Bonding Time

974 18 3
                                    

 

Nasa loob kami ng pick-up ni Justine. Ayun nga, wala pa ring patutunguhan. Di pa rin sigurado kung ano gagawin namin. Bahala na kung saan kami dalhin ng sasakyang to. 

“Uy, Anna! San ba tayo?” – Kyle 

Tiningnan ko lang si Kyle. Nasa passengers seat kasi siya, katabi ng driver’s seat. 

“Aba’y di ko alam. Kayo ‘tong gusto lumabas eh.” - Anna 

“Hmmmm. Ba’t hindi nalang sa dating tambayan?” - Justine

Oo nga. Bright idea, Bebe Justine! Di na pala kami nakakapunta sa dati naming tambayan. 

“Game kayo?” – Justine

Na-excite kaming lahat! Matagal-tagal na din since last kaming pumunta dun. Highschool pa ata kami. I mean, 4th year highschool. Hahaha 

“Game!” – Anna, Kyle and Cornelio

*

It was still the same old place. One thing I like best about this place is tahimik. Pag may problema ka, pwede kang sumigaw ng malakas. Ang sarap ng hangin dito. This makes me remember of my highschool life. Wooo! Nakakamiss dito sobra! 

PATTIO CARMELLA 

Isa yung abandoned beach resort. Di ko alam pero wala ng pumupunta dun. Wala na daw kasi yung may-ari, nagmigrate na. Ang nandun lang, eh yung si Manang Loleng. Since highschool eh pinapayagan na niya kaming tumambay dun. Siya na din yung naging nanay ng barkada. Hayyyy. Nakakamiss talaga dito. 

Sayang. Gusto ko pa namang maligo, biglaan lang yung lakad na to kaya di ako nakapaghanda. Di ko naman din alam na dito kami pupunta today. 

“Anna. Grocery tayo! Inuman tayo!” - Justine

“Sige ba. Tara!” - Anna 

Iniwan na namin sina Kyle at Cornelio. Nauna na kasi sila sa may sea side. Nagtatalon lang yung dalawa eh, parang mga bata. Naghihiyawan pa. Taena, naiingit ako! Pwede ikaw nalang Justine? Dejk lang! :D 

Siyempre, si Justine yung supplier ng grupo. Ayun, di na kami nag-cheap in. Siya na ang nag-drive papunta sa pinakamalapit na grocery. Bumili lang kami ng isang case ng redhorse, nagtake out ng sisig, kropek, at cheese sticks para sa kin. Bumili na din kami ng junk foods. Hindi pwedeng walang junk foods pag si Kyle ang kainuman. Yup! Maarte siya. Hahaha

Happily Ever After is so Once Upon a TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon