EPILOGUE

561 6 5
                                    

It was a story, almost perfect, almost happily ever after ...

Minsan, may mga bagay talaga na panahon lang ang makapagtuturo sayo. Minsan dun sa panahong yun mo malalaman kung gaano mo siya kamahal. And when you losee that person, you lose a part of yourself. Sa paglipas ng panahon, wala kang magagawa kundi ang maghangad na sana bumalik ang lahat, na sana ginawa mo nalang ang tama, yung wala ka nalang sanang sinaktan at nasaktan. Pero ano nga ba ang mgagawa mo?  Minsan kasi, mapapansin mo, panahon nalang din ang magbabago ng lahat at ng sarili mo. 

"Pards, hanggang dito na lang ako."  

Minsan, maiisip mo. Ano nga ba ang ginawa kong mali? Mali ba yung gumawa ako ng desisyon? Tapos idadagdag mo pa yung, pano kaya kung nalaman ko sana kung ano yung mangyayari? Nagbago kaya yung desisyon mo? Mahirap pala. Siyempre, wala ka ng magagawa kundi tingnan yung nakaraan. Tapos na yun eh, di mo na maibabalik. Kahit ilang timba pa yang iiyak mo, masasabi mo din, "Wala na eh. Tapos na." 

Sa buhay, may nang-iiwan, may naiiwan, at minsan nga, nang-iwan ka na, iniwanan ka pa, and there you go, you were left all alone. Maiisip mo, iniwanan ka nga nung taong mahal mo, pero iniwanan mo naman yung taong nagmamahal sayo. At maiisip mo nalang bigla, ba't ganon? Nagmahal lang ako diba? Ganon yung nagyari saken diba? Iniwan ako ni Derek, iniwanan ko si Kyle. Naisip ko, sana di nalang ako bumitaw kay Kyle, sana humawak ako ng mahigpit, at kung sana pwede mo nalang ilipat yung pagmamahal mo sa taong nagmamahal sayo. Pero hindi rin eh, minahal din ako ni Derek, minahal din ako ni Kyle, ano bang magagawa ko? Yun ba yung destiny? Yun ba yung pagmamahal? Di ko alam. 

Sa ilang libong beses na nauso yung linyang, "Ang labo mo, Pards.", ngayon ko lang naintindihan yung totoong kahulugan nun eh. Yun ba yung di mo siya maintindihan? Yung di mo alam kung bakit nangyari pa yun? Yung bakit nang-iwan siya? Ang hirap.  

2 years. 2 years na din ang nakakalipas simula ng mangyari ang aksidenteng yun ni Kyle. 3 years na din simula nung umalis si Derek papuntang California. Buhay nga naman ano? Sobrang mahirap na sobrang masaya. Ewan. Di ko maintindihan. Basta, simula nung mangyari ang aksidenteng yun, ang dami kong natutunan sa buhay. 

Minsan, masasabi mo pa nga sa sarili mo, na hindi talaga para satin yung mga taong minahal natin. Mahirap pero kailangan. Itinakda lang silang dumaan eh. At tayo, itinakdang iwanan. Kasi may bagong darating? Di ko alam. 

Never did love made it easy. 

Kailangan may masaktan. Kailangan may magsakripisyo at kailangan may lumuha. Pagkatapos kong malaman yun, ilang araw din akong di makatulog. I can't believe Kyle was gone. Alam nina Justine at Cornelio na aalis siya kaya yung Garden Villa? It was planned. Kahit isang gabing tagayan lang daw, kasama ang barkada. Si Justine? He purposely broke up with Nicole because of me. Naguilty ako, siyempre, pero si Justine na din ang nagdesisyon. 

Sinabi saken ni Justine na kausap niya si Kyle nung mga panahong naaksidente siya, panay daw salita si Kyle sa sinabi ko sa kanya dati, "Ba't ka pupunta dun kung ito naman talaga yung gusto mo?" at nalaman kong, he was on his way back home nung maaksidente siya. He had a last minute decision. 

Apat na araw bago ako lumabas ng bahay para bisitahin si Kyle on his wake. Di naman din ako pinilit nina Justine. Talagang di ko lang kaya. It's losing not just someone, but my bestfriend. Doble yung sakit eh. Di mo na nga din alam kung may nararamdaman ka pa sa sobrang sakit. Naisip ko nga, at the end, ako tong iniwanan ng lahat. It was so hard during those times na ang gusto ko nalang ay matulog boung araw at gabi. For the first time, I was so depressed. 

Di ko din alam ang isasagot ko sa mga classmates ko sa nangyari kay Kyle. Naging close na din kasi sila sa TEAM JACK. Nakakatawa man pero may fans club pala si Kyle sa university, at gumawa pa sila ng Fan Page para kay Kyle. 

Happily Ever After is so Once Upon a TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon