Lahat ng tao may sariling kwento sa buhay.
Si Czairil, ung karoommate ko sa dorm na sa taas ng double deck bed sa kanang bahagi ng room namin, anak siya ng judge at di ko siya bati kasi inagaw niya sakin ang isang importanteng bagay. Well not technically pero masama pa rin ang loob ko sa kanya kaya hindi ko siya pinapansin. In short, she's the lucky girl. I'm the cursed one.
Yung sa baba ng pwesto niya, si Ninian, puro aral lang tapos ayaw niya ng mga usaping love pero maaasahan naman siya pag kinakailangan. Lalo sa exams. In short, nerd at love-phobic.
Yung nasa taas na pwesto ng double decker bed sa kaliwang bahagi naman, si Marxia, masipag din siyang mag-aral at close sila ni Ninian. Pero mas outgoing siya. In short, lakwatsera.
Ako ang nakapwesto sa baba ng bed niya. Jelai po, ang pinakadyosa sa mga dyosa. Pero brokenhearted sa ngayon. Ewan ko rin kung bakit di ako nagawang ipaglaban ni ex.
Maganda naman ako. Sexy. Ay medyo may baby fats pala. Para kyot. At maganda ang diction sa English language. Kaso minsan di ko maintindihan ang sarili kong pinagsasasabi. Hihi.
Simple lang naman ang gusto ko sa buhay. I'm silently hoping that my ex would break up with his current girlfriend and fiance to get back with me. I'm no better at all.
Pero kahit ginagawa ko na ang lahat para bumalik siya sakin, parang lalo ata akong nagiging hopeless.
"Nagpaganda ako. Naghanap din ng iba. Pinagselos ko siya. Pero bakit ganun? Ayaw niya pa ring makipagbalikan sakin."
"Eh kasi naman girl, maganda ka nga, pero yung ginagamit mo para pagselosin siya eh beki, pano maniniwala yun na may bago ka na?" sabi ng isa sa mga kadorm-mate ko, si Marxia.
"Eh counted pa rin naman si bakla bilang lalake sa mundo diba? May putotoy pa rin naman siya ah," ungot ko.
"Sy naku girl, bahala ka nga dyan. Gagala pa ko. Mamaya na lang ako mag-aaral dito pag tapos ka ng mag-emote dyan."
"Kasama mo ba sa gimikan sila Nowi?"
"Don't worry girl, never kong babanggitin sa kanya ang pinaggagagawa mo sa ex niya. Speaking of which, dumadami ang nagbibreak ngayon ah."
"Wala nga kasing forever." Nagsalita na ang nerd oh.
"Ninian, sama ka ba?" alok ni Marxia.
"Pass muna ko, di ko pa alam kung pano kunin yung height ng puno."
"NagcaCalculus ka na?! Wow girl, turuan mo rin kami pag alam mo na ah?" sabay na sabi namin ni Marxia.
"Asa." Nagtakip siya ng isang palad sa mukha pero hindi naman nakadikit sa mukha niya. Para lang siyang nagtatakip mula sa sikat ng araw.
Napansin ko na lumabas ng room namin si Czairil pakalabas lang din ni Marxia. Naka-green na georgette fabric collared top, black pants, skin-tone na doll shoes at black leather mini-backpack siya. Hmp, di ko pa rin tanggap kung bakit siya pa. Eh ang baduy-baduy niya.
"Nakita mo-" Hindi ko naituloy ang sasabihin ko kasi binangalan na ko ni Ninian ng ssambap. Kaharap ko na pala siya sa table sa study area namin sa dorm at nakuha ang atensyon niya ng korean food na padala sakin ng magaling kong ex.
Galante pa rin siya. Binola-bola ko lang na magpadeliver ng pagkain, heto agad. Pero hindi naman pagkain ang habol ko sa kanya eh. Yung dating kami. Wala na bang pag-asang mabalik yun? Ang gusto ko lang namang gawin niya, magsorry ng sincere, iwan iyong fiance niya at makipagbalikan sakin ng hindi na namin itinatago ang relasyon namin sa parents namin. Lalo na sa side ko.
Pumayag lang naman ako na wag siyang ipakilala kila mama at papa dahil sikat ang pamilya nila. Kung mamumukhaan siya nila mama at papa, baka habulin siya ng itak ni papa at paliguan ng masasakit na salita ni mama dahil di niya man lang ako kayang ipaglaban sa sarili niyang pamilya.
Lately, kinukulit niya ko lagi para maipagbalikan, pero engaged pa rin sila nung babaeng yun. Ano ko, hilo? Para itolerate siya na i-two-time kami?
"ANO?! Pupunta ka ng Korea? Makikita mo sila oppa! Ang daya! Sama ako, please!!" Ito namang si Ninian, akala ko may sunog na eh. Nag-a-aegyo pa eh hindi naman sila naka-video call ng sinumang pilatong kausap niya.
"SINO BA YAN? ISAMA NYA RIN KAMO KO!" Papahuli ba ko? Eh hilig ko din yun eh. Mas fan nga lang siya. "I-loud speaker mo nga girl." Pero very enthusiastic si gaga, inon pa ang video kaya video call na itu.
"Para fair, pareho ko kayong di isasama. Hahahahahahahaha." Umalingawngaw ang halakhak ng timang sa phone ni Ninian.
"Tangina mo Jorge! Ikaw pala yan! Nagkwento ka pa." Murmur ni Ninian. Masyado talaga siyang harsh kahit sa kaibigan niya pfft.
"Oo nga, oo nga. Sana di ka na lang nagkwento kung di mo rin lang kami isasama." Gatong ko. Away na yan! Hoo!
"Nagpapainggit lang eh. Tsaka ginagawa ko lang kung ano ang good for your health, Ninian. Baka kasi magka-endless nosebleed ka pag nakita mo na yung mga oopa mo."
"Uy, wala namang ganyanan. Respeto sa kakabreak lang dito." Paalala ko.
"Ay oo nga pala no. Kelan ba kayo magbabalikan? Hahahahahahaha." Tawa ulit ng gague.
"Hala awat huy. Baka mausog na naman siya sa topic na yan." Puna ni Ninian dito.
"Nabasa ko nga yung text mo kanina na nagdadrama na naman siya sa inyo. Hahahahahahaha." Sagot ng katawagan namin.
"Tse. Malaman ko lang na kayo na ni Ninian hmp. Di pa man din yan naniniwala sa forever. Dadagdagan niyo lang ang mga paasa sa mundo eh." Angal ko.
"Pano naman namin madadagdagan eh wala nga kaming balak, diba Jorge?" Sabi ni Ninian.
Taas-kilay lang ang isinagot ng kausap.
"Eh syempre umaasa ang shippers niyo na maging kayo."
"Ikaw lang naman ang shipper namin eh. Oh siya, mag-aayos pa ko ng gamit at matutulog na. baka maiwan ako ng eroplano bukas. Ingat kayo dyan habang wala ang gwapo."
"Pasalubong ha?!" / "Good night!" Sabay na sabi nami ni Ninian. Ako syempre yung nanghihingi ng pasalubong.
"Okay, okay. Sige na. Ninian mag-online ka bukas. Ipapakita ko sayo pag nasa airport na ko." Aba ang malantud.
"Lalandi niyo!"
BINABASA MO ANG
BADIDUNG
HumorIsang nakakabaliw na love triangle sa pagitan ng isang babae, isang lalake at isang sirena.