Yun na ang naging una at huling pag-uusap namin ni Derek. Hanggang ngayon, wala pa rin. Di ko na siya nakikitang online. :/ Two weeks na ang nakakalipas. Sa computer na nga lang ako nakaharap boung hapon at boung magdamag. -___-
Sabi niya nung huling text niya na medyo mabubusy na siya ng konti. Pinapatulong na din kasi siya sa coffee shop, minsan nga daw siya na ang cashier at siya ang nagseserve. Naiintindihan ko naman eh, baka kasi lagi nalang siyang pagod.
Ang Team JACK? Okay lang din. Si Justine, busy din kahit summer. Palagi niya kasing kasama si Nicole, eh kulang nalang nag-summer class nalang din si Justine. Si Cornelio, parating nasa bahay. Everyday bonding sila nina Mama eh. Kaya atleast may nakakausap ako. -__- Si Kyle? Hmmm, di ko alam eh. Last na nagkausap kami nung pinuntahan namin siya ni Cornelio sa condo nila.
Matext nga si Kyle. Nakakamiss siya.
TEXT *
"Kyle, bebe. Saan ka?" - Anna
"Bahay." - Kyle
"Punta ako sa inyo. Roadtrip please." - Anna
"Ikaw bahala." - Kyle
Ano ba to? Beeper lang o telegrama? Isahang salita lang? Well, sabagay. Hindi naman din mahilig text si Kyle. Baka tinamad mag-type.
Ala-una na ng hapon. Walang tao sa bahay kasi may office sina Mama. Si Carla naman nagpunta sa bahay ng classmate niya kaya ako lang naiwan sa bahay. Dederetso na ako sa condo ni Kyle.
*
"Kyle?" - Anna
"Sa banyo pa ako, Anna. Pumasok ka na lang." - Kyle
"Saan? Sa banyo, papasok ako? Hahahaha" - Anna
"Ewan ko sayo, Anna." - Kyle
Dumiretso na ako sa kwarto ni Kyle. Nahiga na muna ako. Nakakatamad talaga minsan kapag summer na. Shiz! Kain-tulog-iyak mode ako eh. Hahaha Lels.
Kinuha ko ang remote control ng TV. Nakakabinging katahimihan naman ito. Kukunin ko na sana ang remote sa ibabaw ng mesa ng may ilang larawang nahulog sa sahig.
Kinuha ko iyo at tiningnan isa-isa.
Una kong nakita ang picture namin ni Kyle nung 7 years old palang ako. Hahaha. Noong mga bata kasi kami, hindi na hinihiwalay ni Kyle yung camera niya. Hindi siya napapagod kakakuha ng mga larawan. Kahit anong bagay, kinukuhanan niya. Regalo kasi sa kanya yun ng 7th birthday niya.
Nakita ko yung picture namin ni Carla. Stolen shot yun. Naalala ko kasi, yung yaya namin sa bahay, may pupuntahan daw siya. So, ako yung maiiwan sa bahay kasama si Carla na ilang months palang noon. Pumunta naman si Kyle sa bahay at sinabing hindi siya pinapayagan na maglaro sa amin, kaya kinuha namin si Carla at dinala sa bahay nila. Doon kami naglaro. Hahaha Nakakatuwa nga eh, baka maabutan kami nung yaya namin. Sigurado, papagalitan ako kasi dinala ko si Carla kina Kyle. Hahaha
Hala! Andito pa pala 'tong picture namin. Hahaha. Kindergarten graduation. Naiingit kasi ako noon kay Kyle kasi andami niyang medals tapos ako, isa lang. See, bobo na talaga ako since bata. Hahaha
Grade 4, birthday ko! Hahahaha Ang cute ko dito. Siyempre, ang saya-saya ko nun kasi may mascot nung birthday ko. Si Kyle naman, takot na takot sa mascot. Halos sa kwarto ko lang siya boung araw. Ang bopols niya ano? Hahaha
Eto pa oh. Christmas Eve nung Grade 4 kami ni Kyle. Pumunta kami sa bahay nila at doon kami nag-Christmas Eve. Pinilit ko pa sila Mama nun na kina Kyle ako matutulog. Pinayagan naman ako kasi nasa kabila lang naman yung bahay namin. Ang saya-saya namin nun kasi naglagay kami ng medyas sa Christmas Tree. Paniwalang-paniwala sa Santa Claus. Hahaha
BINABASA MO ANG
Happily Ever After is so Once Upon a Time
Teen FictionCompleted Series of Happily Ever After is so Once Upon A Time Book 1 Copyright @ 2012 by letsrunawaytogether | No softcopies | No compilation | No available downloads | No to plagiarism, baby| Bawal po ang silent reader ah. Batuhin niyo na ng comme...