"Oh? Anong nangyari kay Derek?!" - Anna
Inoff na ni Carla yung cellphone. Nanlalamig ako. Di ko alam kung anong nangyayari. Anong si Derek? Si Derek nasa labas ng bansa. Ako eto, naghihintay. Bakit tatawag si Carla ng ganon?
Tumingin ako kay Kyle. Kinakabahan ako. OA na kung OA pero kung si Derek na ang pinag-uusapan, di ko makakayanan kung may mangyaring masama sa kanya.
"Oh? Anong sabi ni Carla? Okay ka lang?" - Kyle
Hinawakan ni Kyle ang kamay ko. Nanginginig ako. Grabe. Ano ba to?! Parang di ako mapakali. Napasandal ako sa upuan. Huminga ako ng malalim. Iba-iba na iniisip ko. Paano kung may nangyaring masama kay Derek? Paano kung ..
"Tawagan mo ulit si Carla." - Kyle
"Hindi Kyle eh. Si Derek daw. Ewan.. di ko alam. May nangyari ata. Ewannn! Di ko alam! Please Pards, umuwi na muna tayo." - Anna
Napasigaw na ako ng masabi ko yun kay Kyle. Ano bang nangyayari?! Bumilis na ang pagpapatakbo ni Kyle sa kotse.
Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si Carla.
"Hello Carla, baket?! Ano ba nangyari kay Derek?" - Anna
"Umuwi ka nalang Ate." - Carla
Toot tooot toot toot ..
Pinakalma ko ang sarili ko. Huminga ako ng malalim. Dalawang liko nalang at dadating na kami sa bahay. Chill, Anna. Chill.
Pagkadating namin sa bahay ay bumaba na ako kaagad sa kotse ni Kyle. Ang tahimik ng bahay. Tumakbo na ako papaunta sa loob.
Pag-bukas ko ng pintuan ay nakita ko kaagad .. si Derek?! Hindi. Lels. Picture lang namin yan. Friname ko. Nilagay ko kasi sa may bandang sala namin.
Nakita ko si Carla, nakahiga sa sofa at nagtetext.
"Hoy! Carla! Anong nangyari kay Derek? Tumawag ba siya? Anong sabi?!" - Anna
Nginingitian lang ako ni Carla. Tengene. Mamatay-matay na ako pauwi tapos ngingitian niya lang ako! Nakakainis!
"Carla, leche ka! Sabihin mo sa akin, ano sabi ni Derek?!" - Anna
"Di ko alam Ate, okay? Tumawag lang siya tapos pinapatanong kung nasaan ka. Tapos binaba na niya. Ayun." - Carla
"Yun lang?!" - Anna
"Oo. OA mo naman kasi!" - Carla
Gee whiz! Si Carla talaga, nanghawa na din sa pantri-trip nina Cornelio. Tsk. Nakita ko si Kyle, papasok ng bahay. Sarap sakalin, kaso kapatid ko. Ugh!
"Oh? Ano nangyari?" - Kyle
"Wala! 'Tong si Carla, nangtritrip. Tumawag lang pala si Derek!" - Anna
"Hahahaha. Nice, Carla." - Kyle
Tumawa ng malakas si Kyle. Nag-high five pa sila ni Carla. Edi, kayo na magsama. Ang labo niyong kausap! Ugh.
Naglakad na ako papunta sa kwarto ko. Di magandang joke yun. Tengene naman! Halos di na ako makangiti kanina sa sobrang kaba kung anong nangyari kay Derek tapos aabutan kong, tumawag lang pala. Gawd!
"Pards, baka kinukumusta ka lang." - Kyle
Tinaas ko lang ang kamay ko at nag-okay sign. Ugh. Whatever Kyle. Magsama kayo ni Carla!
Pagbukas ko ng pintuan sa kwarto ay may naamoy kaagad ako galing sa loob.
Huh?! Ano to? May patay ba? Amoy-bulaklak ah?!
BINABASA MO ANG
Happily Ever After is so Once Upon a Time
Genç KurguCompleted Series of Happily Ever After is so Once Upon A Time Book 1 Copyright @ 2012 by letsrunawaytogether | No softcopies | No compilation | No available downloads | No to plagiarism, baby| Bawal po ang silent reader ah. Batuhin niyo na ng comme...