"Oh, sabi ko bukas ka tumawag ah? Miss mo na agad ako? Hahahahaha." sabi agad sakin ni Jorge. Raulo talaga to. Nasa harap ako ng bahay nila ngayon pero di niya pa alam. Kausap ko siya sa phone.
"Utot mo lavander. Hihiramin ko sana si Porsche. Kung pwede lang naman."
"Yun lang pala eh. Sabi ko naman sayo pwedeng-pwede mong hiramin si baby pag wala ako kaya nga binigay ko sayo yung susi."
"Pati ba naman kotse linalandi mo? Iba ka rin."
"Gusto mo ikaw ang landiin ko?"
"Antok lang yan."
"Malay mo magkatotoo yung sinabi ni Jelai satin."
"Asa. Di niya nga maayos ang sarili niya, tayo pa kaya?"
"Pero nasatin naman kung gugustuhin natin diba?"
"Ay ewan, basta gagamitin ko si Porsche. Salamat. Period."
"Goodnight kiss ko?"
"Ikaw Jorge ah, natatakot na ko sayo. Ako tong Korean fan pero parang mas malala ang epekto ng excitement mo sa pagpunta sa Korea."
"Naman ah. Di na lang makisakay. Love-phobic ka talaga."
"Alam mo naman pala eh."
"Kelan mo pala balak gamitin si Porshe?"
"Ngayon."
"Ngayon!?"
"Eh bakit? Di ba pwede? Susunduin ko sana si Marxia sa bar eh. Knockout na daw sila ni Nowlard."
"Mga pasaway talaga. O sige, ako na magdadrive."
"Pero may flight ka pa bukas diba? Pano ang gwapo sleep mo?"
"Never mind that. Asan ka ba?"
"Andito sa harap ng gate nyo."
"Ngayon na?"
"Oo nga, ang kulit."
"Sige, sige, mag-aayos lang ako tapos tuloy na tayo."
"Ah so ganun, hahayaan mong mafreeze to death ako dito sa labas."
"Ay oo nga pala hahahaha. Sorry na. Nacoconscious ako pag kaharap ka eh. Ang hampaslupa ko pa nanang tingnan pag di nakaayos."
"Para kang babae, buksan mo na nga-" Naputol ang sasabihin ko ng biglang bumukas ang gate sa harap ko. At andun ang isang angel na nakaputing pullover shirt, gray pajamas, disheveled hair at mapupungay na mata.
"Hoy, laway mo!"
"Ay shit! Ang hot! I mean...."
"Hm?"
"Ah wala wala, asan na si Porsche?"
"Nasa loob ng garahe, tara? Teka, kumain ka na ba?"
"Oo na?"
"Bakit parang di ka sigurado?"
Biglang umingay ang tyan ko.
"Buti pa yung tiyan mo honest. Tara, kain bago natin sunduin yung mga pasaway."
"Pero..."
"Hayaan mo silang maghintay. Hindi ka nila alipin para gawin lahat ng pabor na hinihingi nila."
Tuloy-tuloy ang pasok niya sa magara nilang bagay kaya wala na rin lang akong nagawa kundi sundan siya.
Pakapasok namin sa loob, kumumpas siya. "Yaya, pakihanda naman po kami ng pagkain. Nagugutom kasi tong kasama ko." Medyo nakakahiya yung part na sinabi niya pa talaga yun pero ganyan talaga siya eh. Mana sakin magsalita. Hahahahaha.
Umupo kami sa long table nila na hindi ko alam kung napupunuan ba ng tao, kasi ang alam ko siya lang ang nakatira sa bahay na to. May sarili ding bahay ang parents at mga kapatid niya. Siya ang bunso at halata namang spoiled siya. Pero mabait naman siyang kaibigan.
"Parang tulog na ata sila yaya kasi walang sumagot." Malamang tulog na yun, gabi na rin. "Dyan ka muna ah, kukuha lang ako ng makakain."
"Salamat, Jorge. Nag-abala ka pa."
"Wala yun." At tumayo na siya mula sa pagkakaupo sa harap ko at pumunta sa isang direksyon sa bahay na kusina siguro.
Maya maya nakarinig ako ng malutong na mura at angal. "Aysh! Tangina! Sa tv parang ang dali lang gawin eh!" Pinuntahan ko kung san galing yun at nakita ko si Jorge sa kusina nila. Pinagpapawisan na siya masyado at halatang stress na ss kung ano ang ginagawa.
"Marunong ka bang magluto?" tanong ko.
"H-Hindi nga eh. Bakit ba kasi kayo maagang natu-? Ninian bakit andito ka?"
"Patingin nga ng kamay mo." Kahit di pa siya pumapayag kinuha ko kamay niya at hinipan. Bigla niya tong binawi. "Bakit?"
"Hindi ka ba nao-awkward?"
"Saan?"
"Sa sitwasyon natin."
"Hindi eh, tabi ka nga dyan. Ano ba sanang gagawin mo?"
"Yung egg para sa clubhouse sandwich. Tapos ko ng itoast yung mga tinapay." Tiningnan ko ang tinukoy niya.
"Tostado nga! Hala sige, ako ng bahala dito. Hintayin mo na lang ako sa dining room."
"Ayoko nga. Gusto kitang panoorin."
"Bahala ka. Wag kang magrereklamo pag natalsikan ka ng mantika."
"Ok lang na matalsikan ako ng mantika, basta makita ko kung pano ka magluto." Hindi ko alam kung nang-aasar ba siya o sadyang trip niya lang ako ngayon pero sapat na sakin ang mga sinabi niya para tumahimik ako at gawin na lang ang dapat para makakain na at may susunduin pa kami. Tama, gutom lang ako. Walang meaning ang pagbilis ng tibok ng puso ko sa huling banat niya. Wala.
BINABASA MO ANG
BADIDUNG
HumorIsang nakakabaliw na love triangle sa pagitan ng isang babae, isang lalake at isang sirena.