Nakita ko ang pool at naalala kong hanggang 10PM lang daw ang pool, pero bahala na, maliligo kami mamayang hating-gabi nina Kyle. Break the rules! Hahaha Si Justine naman ay di pa din dumadating. Sayang naman, kulang ang barkada.
Bagsak na bagsak na ang ulo ko. .Antok na talaga ako. Lumipat ako sa loob ng hotel at pumuwesto sa bandang may lamesa. Paano kasi hanggang dito lang ang wifi sa lounge area, sa mga rooms, wala na. -__- Hayyy. Inaantok ako pero hihintayin ko si Derek mag-online. Tsk
Bahala na, matutulog talaga ako dito sa lamesa. Itinabi ko na muna ang laptop ko at natulog na sa mesa. Ipinikit ko na ang dalawang mata ko. Zzzzz. -___-
Ilang minuto din ang lumipas at naramdaman kong may yumuyugyug sa katawan ko.
"Ano ba?!" - Anna
"Hoy, Anna! Wag ka nga dito matulog!"
Itinaas ko na ang ulo ko at nakita ko si .. VOILA! Si Justine! Tiningnan ko ang oras ko sa laptop at mag-7PM na pala. Di pa rin nag-oonline si Derek. Ugh.
"Oh, Justine! Ngayon ka lang?" - Anna
"Oo, eh. Ano ba room natin? Si Kyle nasaan? At ano ginagawa mo dito?" - Justine
"Huh? Room 201, natutulog sila ni Cornelio doon. Isa-isa lang okay? Hinihintay ko si Derek mag-online." - Anna
"Sus. Derek, Derek. Nakakabaliw yan minsan, Pards. O sige." - Justine
Naglakad na si Justine papunta sa room namin. Ano problema nun?! Parang nagmamadali na ewan. Hay nako. Baka nag-away na naman sila ni Nicole at makikipag-inuman doon sa dalawa.
Oh, well. Tiningnan ko ulit ang laptop ko kung online na ba si Derek. Ay shemaiz! Wala pa talaga. Nakakabaliw maghintay, bebe ko. Kailan ka ba ulit mag-oonline. Kahit sa text, di mo ka nagpaparadam. Tumawag ka nga pero si Carla ang nakausap mo. Dalawang linggo na kitang di nakikita sa screen ng laptop ko. Paramdam ka namaaaaannnn! -____-
Ibinagsak ko na ang ulo ko sa lamesa. Baka nga di mag-online si Derek. Shemaiz na pag-ibig to oh. Hayyy. One more hour. One more hour. Maghihintay ako para sayo Derek.
Naglaro lang muna ako ng Tetris sa laptop ko. Buti pa ang Tetris, sinasamahan ako. Buti pa ang Tetris, napapasaya ako. Buti pa ang Tetris ..
"Anna!" - Cornelio
Ay ano ba yan! Natalo tuloy ako! Ugh! Sayang! Ano ba?! What's wrong with the world, Mama? Kanina pa kayo nanggugulat ah! Anebenemmmmeeen!
"Cornelio naman eh! Ano ka ba?! Natalo tuloy ako sa Tetris!' - Anna
BINABASA MO ANG
Happily Ever After is so Once Upon a Time
Roman pour AdolescentsCompleted Series of Happily Ever After is so Once Upon A Time Book 1 Copyright @ 2012 by letsrunawaytogether | No softcopies | No compilation | No available downloads | No to plagiarism, baby| Bawal po ang silent reader ah. Batuhin niyo na ng comme...
