"Sht Anna! Ganon lang?!" - Cornelio
Kanina pa ako naiinis! Si Cornelio kasi, di matinong kausap. Kanina pa to, paulit-ulit! Nasa kwarto kami ngayon. Katatapos ko lang maligo at nakaharap ako sa electric fan at nagpapatuyo. I have my AALS. Hahahaha Alam niyo yun? Well, malalaman niyo din yun. :D
Kanina ko pa kwinekwento paulit-ulit yung nangyari kagabi. Oo, yung kagabi. Eh, ano nga ba nangyari? Haay.
FLASHBACK
"OM..." - Anna
Nanlaki ang mga mata ko. Ugh. Di ako makagalaw. Parang biglang nagmagnet ang paa ko sa lupa. Di rin ako makapagsalita. Ewan. Nakatingin lang ako sa kanya. Waaaaah. Alam niyo ba kung sino ang nasa harapan ko ngayon?
SI DEREK.
"Hello, Via!" - Derek
Jusko! Nanaginip ba ako! Please, sampalin niyo ko! Hindi to totoo! Wala si Derek. Wala ng Derek dahil iniwan na niya ako! Yun ang totoo. Eto? Nasa harap ko siya, malaking panaginip lang to. At please, pakigising lang ako kasi kung hindi, masasampal ko to! Left and right pa!
"Hey, Via." - Derek
Lumapit siya saken. Nakatulala lang ako, nakatingin sa kanya at, leche! Panaginip lang to! Gisingin niyo na ako!
"Via." - Derek
"Derek.." - Anna
Yun lang ang lumabas sa bibig ko. Woo! Ano ba dapat gawin ko? Ano? Sabihin niyo saken! Waaaaah! Kasi nalilito ako, di ko alam! Gusto kong .. magalit pero gusto ko siyang tanungin kung anong nagyari sa .. AMIN. Yung kami. Tsk! Ewan! Leche.
Naglakad ako pabalik sa table ko. Grabe! Nag-hahyperventilate ako. Lol. See? This is too awkward. Ano ba gagawin ko? This is my boyfriend right here in this office. Uhhh, I mean, EX! Ex-boyfriend. At ngayon ko lang siya nakita ulit after .. after 3 months. Yeah.
"A- anong ginagawa mo dito?" - Anna
Di pa rin ako humaharap sa kanya. Nagkukunwari akong may mga ginagawa or whatever. Go Anna! Gora lang sa pag-acting. Dapat di niya mahalata na kinakabahan ka or what! Siya ang may kasalanan, di ikaw!
"Hmmm, Via. Look .." - Derek
"If this is about us, uhh. Okay na ako, okay ka na. Quits lang." - Anna
"Via, alam kong .." - Derek
"Please, tama na Derek. Okay na ako .." - Anna
Humarap na ako sa kanya at ngumiti ng bonggang-bongga.
"Ikaw, okay ka na. And you.. you look good." - Anna
Sht! Ano daw?! Ano ba pinagsasabi ko! Matauhan ka, Anna! Umayos ka! Leche. Anong he looks good. Waaaaa! Patayin niyo na ko, please!
"Hmmm. Okay.. Ah, eto nga pala yung mga sample photos ko para sa application ng photojournalist." - Derek
"Ah? Ahh, okay. Hmmm. Sige, kasi marami pa akong ginagawa. Pakilagay sa table jan." - Anna
Tumalikod na ako at naupo sa mesa ko. Kinuha ko ulit ang mga edited write-ups. Jusme! Ano ba to?! Di ko na makakaya to. Drag me to hell, please! Yumuko na ako at nagkunwaring may sinusulat. Nakikita ko naman sa peripheral sight ko si Derek, nilagay niya ang envelope sa mesa at ..
"Busy ka ata eh." - Derek
"Yup! Copy read, sige. You can go now." - Anna
"Ah, kaya pala. Copy reah huh? Kaya pala, crayola ang gamit mo sa pagsusulat. Sige, mauna ako." - Derek
BINABASA MO ANG
Happily Ever After is so Once Upon a Time
Teen FictionCompleted Series of Happily Ever After is so Once Upon A Time Book 1 Copyright @ 2012 by letsrunawaytogether | No softcopies | No compilation | No available downloads | No to plagiarism, baby| Bawal po ang silent reader ah. Batuhin niyo na ng comme...