Jorge - "Lovean"

258 7 0
                                    

The day of prom, Ninian and I helped each other get ready. Inayos niya ang necktie ko kasi napansin niya na crooked ang pakakalagay ko nun. Tapos ako ang nagsundo at hatid sa kanya sa ball, but once we got there, she ditched me for Mike. She spent the whole time sitting at a table with him talking about anything under the sun.

I begged her to come dance with me at least once but she refused, and then got angry. "You're ruining this for me," padabog na sabi niya kaya di ko na lang siya uli kinulit.

After the dance, we'd planned to go together to a mutual friend's house for an after-party, pero isinama ko si Marxia para pagselosin siya, and she and I spent the whole party making out.

Hindi na ko masyadong nakipag-usap kay Ninian pakatapos nun. It was like some invisible line had finally been crossed.

Kalagitnaan ng party, napansin ko na nakatitig siya sakin, samin ni Marxia, lalo sa kamay ko na nakaakay kay Marxia na lasing na lasing na at kung anu ano na ang pinagsasasabi habang naka-lean sa balikat ko.

Nakita ko kung paano hawakan ni Mike ang kamay niya na parang may sobrang seryosong bagay na sinasabi sa kanya. Habang siya patuloy pa rin sa pagtitig sakin.

Alam ko ang titig na yun. Humihingi siya ng tulong na ilayo ko siya sa sitwasyong iyon. Baka inaatake na naman siya ng phobia niya sa pag-ibig. Pero di ako makakilos sa pagkakaupo ko hindi lang dahil sa bigat ng babaeng katabi ko na mahigpit na nakayakap sa braso ko kundi dahil sa bigla nitong paghalik sa labi ko.

Dahil dun, natakpan ang paborito kong tanawin at ng bumawi ito ay nakita ko na wala sa kinauupuan doon sa kabilang table si Ninian.

Dahil dun ay bigla akong napatayo, hinayaan kong dumulas sa pagkakaupo si Marxia. Para hanapin ang taong mahal ko.

BADIDUNGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon