Ron Raphael - "Sha-rey"

407 8 1
                                        

Pakatapos ng nangyari nung gabing yun, hindi pumasok si Czairil. Siguro mas mabuting ganito, makakatabi ako kay Jelai ngayon. Kaso ng tatabi na sana ko sa kanya ay nakita ko na parang hindi siya mapalagay.

"Kumusta?" tanong ko. Baka kasi masama ang pakiramdam niya. "Ok ka lang, Jelai?"

I was starstruck when she rolled her eyes. So not her. Siguro nga masama lang ang pakiramdam niya.

Sunod na hinanap ng mata ko ay yung baklang lagi niyang kahalikan pero absent ata gaya ni Czairil.

Masarap ang kwentuhan ng magbestfriend at ni Mike sa kaliwa. Mukhang malalim naman ang usapan nina Nowlard at Marxia sa kanan. Saan ba ko uupo?

Biglang dumating ang teacher kaya umupo na lang ako sa bandang unahan kung san kami laging nakapwesto ni Czairil.

Mabait kasi yun. Nagpapakopya ng notes, tumutulong pag natawag ako ng teacher at nagpapagaya ng answers sa quiz at exams.

Bakit ba kasi wala si Czairil ngayon?

"Mr. Ron Raphael Ferrero Rochet, are you not going to take the surprise quiz?" Nasurprise talaga ko sa sinabi ng teacher. Pagtingin ko sa mga kaklase ko ay nakita ko na may mga papel sila at nagsusulat sa papel ng kung anuman.

"I'm sorry mam, I wasn't listening."

"You're lucky I'm in good mood today. Write an essay about what's written on the board." sabi niya at lumabas ng room para magCR.

"Oh papel!" abot ni Ninian. Ang cute niya talaga. Kaya siguro patay na patay dyan si Mike.

"Oh pare, tama na, baka matunaw." asar ni Mike.

"Selos ka lang eh," sabi ko. "Pero buti na lang tlaaga good mood si mam."

"Lagi namang good mood yun pagdating sayo!"

"Sira, nagkataon lang."

"Wag mo kasing isipin masyado si Jelai, andyan lang yan oh, diba, Jelai?" asar ni Jorge at nagkumpasan ang mga kaklase namin.

Nagulat ulit ako ng hindi umimik si Jelai at dinedma ang buong klase. Siguro wala lang talaga siya sa mood. Kaya tumahimik na lang kami at nagpatuloy sa paggawa ng essay.

Ngayon, pano ko gagawin to?

Czairil, asan ka ba?

Natapos ang araw at wala talaga siya.

I hate it when she isn't at school. I'm bored and couldn't pay attention in class.

Dumaan pa ang ilang araw na ganun at nakakabanas na. Ilang beses ko siyang sinubukang kausapin sa school pero lagi siyang nagdadahilan ng kung anu-ano. Pag kinokontak ko naman siya sa phone pag walang pasok, hindi siya sumasagot. Pag tinanong ko siya kinabukasan sa school, marami ulit siyang excuses. Kesyo busy sa ganito, ganyan.

Despite saying that she won't be the one to break off the engagement, I can feel her growing away from me. And the more she does that, the more desperate I feel, and we started to fight.

One time, hinarangan ko siya sa daan.

"Busy ka ba talaga o iniiwasan mo ko?" ungot ko.

"Busy talaga ko!" sigaw niya. "Kailangan kong mag-aral."

"Lagi mo namang sinasabi yan. Wala ka ng time para sakin. Kahit di ka naman nag-aaral, kahit wala ka namang ginagawa. Ayaw mo ba kong kasama?" Ito ang unang beses na naglabas ako ng sama ng loob sa kanya pero di ko na talaga kaya. Malapit na kaming grumaduate at magcollege, pero parang wala lang sa kanya. Pano kung last time na pala namin na magkasama?

Hindi siya sumagot.

"Sorry," ako na ang nagkusa. "Di ko sinasadya."

"Wala yun," sabi niya. "Alis na ko ah, andyan na kasi yung sundo ko. May family dinner kasi kami." Liningon ko yung tinuro nya at andun na nga ang sasakyan nila. "I heard magmimeet din kayo ng family nyo ngayon. Sana masabi mo na sa kanila. Good luck!" She tried hwr best to smile but I can see the pain. I held her hand and she was shocked.

"Ah, sorry." sabi ko ulit at pinakawalan yun ng magkatinginan kami. May mga tao nga pala sa paligid.

"Ok lang, sige ah, bye!" She waved and then turned her back and ran fast to their family car. I hope she's not crying.

BADIDUNGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon