Hello Readers!
Nakakatuwa po at may mga silent readers po pala ako. Maraming salamat po talaga sa pagbabasa. Kahit hindi na po kayo magcomment. Vote nalang po! :D
Maraming salamat po, mas makakapag-update na po ako ngayon kasi nachange yung deployment dates namin para sa Internship! :)
Sana po patuloy niyo pong suportahan ang kwentong ito.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Inuwi niya na ako sa bahay. Mag-sisix na ng umaga ng makabalik kami. Paano kasi ang bagal niya magpatakbo ng sasakyan, kanina hindi naman yun ganun magpatakbo.
Bago ako bumaba, hinawakan niya kamay ko. May kuryente na naman akong naramdaman. Leche ka, Derek! Kung aalis ka, umalis ka na! Ngayon pa lang, ang hirap na eh!
"Via, hmmm. Wala lang." - Derek
"Hus. Ano ka ba? Kanina ka pa, wala lang." - Anna
"Basta uuwi ako, hintayin mo ko ha?" - Derek
Hindi na ako sumagot. Naalala ko na naman na aalis nga pala siya. Di ko alam kung ano ba mararamdaman ko. Siyempre, nakakamiss siya pero baket siya aalis?
Ayokong tanungin. Sorry, pride lang eh. -______-
Nang makapasok na ako ng bahay, narinig ko naman ang pagstart ng engine ng kotse ni Derek. Waaaahhh. Aalis na siya by 8 AM. Isama mo nalang ako, Derek. :(
Ang sakit kasi eh. Gusto kong tumakbo palabas at habulin yung kotse niya pero parang di ko kaya. Ang gusto ko lang eh iyakan ang problemang to. Mag-iisang buwan na din simula ng nakilala ko si Derek pero parang noon pa man, kilala ko na siya. Mamimiss ko siya :(
Dumiretso na ako sa kwarto ko ng biglang lumabas ng kwarto si Papa.
"Oh, Via. Saan ka galing?" - Papa
"Sa CR lang po Pa. Good Morning po." - Anna
"Hmmm, nagsisinungaling ka saken diba?" - Papa
Lumapit na ako kay Papa. Pag si Papa ang kausap ko, di naman talaga ako makapagsinungaling eh. Buti na lang andito si Papa. Gusto ko maiyak. You're leaving so soon, Derek. -______-
"Oh, saan kayo nanggaling ng Cardovang yun?" - Papa
"Dun lang po sa favorite place niya. Hmmm, Pa? Ba't ganon? Ang sakit." - Anna
"Oh, baket? Anong nangyari? Nanliligaw pa lang siya noong nakaraang linggo ah, tapos sinaktan ka na?" - Papa
Sinuntok ko si Papa sa braso. Papa talaga minsan .. Ugh! Nevermind!
"Papa naman eh, hindi yun. Aalis po kasi siya. Sa California daw po." - Anna
"Oh, tapos? Babalik naman diba?" - Papa
"Di ko po alam Papa. Hindi ko na tinanong kanina. Nahihiya po kasi ako eh." - Anna
"Alam mo, Via. Seryoso siya sayo." - Papa
"Weh? Talaga po?" - Anna
"Oo naman, it takes a lot of energy and confidence for a man para aminin yung nararamdaman niya sa mga magulang ng babaeng mahal niya." - Papa
"Hayyyy.." - Anna
"Eh, halos mautal nga noong magpaalam sakin eh. Diba? Linalakasan lang yung loob niya." - Papa
Di ko napansin yun ah. Galing mo din, Derek. :( Ahhh. Ngayon palang namimiss ko na siya. :(
"Mahal mo na ba siya?" - Papa
BINABASA MO ANG
Happily Ever After is so Once Upon a Time
Teen FictionCompleted Series of Happily Ever After is so Once Upon A Time Book 1 Copyright @ 2012 by letsrunawaytogether | No softcopies | No compilation | No available downloads | No to plagiarism, baby| Bawal po ang silent reader ah. Batuhin niyo na ng comme...