Antok na antok na talaga ako. Wala pa akong tulog. For the nth time, pinipilit kong tapusin ang documentary film na sinimulan ko. Gaaaah. Sana talaga matapos ko na to, anyway, konti nalang. Konti nalang, matatapos ko na talaga to. Ako lang naman ang dakilang director at editor ng documentary film namin.
Si Derek naman, hindi na ako hinintay kahapon sa SPO. Dumiretso na sa bahay nila kasi kailangan niyang asikasuhin yung mga papers nila para sa OJT nila sa ibang bansa next year. Arte-arte, pwede naman dito sa Pilipinas. Ba't sa ibang bansa pa. Haay.
7: 22 na ng umaga. Tumayo na ako. Ako nalang nasa studio. Nagsiuwian na silang lahat. Buti nga at Saturday ngayon. Si Cornelio naman, may dadaanan lang daw sa kabilang building tapos sabay na kaming uuwi.
Naglakad na ako palabas ng Studio. Pesteng course lang ano. Ba't ba ito ang pinili ko. Lol. Laslas nalang talaga ang kulang. Ngarag na ngarag na ako. :/
Pagdating ko sa parking lot ay pumasok ako kaagad sa Camaro ni Cornelio. Uuwi kami ng early kasi ninakaw lang ni Cornelio tong Camaro nila. Kawawa ka naman, Pards. Hahaha
Nang makaupo na ako sa front seat, ay pumikit na ako .. pero.. pero! Wait. Sandali nga! Kotse yun ni Derek ah! Naka-park sa harap ng Camaro ni Cornelio. Leche, anong trip ng lalakeng to? Ba't nandito yung kotse niya? Saturday ngayon kaya mga lunch na yun nagigising. Pero ba't nandito tong lalakeng to?! Pag naabutan ko talaga siyang may babae sa loob ng kotse niya, papatayin ko talaga siya!
Bumaba na ako sa Camaro ni Cornelio at lumakad papunta sa kotse ni Derek. Nakita kong nakayuko ang ulo ni Derek sa steering wheel ng kotse niya. Tulog ba to?!
Kinatok ko na ang bintana ng kotse niya. Pero bobo lang eh no? Pumasok lang din ako kaagad sa kotse niya.
Bigla siyang nagising at tiningnan ako. Ako naman, wez ko ker. Nakatingin lang din ako sakanya kahit haggard ako kasi wala pa nga akong tulog.
"Anong ginagawa mo dito?" - Derek
"Wow. Ako pa tinatanong neto. malamang, dito nga kami sa school nagsleep over diba? Ikaw ang dapat tanungin ko kung bakit nandito ka? May babae ka dito ano?!" - Anna
Lumingon ako kaagad sa likod ng kotse niya at naghanap ng signs ng babae. Hahahaha OA lang ako eh. :D Hahahaha
"Tsk. Para kang sira." - Derek
"Belat! Eh, ano nga yung ginagawa mo dito?" - Anna
"Dito ako natulog." - Derek
"Ha? Eh, baket?" - Anna
"Wala. Binantayan lang kita kagabi." - Derek
"Asa! Binantayan mo sino? Ako?" - Anna
"Hindi. Yung kotse ko, binantayan ko. Hahahaha. Natulog ka ba?" - Derek
"Hindi nga eh. Tara. Sa bahay ka na matulog." - Anna
"Trip mo mang-rape ano?" - Derek
"Asa!" - Anna
Takte. Kahit bagong gising ang boyfriend ko, ang cute niya pa rin. Pwede pakihampas saken? Left and right kasi ako na ang kinikilig. Hahahaha Plus, dito pa siya natulog sa kotse niya para bantayan ako? May topak nga talaga tong boyfriend ko. Sarap kutusan kaso sayang naman kagwapuhan neto. Hahahaha
Naniniwala na akong dito siya natulog kasi kagabi tinext niya ako na dito daw siya sa school matutulog. Akala ko joke lang niya pero eto oh, dito sa kotse niya pa natulog. Haay. Ako na kinikilig! Hahahahaha :D
Habang nasa loob kami ng kotse ni Derek ay natulog na muna ako. Tinext ko na lang din si Cornelio na kay Derek na ako sasabay. Tulog-tulog din Anna with a smile on your face. Hahahaha
BINABASA MO ANG
Happily Ever After is so Once Upon a Time
Teen FictionCompleted Series of Happily Ever After is so Once Upon A Time Book 1 Copyright @ 2012 by letsrunawaytogether | No softcopies | No compilation | No available downloads | No to plagiarism, baby| Bawal po ang silent reader ah. Batuhin niyo na ng comme...
